Kabanata 2

11 1 1
                                    

Rude

Agad na tumulo ang luha ko pagkalabas ng cafe. Kumikirot pa rin ang dibdib ko at nahihirapang huminga. Panay punas ko sa aking luha na walang balak huminto. I bet my face looks like shit.

I look pathetic as I walked on the sidewalk. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Walang direksyon. Walang patutunguhan. Ayokong umuwi at magmukmok sa kwarto. I want to go to a bar to forget. Kaya lang natatakot akong magmaneho dahil ang bigat ng kalooban ko, baka madisgrasya pa ako.

Huminto ako sa paglalakad at naghintay ng taxi. I badly need all the drinks tonight. Patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ko. May kasama pang hikbi.

Biglang may kamay na naglalahad ng panyo sa harap ko. Walang pakealam kung sino man 'yon, tinanggap ko ang panyo at pinunas sa luhaan kong pisngi. Umitim iyon dahil sa aking mascara. Umiyak ulit ako sa pagkakaalam na ang gulo ng mukha ko.

"Cute," someone chuckled in front of me.

Inangat ko ang tingin sa harap. Nakita kong nakangiti ang lalaking naglahad ng panyo sa akin. Peste. Nawala lahat ng pasasalamat ko sa kanya para sa panyo. Kung ang kapalit ng panyo ay ang pagtawa niya sa akin, 'wag na lang. Kainin niya lahat ng panyo niya.

"Nakakatawa ba ang sitwasyon ko sayo?" Pagalit kong sabi.

Unti-unting nawala ang ngiti niya. Napalitan agad iyon ng seryosong mukha. Kapag galit ako, galit talaga ako at walang pinipiling tao. Malas lang niya, siya ang sumalo.

Tumingin lang siya sa akin. Walang balak magsalita. Nagpunas ulit ako ng mukha at ibinalik sa kanya ang panyo.

"Thank you for that. It would've been better kung hindi mo ako pinagtawanan," I added.

Maglalakad na sana ako palayo nang may naalala. Nilingon ko siya. Mukhang hindi naman siya masamang tao. Pero hindi ko pa rin nasisiguro 'yon.

"Uh. Kuya." He looks older than me so... "Hindi ko alam kung bakit mo nilahad sa akin ang panyo mo. Kung may masamang balak ka man sa akin, pwedeng mamaya na? Favor sana," nag-aalinlangang sabi ko.

Walang response. Nakatingin pa rin sakin. Kaya pinagpatuloy ko.

"May alam ka bang bar dito? Samahan mo naman ako oh. 'Wag kang mag-alala sagot ko lahat," pagkumbinsi ko.

Hindi siya sumagot. Takte. Hangin ata 'tong kausap ko eh. Naagaw ang atensyon ko nang may matanaw akong taxi na paparating. Agad kong pinara 'yon. Huminto ito sa harap ko. Binaba ng driver ang bintana.

"Saan po kayo ma'am? Tanong niya.

Dahil wala naman ata plano itong lalaking 'to na samahan ako, pupunta na lang ako doon mag-isa. Sasagot na sana ako kay manong nang inunahan niya ako.

"Hindi po siya sasakay manong."

I was about to protest but he dragged me away. Pilit ko namang binabawi ang kamay ko pero ang higpit ng hawak niya sa akin.

"Uy. Ano ba! Sabi ko samahan mo muna ako. Mamaya na masamang balak mo."

Shit. Baka totohanin niya ang masamang balak. Ayoko pang mamatay kahit na nasasaktan ako. I swear to God, if something happens to me, I'm gonna send this man to hell.

Kung ayaw niya edi 'wag. Hindi ko naman siya pinilit ah. Huminto siya at binitawan ako. Hinarap niya ako at nilahad ang palad.

"Keys," maikli niya sabi.

"For?"

How can he behave like this? Dragging me and demand for things. He doesn't even know me. Honestly, he a good-looking rude guy. But the hell I care!

"Do you want me to accompany you or what?"

Napahinto ako sa sinabi niya. Kung sinagot niya lang ako kanina edi sana nakaalis na kami. May pahila-hila pa siyang nalalaman.

I stared at him for a few minutes. Thinking if I should go with him. Can I trust him? Whatever. I'm just gonna make him pay if something bad happens to me.

"Siguraduhin mo lang na malinis ang intensyon mo." I said. Handing him the car keys.

"And can you even drive? Do you have a license?" Dagdag ko pa, medyo nag-aalala.

He didn't say a thing, instead he walked straight to the parking lot. Leaving me behind. Such a rude jerk. Pinatunog niya ang sasakyan at agad na nahanap iyon. He acts like he owns it. Ang kapal.

Umiling ako at sumunod sa kanya. I'm gonna forget him and have fun. Just for tonight.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fallen LeavesWhere stories live. Discover now