Chapter 3

16 1 2
                                    

CHAPTER 3

Teenagers

Halata sa mukha ni Ma'am Yapchengco ang pagkagulat nang pumasok ako sa classroom. Sinong hindi magugulat sa itsura ko ngayon? Mukha akong ewan. Maga ang mga mata at may luha sa mukha. Magulo rin ang buhok at namumula ang pisngi.

"Are you alright, Ms. Amorsolo? What happened?" tanong ni Ma'am, pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na sa upuan. Nandoon na ang bag kong naiwan sa library kanina, mukhang dinala ni Bryle dito.

Agad kong nilingon ang pwesto ni Bryle at nakita siyang nakangisi na naman sa akin. Mukhang natutuwa pa na nagkaganito ako.

Umupo na lang ako at tumunganga. Hindi na rin nag-usisa pa si Ma'am at nagpatuloy na sa discussion.

One last subject and we're done for today. Matapos ang lahat ng klase ay agad akong tumayo at pumunta sa upuan ni Bryle. Nakatingala lang siya sa akin habang tinitingna ko siya nang masama.

Nginisian niya lang ulit ako.

Nakakaasar na siya.

"Anong problema, Franchesk--" agad ko siyang kwinelyohan bago pa man matapos ang sinabin niya. Lalo lang akong naiinis nang lumaki ang ngisi niya sa akin. "What are you doing? Try'na get my attention? Do you like me that much, Francheska"

Galit ako, galit na galit.

"Shut the fuck up, retard!" sigaw ko. "You fucking traitor! Bakit mo ako sinumbong? What's wrong with you, you stupid fuck?!" Tangina siya, kasalanan niya 'to.

"Tama na 'yan!"

"Let him go, Frank,"

"Stop it, Frank,"

"What do you mean, Franky?" nagmamaang-maangang tanong niya. Tumayo siya at binawi ang pagkaka-kwelyo ko sa kaniya pero hindi ko pinagbigyan. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kaniya. Kahit na mas matangkad siya sa akin ay abot ko pa rin siya.

I won't let him get away. Fuck him, hindi ako papayag.

"Go to hell! Narinig kita kanina, sinumbong mo ako kay Third. Tangina, dahil sa'yo, nahuli ako! Napagalitan, and my skateboard was confiscated!" buong lakas kong sigaw sa kaniya. I want to wipe that stupid smirk off his face.

"Why is it my fault? Kasalanan mo naman talaga eh. I'm an officer, it's my duty to report your plan. I'm no traitor, because in the first place, you're not my master." nakuha niya pang magmayabang sa ginawa niya. Nakakasuka.

Tuluyan na niyang napakawalan ang sarili sa hawak ko. He laughed like a maniac while shaking his head. Baliw nga talaga. He grabbed my shirt and pull me forcefully towards him. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin. Nakaramadam ako ng kaunting takot nang bigla niyang mas inilapit ang mukha niya sa akin. As if he will kiss me.

Tangina, bakit hindi ako makagalaw?

"Asan na ang tapang mo, Amorsolo?" hindi ko namalay na naipikit ko na pala ang mga mata ko. When I opened my eyes, nakita kong lalong lumawak ang ngiti niya.

Natauhan lang ako nang marinig ang mga bulungan ng mga kaklase ko. Dali-dali kong itinulak si Bryle papalayo sa akin.

"Fuck you!" pero imbis na inis ay mukhang natuwa pa siya sa sinabi ko. Nararamdaman ko nang malapit na akong sumabog sa inis dahil sa kaniya. Dagdagan pa ng inis ko kanina. Alam kong sa oras na buksan niya ang bibig niya ay talagang sasabog na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Skater GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon