Labis ang sayang hatid
Kapag ikaw ang kasama
Animo'y lumulutang sa himpapawid
Sa pagmamahal mong aking nadaramaNais ulit ulitin
Mga sandaling nais sanang sulitin
Ang bawat oras na ika'y kapiling
Ito lamang ang aking tanging hilingPangako mong di ako iiwan
Pangako mong aking pinanghawakan
Noong kaya pang ngumiti ng hindi mapait
Noong hindi mo pa ako pinagpapalitAkala ko'y sa higpit ng hawak mo'y di ako bibitawan
Ngunit bumitaw ka sa'kin para kamay niya'y hawakan
Sana'y nagpatuloy pa ang pag-ikot ng oras
Nang paghinga mo'y di pa magwakas"Bumalik ka na." Usal kong dalanging nakapikit
Kahiy na alam ko ang katotohanang masakit
Mahirap makipag-agawan
Kung karibal ko'y kamatayan
