masungit at suplada daw.....ako????

30 0 0
                                    

After 1 hour of iwasan, kainan and chikahan,  nagpaalam na kami nila peejay na uuwi. Magbibihis pa kasi kami dahil may championship game pa ng basketball at may parlor games.

Doon sa plaza ay pilit ko na ring iniiwasan si kid. pero ang gagong iyon, mientras lumalayo ako, lumalapit naman siya. tabi ng tabi. Tanong ng tanong. Kaya kahit kinikilig sa pagkakabunguang siko namin, umiisod ako ng palihim.

Nakukuryente ako eh. Para bang basa siyang tubig at ako ay isang wiring. Pagnapapdikit sa kanya, nagspaspark ako.

At nababahala na ako kasi baka hindi ko makontrol ang kilig at baka tumili pa ako ng vonggang-vongga. Mapahiya pa ako. Kaya ayun tuloy, nahahalata na ako nila peejay.

“uy ikaw ha? Crush mo siya noh?” nanunuksong tanong ni peejay sa akin.

“hindi ah.” Syempre deny to death ang lola nyu.

“sus, denial queen. I know, crush mo siya. iwas ka eh. May sparks noh?”

“tigilan mo nga ako bakla. Asikasuhin mo na lang iyong crush mo na referee. Bigyan mo ng tubig.”

Iningusan ako nito at pakembot-kembot na lumapit nga sa referee. Ang landi nito. Umupo siya sa likod ng management ng game. Kasama na si kid sa naglalaro ng basketball. Kaya naman libre ako sa pagtitig. Walang makakaistorbo. Lahat kasi ng mata nakatutok sa court. Walang makakahalata na may pinagnanasaan ako sa loob ng court. Harhar! And landi ko lang.

After 20 minutes, tapos na ang game. At syempre ang panalo ay ang team nila kid.

aba ang galing yata mag 3 points shot ni kid noh. A

ng hot-hot-hot pa nya sa loob ng court.

“uy girl,” hinigit ni peejay ang sleeves ng tshirt ko at pinunasan ang glid ng labi ko. “laway mo, tumutulo." Tumawa pa ito nang malaks.

Syete. Bruhang ‘to. Akala ko kung ano. Tumayo ako at hinigit ko ang laylayan ng damit nito paitaas kaya naexpose ang totoong kasarian nito.

A woman trapped in a man’s body. Pinunasan ko din ang labi nito at tumakbo palayo. Tumili ito nang tumili.

“ang boobs ko ang boobs ko. Bruha ka!”

Tawa lang siya nang tawa. Nagsitawanan na din ang  mga players at mga nanonood.

Pero sa pagkagulat ko ay lumapit ito kay kid na nagpupunas ng pawis. Natigil ako sa pagtawa.

Darn! Kid is looking so ultra hot. HAWT na HAWT!!!!

Kumapit si peejay sa braso ni kid at hinilig-hilig pa ang ulo sa balikat ng lalaki.

Syeett lang. Parang itim na pusang naglalambing. 

“babe, babe. Si Sk o. bad girl siya.” sumbong nito.

Tumingin naman sa akin si kid. then he smiled on me.

“oo nga bad girl siya. sungit at suplada pa,” sang-ayon naman nito na ikinausok ng ilong ko.

aba’t sinabihan akong bad girl! At di pa nakuntento.dinagdagan pa ng sungit at suplada!

Ako? Masungit at suplada? 'tong bait ko na 'to? Ms. Friendly ako!!!!!!

Kumulo tuloy ang nanahimik na dugo ko. sa lahat pa naman ng ayaw ko ay iyong sinasabihan akong suplada!

Naniningkit na sa inis ang mata ko pero nakangisi lang ang bruhong lalaki at inienjoy ang pagkiskisan nila ng baklang pusa.

Nilapitan ako ni bona. Nasense siguro nito na talagang naasar ako.

Hinaplos nito ang likod ko. “girl, chill. Joke joke lang yan.” Pagpapakalma nito. minsan lang ako maasar at alam ng mga kaibigan ko na nagiging monster ako pag naasar na nang husto.

Kahit anong pagpapakalma ni bona, ay hindi ako kumakalma.

Hindi ko gusto ang nakapintang ngisi sa mukha ng lalaking iyon! parang inaasar ako talaga.

kung kanina mukhang ultra hot ito sa paningin ko, ngayon, mukhang tinubuan na ito ng dalawang sungay sa ulo!

bago pa ako mapigil ng kaibigan ko ay nakalapit na ako kay kid na nanlilisik ang mga mata. Napatuwid ng tayo si peejay. Nasense din siguro nito ang bad aura ko. binitiwan nito ang bisig ni kid at akmang hahawakan ako pero tinabig ko ang kamay nito.

Lumapit ako sa lalaki hanggang 10 inches na lang ang layo naming sa isa’t-isa. “sumunod ka sa akin,” utos ko dito.

Humanda sa akin ang lalaking ito!!!! walang gwapo-gwapo sa akin!!!! baka gahasain ko pa siya at ikulong sa kwarto ko!!! charos!!!

I can't help falling in love with uTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon