Chapter Three

188 7 3
                                    

Lumipas ang apat na taon at natapos nga ang kanyang termino bilang alkalde. Nagsisimula narin ang pagkukumpanya sa lugar nila at hindi maiiwasang maraming mga kalaban sa posisyon ang bumabatikos sa kanya, pilit pa siyang sinisiraan gamit ang naging babaeng kasama niya sa nakaraan pero dahil sa makapangyarihan ang pamilyang meron siya agad ding nalulusutan ang mga samu't saring balita ayon kanya.

Bumaha ng suporta ang kanyang pangalan mula sa pagtakbo niya bilang gobernador ng Isabela ganun din ang mga kandidato nasa kanyang grupo, masayang masaya ang ama at abot abo ang pasasalamat nito sa taong bayan, ngunit siya hindi maipaliwanag kung tagumpay bang sabihin ito o hindi. Nakatanggap siya ng mga mensahe mula sa kilalang senador at kapwa kandidato, ilang beses siyang binati at sinabihang siya na mismo ang panalo kahit pa hindi nagsisimula ang botohan at inanyayahan pa siyang dumalo sa mga okasyon.

Kasalukuyan siyang nasa loob ng dating opisina nililigpit niya ang mga natirang libro sa law mula sa malaking shelfs nang marinig niya ang mahihinang katok sa labas ng kanyang pintuhan. Inutusan niyang pumasok kung sino man ang nasa labas at sa dahon ng pintuan naroon ang kanyang tiyo na si Senador Emerald Guevas na kapatid ng kanyang naulilang ina. Kararating lamang nito mula sa manila at ngayoy gustong sumama sa kumpanya sa susunod na araw.

"Hello, senador!
Bati niya sa tiyo habang ginagawaran ito nang yakap. Mabilis din siyang bumitaw at bumalik sa shelf nakasunod ang tiyo mula sa kanyang likuran.

"Hello son!
Balik nitong bati sa kanya.

"I just want to congratulate you kahit hindi ka pa panalo, your father must be very lucky man today."  Tukoy nito kay Antonio.

Lihim siyang ngumisi sa sinabi ng tiyo, "Yeah, he must."

Sa maigsing sagot niya tila atang nakahalata ang tiyo ng pagkadismaya,

"Youre happy, son?

Patuloy parin siya sa pagliligpit.
"aha! Who would not be, tiyo? Balik niyang tanong dito.

Pagak na tumawa ang tiyo Emerald, "Your action seems not too, I can sense na may gumugulo sa isip mo." paninigurado nito na mayroon ngang gumugulo sa kanya.

"May gusto kabang sabihin sa akin? Tanong nito, lumingon siya sa kinaroroonan ni Senador Guevas.

He doesnt want to share his problem with his tiyo although he trust him at ito pa ang nagbibibgay sa kanya ng payo everytime na nagkakaroon siya ng problema bilang alkalde. But not this time, masyadong delikado at komplikado ang kakaharapin niya sa hinaharap bilang gobernador. Gusto niyang siya mismo ang gumawa ng paraan para tuluyang nang malutas ang problema niya.

"Nna, na."  Iling niya.
"Puyat lang ako tiyo dahil sunod sunod ang kumpanya ko sa nakalipas na araw." aniya.

Base sa mukha ng kanyang tiyo mukhang nakumbinsi niya itong wala siyang problema at nagjoke pa ito na baka kulang lang siya sa bitamina at mahina na ang mga tuhod. Gumawa lang sila nang malakas na halakhak sa loob ng opisina at nagpalitan din ng jokes sa isat isa.

"I came here to congratulate you and to tell you that I and your tiya Rose will accommodate the guest room of your house every day until the election is over,"  imporma nito sa kanya.

Maluwag niyang nginitian ang tiyo, "Of course my house is big and tell to tiya Rose I miss her already." Tukoy niya sa tiya.
"And thank you for your support," pasasalamat niya.

"Anytime hijo, anytime," tapik nito sa kanyang braso. Mahaba habang kamustahan at pag-uusap ang nangyari bago sila sabay na umuwi sa kanyang bahay habang naghihintay ang asawa nito sa labas ng munisipyo.






Samantala.......pagkatapos ni Shannon na matanggap ang linsensya bilang abogado agad siyang sumabak sa trabaho at dahil nga sa may mataas siyang average na nakuha sa examination ay agad din siyang nakuhang abogada sa isang Public Attorneys Office sa Quezon City. Marami siyang nahawakan na ibat ibang kaso at lahat ng iyon ay naipanalo niya gawa ng hindi talaga siya tumatanggap ng kaso lalo nat alam niyang agrabiyado ang katunggali ng kanyang kliyente.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unforgettable Night With Mr GovernorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon