Chapter One.
Jayne's POV
"Anak, Jayne gising tanghali na! May pupuntahan tayo." Gising sa'kin ni mama habang niyuyugyog ang aking balikat.
Unti unti ay dumilat ako, nakita 'ko ang magandang muka ni mama Janice, (Hay ang swerte ko dahil nagkaron ako ng mama na katulad ni'ya, maganda, mabaet, mapagmahal at maalaga.)
Umupo ako sa gilid ng kama habang kinukusot ang aking dalawang mata. Nakatayo sa a'king harapan si mama na nakapamewang pa.
Tumingin naman ako sa alarm clock 'ko. It's already 9:00am. napahikab ako. inaantok pa ako 'e.
Tumayo na ako sa pag kakaupo at niyakap s'ya di sya tumugon kaya nagsalita na ako. "Mama Sorry na po, 'di na po mauulit, last ko na pong inom 'yon, swear mama. " Pag uumamo ko.
Nanatiling titig ang mga mapupungay na mata nito sa'akin. Kaya umupo na lang ulit ako at tumitig sa kawalan.
Nahihiya ako kay mama dahil nagkaganito ako pagkatapos kaming iwan ni Daddy Jaspher, Dapat ako nga 'tong nasa tabi ni'ya dahil alam kong, kung nasasaktan ako. Higit na nasasaktan s'ya.
Ang hina ko, 'di ko man lang tinabihan si mama noong mga panahong nasasaktan si'ya.
Hind umiyak si mama noong umalis si Daddy Jaspher, Ganoon 'din si Kuya Jameson. Pero alam kong nasasaktan sila, Tinatatagan nila ang kanilang sarili mapakita 'lang na malaks sila. Pero kapag tumitig ka sa mga mata nila, doon mo makikita ang sakit, poot at pagdadalamhati. Dahil ang mga mata ay hindi nagsisinungaling.
'Ganoon namin kamahal si Daddy. Sobrang tiwala ang ibinigay namin 'kay daddy kasi s'ya yong lalaking ideal man talaga, husband material pa. Kaya 'di namin matanggap na sasama lang pala si'ya sa kabit niya.
Sumama sa ibang babae si daddy 6months ago.
Ang sabi pa ni'ya kay mama noong nag usap sila sa kwarto nila at nakikinig kami ni kuya sa labas habang nag aaway sila na matagal na palang may kabit si Daddy almost 2 years na pala at sabi niya sawa na 'daw si'ya sa'amin at gusto na daw ni'yang sumama sa kabit ni'ya and worst 'di man lang namin nalaman, for almost 2 years na may kabit siya 'di namin nalaman like the fvck.
Ganun si'ya kagaling magtago mga walang hiya.
Kung hindi pa pupunta sa'amin ang katrabaho ni Daddy na ninong 'ko hindi pa namin malalaman. Ang galing napaka galing.
I fvcking salute you Daddy.
Nung una akala 'ko okay lang sa'kin, okay lang sa'min pero habang tumatagal nagiging cold na 'ako sa lahat ng tao sa bahay, kahit na si kuya na matalik na kaibigan 'ko na kung ituring.
Nag bulakbol ako, 'di na ako pumapasok sa school, pero umaalis ako ng bahay na naka uniform, at dederetso papunta kay James, ang aking boy friend. At minsan naman ay sumasama ako sa'aking mga kaibigan para pu-marty tuwing gabi.
Noong una ay bali wala lang sa kanila kapag gabi na ako 'kung umuwi sa bahay. At kapag nagtanong sila ni kuya kung bakit palaging gabi na akong umuwi, nagdadahilan lang ako na may ginagawa kaming projects, assignments, report and so 'on.
Pinapakita ko din na talagang pagod ako. At kung minsan naman ay 'di 'ko na naabutan na gising sila. Iniiwasan ko na din na umuwe sa bahay pag lasing ako. Natutulog ako sa Condo ng Boyfriend 'ko.
Hanggang sa isang gabi nahuli ako ni mama galit na galit siya/sila ni kuya ng makitang lasing na lasing ako at punit punit na ang suot 'kong blouse madumi na din ang aking skirt at gulo gulo ang buhok, halos 'di na nila makilala ang muka 'ko.
Well, galing lang naman ako sa party. 'Kaso nga lang nagkainitan kami ni Kim isa sa mga bitch na kaibigan ko. Ewan 'ko nga kung paanong naging kaibigan 'ko ang hayup na ahas na 'yon. Nakita ko kasi na hinalikan niya si James tapos tinulak siya ni James. Sumugod ako at sinabunutan siya, Nang makuntento ay binigyan ko din siya ng 180 degree kong sampal kaliwa't kanan pa.