CHAPTER 1:
Kicking and Screaming
"Tangina mo, Kiko!" sigaw ko sa kaibigan kong daig pa ang pagong. "Bilisan mo naman! 'Pag tayo nahuli, ikakalat ko scandals mo!"
"Gago ka! Mas mahuhuli tayo sa kasisigaw mo, Francheska," sabi niya habang tumatawa. Ginagalit niya talaga ako, sarap ihulog.
We are currently sneaking out of our campus. And in order to do that, we need to climb this tall ass wall. Mas mapapabilis sana ang pagtakas namin kung hindi lang naghaharutan sina Kiko at Mikaela.
Gusto ko sanang suwayin si Mikaela, kaso 'di kami close, kaya si Kiko na lang ang pagbubuntungan ko ng inis. Badtrip kasi, gusto ko nang mag-skate.
Finally, naka-baba na ng maayos si Mikaela. At ako pa talaga ang pinahuli pa nila. Ako raw susuporta mula sa baba.
Tangina, 'di ba?
Aabutin ko na sana ang kamay ni Kiko nang bawiin niya iyong bigla. Galit ko siyang tiningnan, pero naalarma nang bigla siyang sumigaw.
"Frank, magtago ka bilis!" my eyes followed where his fingers are pointed. Namilog ang aking mata nang makita ang paparating na student councils.
Dali-dali tumakbo papalayo at mabilis na pumasok sa kwartong una kong nabuksan. It was an abandoned room filled with lab materials.
"Sina Kiko na naman ba, Bryle?" sabi ng lalakeng officer.
"Oo, nakita ko may dala silang skateboard kanina. Nag-cutting ulit." sagot ng chismosong kong kaklaseng si Bryle. Traydor amputa.
"Isa kang snitch, Bryle. Aabangan kita sa kanto mamaya punyeta ka," bulong ko.
Damn these SGCs, masyadong KJ. Also damn that stupid Kiko for being a pagong! Mabuti nalang at sinabi niya na may paparating na officers, iyon lang yata ang ginawa niyang tama.
Narinig ko ang papalapit nilang boses kaya dali-dali kong ini-lock ang pintuan.
"Madalas ba silang mag-cutting, Kuya Third?"
"Fuck, atat na atat na akong mag-skate," I slowly sat on the ground. Nakaka-inis. "Pucha naman kasi, eh!"
"Oo, kaya kailangan nating naglibot sa campus kada recess." Narinig kong ang salita ng lider nilang mano. Mga pakialamero kasi, wala bang magawa sa buhay ang mga KJ na 'to. Kung gusto nilang mag-aral nang mag-aral, 'wag nila akong idadamay.
Habang hinihintay na umalis ang mga pakilamerong SGC ay chinat ko muna ang mga walang kwentang ka-tropa ko.
Ako:
mga wlangya kau. hayp. Bkt inwan nyoko?!
Kiko Libog:
Sori na master bagal mo kase HAHAHAHA
Chardo:
AHAHAHA nayswan Frank.Nahuli ka?
BINABASA MO ANG
Skater Girl
FanfictionA SK8ER BOI FANFIC He was a boy, and I was a girl, can I make it anymore obvious?