𝓉𝓊𝓁𝒶 𝓃𝑔 𝓃𝒶𝓀𝒶𝓇𝒶𝒶𝓃
Dean's Point of View
"Hi Mr. MVP, may project po ang student council ang project po is pusuan mo buwan ng prebrero na kung saan parang omegle po ang laro ang game, random po ang pagbibigyan ng letter, tula and anything and sainyo po napunta ang isang tula na ito at hindi ko nababasa iyan pero sana magustuhan niyo po sabi ng gumawa kung kanino man daw po mapupunta." ang sabi saakin ng babae at umalis na siya sa harapan ko at hawak hawak ko na ang naka enveloped. Yung itsura ng enveloped ay parang spanish time na old fashion tapos may tali na nakalagay. Ang ganda ng pagkakadesign ng enveloped.
Binuksan ko ang liham at nakita ko kung ano ang nakalagay. Isang tula tungkol sa pagibig ang ganda cursive at siya mismo nagsulat at gumawa ng tula. Sinumulan ko ng basahin.
Ang Aking Pag Ibig
Sa bawat oras na pag ikot ng mundo
Sa bawat pagkakataong tumatakbo
Pag ibig ko sayo'y hindi magbabago
Ang pag ibig na ito'y para sayo
Pag ibig na hindi lamang kapusukan
Ito ay totoo at walang hangganan
Ikaw, ako, tayo ay magmamahalan
Puso't, Isipan ikaw ang nilalaman
Mapapagod man ngunit hindi susuko
Sapagkat ang nagmamahal ay totoo
Kaya kang ipaglaban at gawing buo
Pag ibig ko ay tunay hanggang dulo
Isang pag ibig na makapangyarihan
Pag ibig na hindi mo mapipigilan
Lungkot, hirap , ginhawa at kasiyahan
Ako'y kasama mo sa walang hanggan
Ang ganda ng pagkagawa ng tula sana makilala ko kung sino ang gumawa at sana mapunta din sakaniya yung liham nagagawin ko pero ngayon parang nakakakilig. May gagawin pa pala tungkol sa Research Proposal namian kaya pupunta muna ako sa library para maghanap ng libro para sa topic namin sa thesis. Ang title ng thesis namin ay...
Nandito na ako ngayon sa library at nakita ko yung tao sa counter he's cute and nakita ko yung name tag niya he's name is Pharm busy siya sa pagchecheck ng mga libro. Naalala ko tuloy yung araw na nireject ko siya kumusta na kaya siya? gusto ko sana siyang kausapin pero mukhang busy siya sa pagbabantay at pagchecheck ng mga libro.
BINABASA MO ANG
I love you Mr. CEO (Boy Love Story)
FanfictionMeet Sean Pharm Antiporda ang bisexual na cute, maputi, talented pero napaka bitter pag dating sa pag ibig dahil sa isang taong minsan na siyang nireject. Ang kaniyang pag iisip ay mababago nang bigla siyang dalhin sa posisyong hindi niya bachelor...