《Chapter Ten》

87 8 0
                                    

James's POV.

Tanghali na kami nagising kinabukasan kung kaya't kumain na lang kami sa isang Samgyupsal Restaurant dito sa Malapit na Mall.

Habang kumakain ay hindi pa din naaalis sa isipan 'ko ang sinabi ng babae kagabi sa elevator, hindi pa ako sigurado kung ako nga ba ang tatay o niloloko n'ya lang ako para bumalik ako sa piling n'ya, Hindi 'ko naman pwede i text o tawagan s'ya dahil baka malaman ni Jayne.

'Siguro ipapahanap 'ko na lang ang condo n'ya. Tama! Ayon na lang!'

Napabalik lang ako sa tamang wisyo ng magsalita si Jayne.

"Babe, okay na yan, medyo sunog na nga oh," Tinuro n'ya ang pork na medyo sunog na nga.

Dali dali 'ko namang inilagay iyon sa plate 'ko.

"Ah, Mamayang 5pm ang party ni Monique sa Bar, Babe. Nag chat s'ya sa'kin kanina na agahan daw natin para sa photo booth na gagawin." Pagpapaalala n'ya pa habang ngumunguya.

"Ah, okay fine, babe. Uhm, yong susuotin pala natin na ready 'ko na kanina."

"Salamat, baby." Pinisil n'ya pa ang pisngi 'ko, so cute babe.

"Hindi ka na galit sa'kin?" Tanong 'ko habang ngumunguya.

Natigilan s'ya at pabagsak na sumandal sa upuan, ngumuso s'ya kaya natawa ako.

"Baby, hindi ka ba naniniwala sa'kin? Wala ka bang tiwala sa asawa mo?" Pagbibiro 'ko at pinisil din ang pisngi n'ya.

"Anong asawa ang pinagsasasabi mo?" Pagtataray n'ya pa.

"Sorry na nga, gusto mo gawin natin ngayon yong ginawa natin kagabi. ayie." Ngumisi ako at nangahalumbaba para titigan s'ya.

Nakita 'kong namula ang pisngi n'ya at napainom ng tubig habang pinapaikot ang tingin sa buong restaurant.

"Ang bastos mo talaga!" Sabi n'ya habang pinupunasan ng tissue ang bibig.
"Oo na, hindi na ako galit! Kaya please manahimik ka na lang at kumain!" Dugtong n'ya pa.

"Okay, fine baby." Ngumisi ako ng nakakaloko bago kunin ulit ang chopstick at kumain ulit.

"Monique! Monique! Hey!" Napatingin ako kung saan nakatingin si Jayne at nakita 'ko nga si Monique na kasama ang boyfriend n'ya.

"Oh! Hey baby J, Hello kuya J! May date pala kayo ah, but the way, agahan n'yo mamaya ah."

Pinaupo namin sila. Magkatabi si Jayne at Monique, kami naman ni Vincent ang magkatabi.

"Yes ofcourse, Monique. Mag re-ready na nga kami after namin kumain. But the way ano nga pala ginagawa n'yo dito ni Vincent?" Tanong ni Jayne.

"Uhm actually dumaan lang kami dito ni boyfie to buy a new necklacle, paano ba naman kasi napigtas yong gift ni mommy sa'kin na necklace, Then nag aya tong si Vincent na kumain kaya napadpad kami here." Pag uusap nila.

"Bro, Hindi ka pa din umaamin kay Jayne? Baka lalo lang s'yang masaktan n'yan pag huli na ang lahat at nalaman n'ya. Siguradong patay ka." Bulong sa'kin ni Vincent.

"Sasabihin 'ko naman kaso alam 'kong hindi pa ito ang tamang panahon ng aminan, masyado akong mababaliw pag umalis si Jayne sa buhay 'ko, Bro." Bulong 'ko din, maswerte at nag uusap din sila Jayne at Monique kung kaya't hindi nila kami napapansin.

My Boyfriend Is My FatherWhere stories live. Discover now