Kinaumagahan ay umaattend ako ng mass. Ngayong araw na ito ang talagang pista ng barangay namin.
magnininang ako mamaya sa anak ng isang kaibigan namin na maaga pa nag-asawa at naging ina. Kahit nagkaganun man iyon, kaibigan pa rin namin iyon at mahal na mahal namin. katunayan ay tuwang-tuwa kami sa cute na cute na anak na babae nito. Kaibigan din naman namin ang napangasawa nito eh.
Kasama ko sina Peejay at Bona sa pag-aattend ng seremonyang iyon. Kaya as usual maingay. magkaroon ka ba namn ng kaibigang mamamatay yata pag napanisan ng laway.
“Girl, dapat alagaan mo yung legs at face. Someday itong inaanak ko ay magiging future Ms. Universe.” Sabi ni peejay.
Kita mo tong baklang to. Kung anu-ano ang pinapangarap sa anak ng may anak.
“mag-anak ka kasi. Para iyong anak mo ang pasalihin mo sa Ms. Universe,” sabat naman ni Bona.
“ay gusto ko yan. Brilliant idea. Hayaan mo. Malapit na kaming magpakasal ni Kid Friday. Ninang ka ha?”
Binatukan ito ni bona.
“gaga! Wala kang matris! At di ka papatulan ni zxgt457…” tinakpan ni peejay ang bibig nito. Pinalis nito ang kamay.
“anu ba bakla? Yuckinesss…. Dirtinesss… Ba’t mo tinakpan ang….” Tinuro ni peejay ang sa likuran ko.
Nag glittering mode ang mga mata ng dalawa. Napakunot ang noo ko. napano ang mga ito?
pumihit ako paharap sa tinitingnan ng mga ito.
Syeete!
Pader! Mabangong pader.
Paano nagkaroon ng pader sa likod ko eh nakatayo kami sa gitna ng simbahan?
“careful.”
Narinig kong bulong ng pader sa ibabaw ng ulo ko. May nagsasalita bang pader? At ba’t mabango?
Nagpeperfume na din ba ang mga pade? Aba ang sosyal. Pero parang hindi tama. Tumingala ako.
Isang bilugang maitim na mata na matiim na nakatitig sa akin ang nakasalubong ng mga mata ko.
Napatulala ako.Parang natigil yata ang ikot ng mundo. nagfreeze ba ang oras? Bakit parang hindi ko na naririnig ang ingay nila peejay at bona? Bakit parang nabingi yata ako? Ang tahimik eh.
At bakit parang may naghahabulang daga sa loob ng puso ko? At bakit parang hindi ako makahinga? At bakit….
“careful,” narinig kong ulit nito.
“you might fall…” napanganga ako.
Ano daw? I might fall? May bangin ba?
Napaatras ako ng dalawang hakbang.
Red lips, makapal na kilay, thick eyelashes, matangos na ilong, makinis na face, maputi……
Leche!!!!!!!
Si kid Friday!
At sinabihan akong I might fall…….. for him?
Dumagundong ang tibok ng puso ko.
Another leche! Akala ko ba crush crush lang? leche plan! In love na yata ako! at mukhang alam nya! lecheng-lecheng letchon!
“on the floor,” sabi nya. Ha? Anong on the floor?Sasayaw ng on the floor?Sa simbahan sila at binyag ‘to. Bakit sila sasayaw ng On the floor ni J.Lo?
“a--nong on the floor?” nauutal na tanong ko.
“ang sabi ko po Ms. Sk, be careful, you might fall on the floor. Mag-ingat po kayo.”
“ah...... thanks????” sabi ko na lang at tumalikod.
Paksyet! Natanga ako!
Nabobobo ako sa harap nito!
Lumapit ako sa mga nastarstruck pa rin na mga kaibigan. puwesto ako sa likod ng mga ito.
alam ko kasing namumula ang mga pisngi ko.
Nakakahiya. First time kong nagkaganoon sa harap ng isang lalaki. Hindi ako nakapagsalita. parang kinalawang ang utak ko at hindi ako nakapag-isip ng tama.
magine, napagkamalan ko siyang pader??? at inamoy ko pa talaga!!!!
Syete naman o. nakakahiya talaga.
Sa buong durasyon ng seremonya hanggang sa handaan ay tahimik lang ako sa tabi at pilit iniiwasan na magkatabi kami ni kid.
ang malas naman kasi eh.
Ninong din kasi ito ng bata ng kaibigan ko. kaibigan pala kasi ito ng asawa ng kaibigan ko.
syete naman o.
kaya yun, tinatakan ko ang noo at likod nito ng DANGER ZONE.
danger zone siya dahil kapag malapit lang ito sa kanya, inaagiw ang utak ko at sa reaksyon ng puso ko, huh! mukhang nanganganib pang ma fall in love ako sa kanya.
i dont want to fall in love with him. AYOKO KO!!!!
At dahil danger siya, dapat umiwas ako.
be safe nga di ba.
Be careful.. . .
HAZARD ZONE