Goodbye
I arrived at the cafe 10 minutes before 9. As expected, there were a few people left in the area. Hindi pa rin maalis ang aking kaba and my hands are getting colder.
My eyes roamed around, looking for any signs of David. There, I saw him in the balcony area. He's sitting comfortably with hands clasped together above the table. I started to walk towards him when I saw a couple with their sweet gestures. Sinusubuan ng babae ang lalaki at pabebeng ngumiti. I smiled bitterly. They go lovey-dovey with each other while I'm gonna be a heartbroken girl later.
Nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa aming lamesa. Rinig na rinig ko ang pagtama ng aking takong sa sahig na siyang dahilan ng paglingon sa akin ni David. Sinalubong niya ako ng halik sa pisngi at ngiti.
"What's with the black?"
I smirked. Asshole.
"Nothing. I just feel like wearing it."
Tumango siya at iginiya akong umupo. Ang kabang naramdaman ko kanina ay biglang nawala. Napalitan iyon ng sakit dahil pagkatapos ng gabing ito ay wala na kami.
"Do you want to order something first?" Pormal na tanong niya sa akin.
"Coffee's fine," tipid na sagot ko.
Tumayo siya at pumunta sa counter para mag-order. Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan. Should I get straight to the point? Habang nag-iisip ako ay biglang nagvibrate 'yong phone niya sa ibabaw ng lamesa. May nakita akong isang message na galing kay Natasha. Iyong babae niya siguro, 'I miss you baby' daw eh.
Tss. Kanina lang kayo naghalikan ah. Agad na namuo ang galit sa aking dibdib. Desidido nang tapusin ang relasyong ito. I don't need a cheater in my life. At hindi ako pinalaking martyr. That's the last thing I'm going to do. Tatanggapin kong masaktan basta sa huli ay wala akong pagsisihan.
Naagaw ang atensyon ko mula sa cellphone nang marinig ang kanyang mga yabag. Nilapag niya ang dalang tray at naupo na.
"Here's your hot coffee." Nilagay niya iyon sa aking harapan. I sip on it to calm my nerves.
Walang may nagsalita sa aming dalawa. Nakatingin lang ako sa aking kape nang nagsalita siya.
"What's up?"
Mataman ko siyang tinignan. Almost glaring at him.
"I just want to ask you one question," pabalang kong sabi. Kinokontrol na ang damdamin.
Kumunot ang kanyang noo at seryosong tumingin sa akin.
"What is it?"
"How does it feels cheating on me?" My voice is shaking, and my heart beats so fast that it might burst any minute.
Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Bumaba ang kanyang tingin at biglang umiwas. He's guilty. Nakikita kong hindi niya i-de-deny 'yon.
Kumuyon ang palad ko habang hinihintay ang sagot niya. Sumimsim ulit ako sa aking kape. Hoping that it will work on calming my nerves but I was wrong. Nagpupuyos na ang kalooban sa galit.
"I'm sorry," tanging sabi niya.
Nakatingin sa akin habang sinasabi iyon. I can hear the sincerity in his voice but I don't need that. I need him to tell me why did he do that.
"Why? I will allow you to explain," matapang kong sabi.
"I don't have anything to explain. I cheated on you and that's it." Parang ilang punyal ang tumama sa puso ko. At isang sampal na iyon sa akin na wala na.
Hindi ko maintindihan kung bakit. Noong una'y ramdam ko pagmamahal niya. Masaya naman kami. Palagi niyang sinasabi na hindi niya ako sasaktan at iiwan. Ngunit parang kabaliktaran iyon. Bigla na lang lumamig. Unti-unti'y namamatay ang apoy. Ang kanyang pag-ibig ay nawala na parang usok.
Walang may nagsalita. Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa. For the last time, I stared at the man that I love for 4 years. This may be the last. Huminga ako ng malalim at nagsalita.
"Okay then. I'm breaking this relationship," hindi nakatakas ang panginginig sa aking boses.
Yumuko ulit siya at hindi nagsalita. Tanging tango lang ang ibinigay niya sa akin. It's okay with him. He's letting me go just like that. I wonder if he did really love me. My heart aches at the thought.
Tumayo na ako. Nagbabadya ang luha sa mga mata. Nahihirapan na akong huminga but I still managed to say...
"Goodbye David."

YOU ARE READING
Fallen Leaves
RomanceA brokenhearted girl met a stranger one night. She asked him to accompany her to mend a broken heart. After that night, unexpected things begin to happen.