CHAPTER 2
Sugar We're Going Down
"What the hell?!" sigaw ko sa kaniya. Paano niya ako nahanap?! Nakita ko ang agad na pag-atras niya nang akmang sisipain ko siya ulit. Pilit kong inaalis ang posas sa kaliwang kamay ko pero ayaw talaga matanggal.
Sinong baliw ang magdadala ng posas sa school? Siya lang yata. Tangina, paano ako makakatakas nito?
"You're so violent, Mr. Amorsolo," he whispered. Akala naman niya 'di ko siya maririnig eh ang lapit niya lang sa'kin. Tapos ambobo pa. Mister daw ako? Pero hindi ko rin naman masisisi, suot ko kasi palagi uniform ni Kuya Ambrose, ang pinsan kong dito nag-graduate.
Nakakatamad kayang mag-skirt. Napagkamalan siguro akong lalake ni Tanda.
Tumatawa ko siyang tiningnan. "Ambobo mo naman, Mister Lagdameo," I mocked him. Inisang hakbang ko lang ang distansaya naming dalawa, humakbang siya paatras pero nasa likod na niya ang isang shelf.
Lalong lumaki ang ngisi ko nang makita ang paglunok niya. Takot pala amputa.
"W-what are you doing?" aba't nauutal pa si Mister President. Kawawang tanda.
Kinain ko ang distansya ng aming mukha, matangkad siya kaya kinailangan ko pang tumingkayad para maabot ang mukha niya. Itinukod ko ang kanang kamay sa tabi ng ulo niya at ang kaliwa, na naka-posas, ay sa may bewang niya para ibalanse ang sarili. Lalo siyang namutla.
Cute niya asarin, pota.
"Are you scared, Thirdy?" bulong ko sa kaniyang tenga. Hinarap ko siya para tingnan ang nakakatawa niyang mukha, pero pagharap ko ay nakangisi na siya. Kumunot ang aking noo dahil sa reaksyon niya.
Bakit siya naka-ngisi? Tanga ba talaga siya?
Nakarinig ako ng ingay at agad na nilingon ang kaliwa kong kamay. Shit, nakaposas ang kamay ko sa kanang kamay niya. Putangina, sinadya niya ba 'to?!
"Who's the fool now, Franky?" shit siya talaga. Franky?! Kadiri! Lalo akong nagwala pero inisang kamay niya lang ako. Sisipain ko na naman sana siya pero nasalag niya ito kaagad. Patuloy lang ako sa pag-suntok at sipa sa kaniya, lahat iyon ay naiilagan at nasasalag niya
Kasaar!
Muntik na nga akong matumba pero hinawakan niya agad ako. Walang hirap niya akong inangat at isinablay sa kaniyang kanang balikat na parang sako. Walangya.
"What the fuck?!" sigaw ko habang pumapalag. Hawak-hawak niya ang dalawa kong paa kaya hindi ko siya masipa. At kahit pagsusustukin ko ang likod niya ay wala naman siyang reaksyon. "Putangina ka, Lagdameo!!!"
Umalis kami sa hideout ko na ganoon ang posisyon naming dalawa. Nagtataka ang ibang estudyante nang makita kaming dalawa.
"Will you please shut up? You're disturbing the other students" angil ng putanginang kidnapper.
Patuloy ako sa pagsigaw at pagsuntok sa likod niya nang madaanan namin si Ma'am Ochendo. Awkward siyang ngumiti sa akin at nag-peace sign lang.
"Traydor ka Ma'am!" sigaw ko kay Ma'am. Akala ko siya lang ang kakampi ko pero trinaydor niya rin ako. Nakaka-inis na. Bakit ba pinalilibutan ako ng mga traydor?
Sa labas ng library ay naka-abang ang dalawa niyang alaga. Ang traydor at ang tuta. Pinagtatawanan ulit ako ni Bryle habang masamang nakatingin sa akin si Totoy Ram, hawak na naman niya ang skates ko. Putangina.
BINABASA MO ANG
Skater Girl
FanfictionA SK8ER BOI FANFIC He was a boy, and I was a girl, can I make it anymore obvious?