Cpt 3

22 2 0
                                    


Jessica's POV

"Hoy batuta! Tulala ka naman." May babae namang winawaygay ang kamay niya sa harapan ko at umupo sa tabi ko

"What." Tinignan ko naman siya ng masama

"Bakit ikaw pa galit? Nandito lang naman ako para iremind ka na baliw yung ginawa mo kanina." Sabi niya at napailing ng ulo

Ano bang nakakabaliw sa ginawa ko? Binugbog ko lang naman yung lalaking nagtangkang gahasain ang isang freshman. Mabuti nalang nakita ko kanina habang naglalakad ako papunta sa eskwelahan.

At dito din pala nagaaral yung lalaki pati na yung niligtas ko na babae. Gahasain ba naman freshman yun! Nakakawalang gana naman kasi umagang umaga gumaganon. At ang bata pa nung babae as a ate niya kailangan ko siyang protektahan.

Lahat ng freshman dito. Ang babata pa nila baka mapano sila. Kailangan matapos nila pag-aaral nila. At magawa yung mga pangarap nila sa buhay. I sound like clichè.

"Kalat na sa buong campus dai mabuti nalang di ikaw ang nauuna sa news."

"I don't care. Diyan ka na nga." Sabi ko kay rhianne at iniwanan siya

Baka mamaya malate pa ako. Si rhianne? Sus kaya niya na yan kahit umabsent pa isang araw yan perfect parin sa quizzes at exam parang si rylie lang. Kainis! Stop thinking about her jessica!

Nakaabot naman ako sa room and as usual maingay. Bala sila diyan uupo nalang ako dito. Yung upuan ko kasi medyo malapit sa bintana and may katabi din ako isa sa nga kaklase ko.

I was thinking again hay..after three years what happened to us. Nagkawatak-watak kami di ko ineexpect kasi isa kami sa magbarkada sa campus na sobrang tatag ang relasyion.

Yung tipong di na masisira ng kung ano mang sandata and di ko ineexpect na kami mismo ang sisira sa barkada. Kami bumuo kami din sisira. Hanep.

Sana talaga sa una pa lang di na kami nagkakilaa sobrang sakit lahat ng pangyayari. Alam ko na ngayon kung ano nararamdaman ni rylie dati.

At hinding hindi ko malilimutan ang araw na yon. Ang araw kung kailan kami nalang magkaagapay nagkasagutan oa kami. Ang araw na kung saan nasaktan ako ng sobra.

*Flashback (3 years ago)

Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Agad naman akong pumunta sa banyo at naligo. Tinatamad ako ngayong araw after nung incident kahapon. Mabuti nalang nakatulog ng maigi si cleofe.

Napanaginipan pa naman na bumalik si rylie tapos di sila tumuloy ng alis. Alam naman namin na kahit pigilan namin aalis at aalis parin sila. Ganon din sabi nila kuya.

Pagkatapos kong maligo bumaba agad ako and wala pa sila. Kata pumunta muna ako sa kitchen para uminom ng tubig. Kaso nakita ko siya, yung dahilan kung bakit umalis yung tatlo.

And guess what umiinom siya ng tubig pero malamig. Nakakasama yun sa health kahit gusto ko man siyang suwayin ay hindi ko magawa. Kaya kumuha nalang ako ng baso at nilagyan ng tubig pero di yung malamig.

For the whole time walang umimik ni isa samin. Narindi na din ako kaya umalis na ako don pagkarating ko naman sa living room abat!

Nakaupo yung boys sa sahig kasali na sila kuya tapos yung mga girls nasa sofa. Nakatingin sila sa kung saan man tulala na akala mo patay na.

"Matutunaw ang bahay niyan." Sabi ko napaharap naman sila sakin

Yung napaharap na as in silang lahat sabay sabay pa. Nagulat ako don parang nga robot na automatic na iikot yung ulo.

"Wala kayong mapapala kung tutulala lang kayo diyan." Sabi ko at may bigla namang nagsalita sa likod ko

"Wala nga tss..." Sabi niya at paakyat na sana sa taas pero pinigilan ko

Is Loving Me Hard?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon