Oo ako na ang malande. Pero bakit ba? Im happy naman eh. hindi ba pwdeng kaligayahan ko naman ang pagtuunan ko muna ng pansin?
I have been living like a robot. Lahat ng ginagawa ko tama. I live up with their expectations dahil ayaw kong madisappoint sila sa akin.
Naging mabuting leader ako.
Masunuring anak.
Achiever sa eskwela
Honorol sa classroom
Matinong babae.
Pero………
I had never been happy like what I feel at this time.
I feel like im free
Im full of energy
Im pretty
Im sexy
Im hot
Kaya pwde bang magpakatanga muna ako ngayon?
Oo alam kong medyo ahem nagpakacheap ako.
Halos wala pang 20 minutes na ligawan eh sinagot ko na siya.
Oo ako na ang malande pero mahal ko siya.
Gago siya, matino ako pero anong magagawa ko? mahal ko eh.
Kasehodang magmukhang gaga din ako.
Yes, I don’t care about what you think na.
I care about myself.
Im not going to give away my happiness….
Kid makes me happy….
I love him
Pero alam kong itong secret affair naming ay kailangan ding malaman ng iba
Oo, tagong pag-iibigan ‘to mga ‘tol. Alam mo naman ang parents ng mga ahem perfect daughters. Dapat ligawan ng pormal sa bahay, etc, etc.
Eh sa nasagot ko na eh. wala na silang magagawa.
Pero infairness, kinukulit na ako ni kid na pupunta daw siya sa bahay para manligaw. Pero ako lang itong ayaw.
Bakt?
Kasi hindi pa ako ready.
Takot ako.
Takot ako na baka e-reject nila ang lalaking mahal ko.
Baka sabihin nilang, he’s not the one for me.
Syempre sa isip nila, perfect daughters are meant to be with perfect sons.
Yung mga achievers, para lang sa mga achievers.
Yung matino, para lang sa matino.
Hay…
Ang gulo ng buhay ko noh?
Everyone expects a lot from me.
Kaya hindi ko masabi-sabi na boyfriend ko na si kid.
Takot akong masabihan na cheap.
Na akusahang utu-uto dahil pumatol ako sa isang playboy.
Sabihang tanga dahil nagpapaloko ako sa tulad ni kid na nanloloko ng mga babae.
Pero di ba, sabi naman ni kid mahal nya ako?
Liligawan nga nya ako sa bahay eh.
Pero………………..
Dalawang araw pa alng kaming magkilala nang magtapat siya na mahal nya ako.
Kapani-paniwala ba iyon?
O kapani-paniwala bang pagmamahal din itong nararamdaman ko para sa kanya?
Love nga ba ang nararamdaman naming dalawa?
O baka nagkamali lang kami?