Chapter Eleven.
Jameson's POV.
"Sabi ng doctor, kumain ka ng gulay para lumakas ang resistensya mo anak."
Pag papaalala ni mama habang nag aayos ng bag n'ya sa may side table.
Kakaalis lang ng doctor at pinayuhan ako na kumain ng gulay!
Fvck? Tanging kalabasa at sitaw lang ang kinakain 'ko! Ni minsan ay hindi ako kumain ng gulay, except noong pinilit ako pakainin ni Janae ng Talong.
Janae is my one and only ex-girlfriend. Tanda 'ko noong first anniversary namin, pinakain n'ya ako ng inihaw na talong, sa una ay ayoko talaga pero wala 'e, hindi ako makatanggi pagdating sa babaeng 'yon.
"Ma, pwede mo ba akong lutuan na lang ng adobong sitaw? Okay na siguro 'yon." Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang cellphone sa may side table.
"Anak, kada isang araw Two-Three hours ka lang pupwedeng mag cellphone, naiintindihan mo ba? At saka nag-usap pala kami ni Dr. Gabriel." Sabi ni mama.
"Ano pong sabi n'ya mama? Good news or bad news?" Tanong 'ko habang naglalaro ng ML sa cellphone 'ko.
"Uumpisahan na ang pag che-chemo next week, kaya gusto n'ya palakasin pa ang resistensya mo anak, hindi biro ang pag che-chemo, sana maintindihan mo." Sabi n'ya habang nag lalagay ng lipstick sa labi.
Napatigil ako sa paglalaro at pinatay ang phone 'ko bago tumingin 'kay mama.
"Okay po mama, bili na din po kayo ng mga prutas. Ah! Asan nga pala si Jayne? Sabi n'ya dadalawin n'ya ako, pero ilang araw na ang lumipas hindi man lang s'ya nadaan dito."
"Ah oo sige, bibili ako ng mga prutas," nakangiting sagot ni mama. "Ah, nak nasa boyfriend n'ya s'ya, kilala mo ba ang boyfriend ni bunso?" Tanong ni mama.
Umiling lang ako bilang tugon.
Ni hindi 'ko nga nakita ang pagmumukha ng boyfriend n'ya, sana lang huwag 'syang sasaktan dahil ako ang makakaharap ng lalaking 'yon.
"Osige anak, aalis na ako, mamaya maya lang ay darating na din ang magbabantay sayo.... Oh! Ang sabi n'ya nasa baba na daw s'ya mga 10:40am nandito na s'ya, masosorpresa ka anak." Nakangiting sabi n'ya habang may binabasa sa screen ng phone n'ya.
Napatingin ako sa wall clock malapit sa pinto, It's already 10:35am, 5 minutes na lang at darating na s'ya......
"Ah wait mama! Sino pala ang mag babantay sa'kin?" Nanlalaking matang tanong 'ko kay mama.
"Babye, honey. See yah later, enjoy." Mapang asar na ngumisi si mama sa'kin at lumabas na ng kuwarto 'ko.
Fvck? Ano nanaman 'tong paandar ni mama? Kahit kelan talaga tong nanay 'ko. Sabi ng isip 'ko at napahilamos ng mukha.
Ilang minuto nga ang lumipas at may kumatok sa pintuan ng room 'ko, inaasahan 'kong mga kaibigan o kaya sila daddy ang papasok pero nagulat ako ng pumasok ang isang babae na pamilya na pamilyar ang pagmumukha sa'kin, may dala s'yang basket ng prutas at.....bulaklak. eh?
"Ja-janae....."
What the fuck? It's her! My one and only ex-girlfriend!
'Mama!!!!!!'
Lagot ka sa'kin mamaya mama!!!
"A-anong ginagawa mo dito Ja-janae?" Utal at kinakabahang tanong 'ko.
"Ah hello, pinapunta ako ni tita, ang sabi n'ya may emergency daw kaya n'ya ako pinapunta pero bakit parang ayos na ayos ka naman?" Kunot nuong tanong n'ya din!