Pauline's POVSa sobrang ingay ng magbarkadang yun umalis nalang ako. Pero di yun ang totoong dahilan sadyang naiingit lang talaga ako. Ang saya nila sobra parang wala silang problema.
Tinignan ko si jessica nun at rhianne pati narin ang iba. Namimiss ko na sila pero ang taas ng pride ko, pinagsisihan kong saktan sila. Dahil naman talaga sa akin nagkawatak-watak kami. Kaya isusugal ko buhay ko mapatawad lang nila ako.
Pumunta nalang ako sa rooftop kung saan ang paboritong place ni rylie. Miss ko na ang bata na yun, yung kakulitan niya, yung mga ngiti niya na sobrang lawak na abot hanggang mata. Sana ok lang silang tatlo ngayon kung nasan man sila.
Pagkadating ko sa rooftop pumunta agad ako malapit sa railings kung saan palaging gusto ni rylie na tambayan kasi makikita niya daw ang buong campus.
Nakatingin lang ako sa baba sa mga estudyante, ang ganda ng weather ngayon maulap walang init na galing sa araw. Mahangin din sobrang fresh kaya mas magandang tignan ang nga estudyanteng naguusap-usap.
Naramdaman ko namang may presensiyang tumabi sa akin. Tinignan ko at nagsisi akong tinignan siya nakangite siya habang nakatingin sa baba.
"Di ko alam pupunta ka rin pala dito." Sabi niya pero di ako umimik at tumingin lang sa harap
"Magsalita ka naman. Miss ko na kayo." Sabi niya pero narinig ko naman yung huli kahit binulong niya
Di ko pa rin siya tinignan. Ni isa walang nagsalita ang tahimik masyado. Yung ingay lang is yung nangagaling sa mga estudaynte.
Pero maya maya lang may narinig akong iyak. Tinignan ko naman siya at nakitang tumitingin siya sa nga estudyante habang tumutulo ang nga luha niya.
Gusto ko na siyang yakapin miss na miss ko na siya, sila. And di ko kayang nakikita silang umiiyak dahil sa akin. Syempre nagpanic ako kasi nakakapanghina makita kaibigan mo umiiyak sa harapan mo.
"Alam mo ba na mas gusto ni rylie dito sa roof top? Kasi tahimik walang ingay tapos sariwa pa ang hangin." Sabi niya habang nakatingin sa mga estudyante kaya napaiwas nalang ako ng tingin
"At masaya siyang tinitignan ang mga estudyante kasi sabi niya sa akin naalala niya daw yung mga araw na bata pa kayo naglalaro lang walang pinoproblema." Tinignan ko naman siya at nginitian niya ako tapos tumingin na ulit siya sa mga estudyante di ko naman inalis ang tingin ko sa kaniya
"Nagaway mam kami ni rylie isang beses pero pinupuntahan niya parin ako para itanong kung ok lang ba ako. Kaya nung araw na umalis siya napakatanga ko kasi di ko narealize na mas importante tayo kesa sa sarili niya. Minsan ko na siyang nakitang napuyat at alam mo kung ano ang dahilan?" Huminto muna siya at tinignan ako
"Kasi araw araw siyang nagiisip kung worth it ba siyang mabuhay sa mundo na toh. Kasi alam niyang walang nagmamahal sa kaniya."
"Lagi pa niya akong kinakausap dati pero simula nung nagbangayan tayo second time. Di niya na ako nilapitan. Iniiwasan niya tayong lahat."
Bakit niya ba sinasabi lahat ng toh sa akin? Para ano? Marealize ko na nagkamali at dapat humingi ng tawad kay rylie.
Kahit di niya naman ako sabihan talagang hihingi ako ng tawad kay rylie. Ang laki kaya ng kasalanan ko. Nagiisang greatest cousin niya ako tapos ako pa ang unang sasaktan siya.
"You changed pauline. We changed." Tinignan ko naman siya at ganun din siya seryoso kaming nagtitigan
"I know. Kaya wag mo ng ipamukha sa akin lahat ng nangyari. Cause I'm sorry for that." Una akong umiwas ng tingin kasi kung titingin ako sa kaniya ng matagal baka iiyak na ako
BINABASA MO ANG
Is Loving Me Hard?
Novela JuvenilPAST, pero kung paano kung ang nakaraan mo ay mismong hahabol sayo? FUTURE, paano naman kung ikaw mismo ang hahabol sa hinaharap mo? PRESENT, paano naman kung ang mga di mo inaasahan mangyayari bigla biglaan?