Mahina
"Alam mo na ba?"
Nagtatanong na tingin ang ginawad ko sa aking kasama. Ramdam ko ang lamig sa kaniyang tinig.
"Anong alam ko, Zen?"
Ano bang meron? Napakaseryoso naman nang isang 'to. Why can't she get straight to the point? Para matapos na.
"Nakita ko ang boyfriend mo kahapon. May kasamang ibang babae," malamig na sabi niya.
Natigilan ako sa pag-inom ng aking strawberry shake.
"Huh? Baka kaibigan niya lang, hindi naman kasi maiiwasan 'yon," patay malisiya kong sabi.
It's a lie. I know that there is something wrong with my relationship with David. Sa mga nagdaang araw na magkasama kami ay maraming nagbago. Nakatutok siya palagi sa phone niya, late ang dating niya kung may pupuntahan kami, at bihira na siyang magtext sa akin, minsan nga hindi niya narereplyan 'yong mga mensahe ko.
I don't want to doubt him, so I pretended that everything is fine. Kahit na alam kong marami siyang itinatago sa akin.
"Don't give me that bullshit, Rui. Ilang beses ko na silang nakikita na magkasama, hindi lang kahapon. He's cheating on you," ani Zen.
"Hindi magagawa ni David 'yang bintang mo." Mahinahon kong sabi. Tinatapos ang usapan.
Napako ang tingin niya sa likod ko na para bang may nakita siyang hindi dapat na makita.
"Lumingon ka kung ganon," malamig niyang sabi.
Nakakunot noo akong lumingon tulad ng sabi niya na sana'y hindi ko na lang ginawa. Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata. Tanaw ko ang paghahalikan ng aking kasintahan sa ibang babae.
Anong kulang ko? Ba't nagkaganito? Mga tanong na nasa isip ko na kailangan ng kasagutan. Masakit isipin na ang taong minahal at pinagkatiwalaan ko ng sobra ang siyang mananakit at manloloko sa akin. Siguro nga hindi ako sapat sa kanya kaya humanap siya ng iba.
Yumuko ako hinayaang pumatak ang mga luhang kanina pang gustong kumawala.
"Tara na, Zen," mahinang pakiusap ko.
Hindi makapaniwalang tingin ang iginawad ni Kaezen sa akin. Tanga nga siguro ako. Nakita ko na ang katotohanan pero wala parin akong ginagawa. Gusto ko lang umalis dito dahil masakit at parang 'di kakayanin ng puso ko.
"Are you kidding me?" Mahina pero nanggigigil na sambit niya.
"Tsss. Tara na."
Pinalis ko ang mga luha sa aking pisngi at pilit na ngumiti. Dahil may urgent meeting ang mga professors ngayong hapon ay nagpasya akong umuwi.
I spent the rest of the afternoon crying. Thinking about our relationship. What the hell? Ganon na lang ba 'yon?
I gathered all the stuff that reminds me of him and put it inside a box. Kahit na hinang-hina na dahil sa sakit at dagdagan pa ng luha kong parang gripo ay pinagpatuloy ko parin ang pagliligpit. I need to end this or else...
After clearing things out, I fixed myself. Naisip ko na hindi ko dapat sisihin ang lahat sa sarili ko. Sa isang banda ako nga itong nagpakatanga't nagbulag-bulagan kaya sa huli'y ako ang pinakanasaktan. Then, I decided to see him tonight, para tapusin na lahat.
Ako:
David, pwede ba tayong magkita mamayang gabi? Importante sana.
I clicked send and waited for his reply. Hindi pa nag isang minuto ay nagring na 'yong phone ko,which is unusual.
David:
Ok. Where do you wanna meet?
Ako:
Cafellate. 9 pm.
Naisip ko na konti na lang ang tao doon sa mga oras na iyon. I might burst into tears there.
David:
Ok. See you later then. Drive safely.
Pesteng luha 'to, tumulo na naman dahil sa lecheng mensaheng 'yan. Kumikirot na naman ang dibdib ko. Tumawa ako ng bahagya. Kaya pala madali akong saktan dahil ang rupok ko. Napakahina.
I decided to wear a black knee-length dress that has a see-through longsleeves. I made my eyes smoky to cover the swellness, curled my long hair and put on my black heels. Voila! I really look like a heartbroken bitch ready to party all night.
"Manong, give me the keys."
Mabilis niyang kinuha ang susi at binigay sa akin. Nanlalamig ang aking kamay na nakahawak sa steering wheel ng sasakyan. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili bago nagsimulang magmaneho.
![](https://img.wattpad.com/cover/212947735-288-k663675.jpg)
YOU ARE READING
Fallen Leaves
RomanceA brokenhearted girl met a stranger one night. She asked him to accompany her to mend a broken heart. After that night, unexpected things begin to happen.