matalino ako....isang leader....mabait na bata.....iniidolo ng mga kabataan...
pero paano kung mainlove ako sa isang bagong salta sa lugar namin?
makakaya ko kayang kontrolin ang damdamin ko?
o baka naman maglabasan na ang kabobohan at katangahan ko?
mapapahiya ba ako sa madlang people?
kukurutin kaya ako ng papa at mama ko sa singit?
o baka maging isang sikat kami na loveteam ng gagong iyon???
para malaman nyu, basahin nyu ang aking kwento..........
___________________________________________________________________________
hi wattpad adiks!!! isa po akong certified wattpad adik!!! at dahil natamaan ako ng virus ng kagwapuhan ni mario maurer, heto, nainspire akong magsulat. kaya heto ang resulta ng kabaliwan ko.....
first story ko po ito... i hope u like it... kung like nyu po, plz vote... and if gusto nyu po talaga ang gawa ko, then be my fan and i'll welcome you to my luka-lukang world... harhar.....
_______________________________________________________________________________-
Abalang abala kami. As in super…..bakit? Kasi fiesta sa barangay namin. Pero so what kung fiesta? Well itong lola nyo lang naman ang Sk chairperson ng barangay namin.
Kaya heto, to the left to the left, to the right to the right, to the center at ikot ikot pa ang drama ko.
Basang-basa na ako ng pawis. Summer kasi eh. Bwisit na araw na yan. Mukhang bilasang isda na tuloy ako. Amoy pinaghalong pawis at alikabok na ako.
Yuck… dirtiness na ako!
Hindi tuloy ako makapagpabeautiful eyes sa mga cutiness na boys sa basketball court. Kaya heto ang lola nyu, deadma at taray look muna. Daan-daan sa gilid ng mga beautiful boys.
Ang landi ko lang!!! Charos!
Maya-maya pa ay nagkayayaan na kaming umuwi. 5pm na. magpapabeauty pa kami. Aba, kailangang kami ang pinakabongga mamaya noh. Vonggacious to the highest level! Charos!
Nagkakatuwaan pa kami habang naglalakad pauwi nang bigla ay may nahagip na isang very interesting specie ang aking mala telescope na mga mata.
“syeeettt girl. Who’s that?” narinig kong tanong ni Bona.
“hmmmm, my boyfriend?” sabat naman ng kaibigan naming bading na si Peejay. Ayun tuloy, nakatikim ng kurot sa singit kay Bona. Napatawa tuloy ako ng malakas.
Pero natigil ako sa pagtawa nang mapatingin sa gawi namin ang grupo ni Y.U.M.M.Y fafa.
Leche! Paano naman hindi mapapatingin eh kung makatawa ako, daig ko pa ang nakahawak ng microphone na may dalang 12 feet speaker. Napakapit tuloy ako sa braso ni Peejay. Nagtigil na din ang mga ito sa pagkukulitan. nagsikapit bisig kami at humakbang palayo sa paningin ng grupo ni Y.U.M.M.Y fafa. Parang magrarally kami sa EDSA. Nang makalyo-layo ay nagsitawanan kami.Para kaming mga sira.
“Shucks! Grabe kung makatingin si Yummy fafa huh. feeling ko hinuhubaran ako. Pinagnanasaan yata ako,” sabi ni Peejay. Binatukan ko ito.
“Ambisyosa!” sabi ko dito.
“asaness ka pa! pero sino ba iyon?” tanong ni Bona.
“si Kid Friday yun,” sagot ni ate Amy, ang youth leader ng isang purok namin.
Kid Friday?Ang weird naman ng name. pag e-translate sa tagalog……
Batang Biyerne...........!
Weirdness ang name huh. pero my golly! Ang wafu!!! Nakakabuhay ng kilig nerves ang kagwapuhan!
“bakasyunista yun. Pero dinig ko, dito na yata mag-aaral. Mukhang nagustuhan ‘tong lugar natin eh.” Saad ni ate amy.
Syete! Sa sinabi nito nagtilian ang mga kasama ko. Aba aba, nabuhay ang mga landi nerves sa katawan. Mga lecheng ito. mag-aagawan pa yata.
Sabagay, ang tunay na magkaibagan ay nag-aagawan. Harhar!
May the hottest bitch win!!! harhar.....
“my my my, dapat pala magpaganda ako ng vonggang vonggang mamaya. At ang landi moves! Kailangan kong magcharge. I need a lot of landi energy mamaya. Haha!” sabi ni Peejay. Ang gagang to.Mukhang balak gahasain ang lalaking iyon. Well, worth naman kasi ang gagahasain eh. Siguradong yummy yun. Harhar! Uuwi na nga din ako at magpapaganda. Makikilandi na rin mamaya!
Pero ang paglalandi ay hindi natuloy. Super busy kasi ako noong magstart na ang program at nadoon si papa. Baka kurutin pa ako sa singit. Kaya ayun nang magsimula na ang disco, nakuntento na lang ako sa pagsulyap-sulyap sa kanya.
ganun naman ako eh. Sulyap lang ako kasi masyadong protective sa akin si papa at mama. Kaya nga hanggang ngayong second year college na ako, hindi pa rin ako nagkakaboyfriend. Gusto kasi nila sa bahay manliligaw ang lalaki. Para pormal daw.
tapos dinagdagan pa ng mga achievements ko at pagiging isang leader
ayun, pinangingilagan tuloy ako. Wala ni isang nanligaw sa akin.
minsan nga naiisip kong baka pangit ako kaya walang nagkakagusto sa akin.
pero sabi ng isa kong pinsan, maganda ako. Marami nga daw may crush sa akin. ako daw kasi yung ideal girlfriend. Maganda, matalino at mabait. Pero nakakatakot nga lang. intimidating daw kasi ang aura ko. Kaya takot ang mga boys na ligawan ako. Kaya ayan tuloy hanggang crushes lang ako.
Pero............ iyong lalaking iyon, iba siya.
kasi iba ang tahip ng puso ko nang unang masulyapan ko siya. alam kong hindi lang ito crush. It is something beyond that pero ayoko nitong nararamdaman ko. Bakit? Dahl sa hitsura pa lang nito, ito ang tipong playboy. Hindi marunong magseryoso.Habulin ng babae.
Therefore, hindi uso dito ang panliligaw. Kaya wala silang pag-asa. Kaya habang mas maaga pa, patayin na nya ang nararamdaman niya. hindi na nya hihintaying lumawig pa at masaktan siya.
hanggang crush-crush lang ‘to cuz there is no hope in them. They will never be together. They will never be…..