Wahhhh ang ganda ng story ng End the Capitol. Excited na kong matapos ang story kaya lang ma le-late na naman ako sa first subject namin.
Tumatakbo na ko papuntang classroom. Nasa third floor pa naman yun. Halos di na ko makahinga nang marating ko yun.
"Amira Dixon! Late ka na naman. Gusto mo bang ma suspend tomorrow? One more late dun na punta mo." Tigre na naman si Miss Guadalupe. Panu ba naman, lagi na lang akong late at idagdag mo pang matandang dalaga na siya. Hehehe.
"Pasensya na po Miss. Di na po mauulit. Hehe peace" agad akong naupo at nakarinig na naman ako ng bubuyog.
"Ano ba yan Amira, late ka na naman! Naka sampung late ka na ata this month of March. Well I forgot every month pala, 15 lates ang quota mo." Tinarayan ko ang kaibigan ko na si Faye. Para siyang si nanay kung makapag sermon.
"Sorry na. Nagbasa kasi ako ng Novel. Ang title "End the Capitol". Ang ganda niya besywaps. Nahihiwagaan nga ko sa author eh. Parang may kakaiba sa kwento. Babasahin ko nga ulit mamaya eh" di ko alam kung anong nararamdaman ko sa story na yun. May iba eh.
Di na ko pinansin ni Faye kaya nakinig na lang ako kay Miss.
Tadan! Lunch time na. Hinintay namin ni Faye sa Cafeteria ang tatlong gungong na lalaki naming kaibigan. Nasa iba kasi silang section. Mabuti na lang may reserved spot kami sa Cafeteria.
"Hoy Amira, nagawa mo ba yung assignment natin sa Science? Pakopya naman pls." Nag puppy eyes si Faye sakin. Yuck, di niya ba alam na mukha talaga siyang aso everytime na ginagawa niya yun?
"Hoy ka din! Ang galing galing mong humingi ng tulong! Kapag may assessment tayo, kulang na lang itago mo ang answer sheet mo sa panty mo!" Inirapan ko din siya ng bonggang bongga. Kala niya ha.
"Hindi naman sa ganun. Baka kasi mali ang mga sagot ko hehehe ayaw kitang madamay prend. Hehehe" ang kapal talaga ng mukha! Mabuti na lang mabait akong kaibigan kaya in the end, pumayag pa rin ako. Yinakap akong mahigpit ni Faye. Di na ko makahinga..
"Wow ang sweet niyo naman. Ako din mga bakla!" Nakiyakap na din ang friend namin na bakla. Yes isa siya sa tatlong lalaking friend na hinihintay namin.
"Hoy Francisco! Bitawan mo nga si Faye! Di na makahinga ang babylabidabs ko." Eww. Feeling mo naman maganda ang girlfriend niya. Binitawan kami ni bakla. Nakataas na ang kanyang kilay na mas mataas pa sa Mt. Olympus. Wow on fleek ang kilay ng bruha.
"Kung sino man ulit ang tumawag sakin ng Francisco, MAMAMATAY ng virgin gaya ni Miss Guadalupe. That is my curse!! Sabi ko ng Francine ang name ko eh. Ipinanganak ulit akong Dyosa. Ooppss walang echosera!" Hataw ni baklang Francine. Yun bugbog sarado na naman si Edo kay Dyosang Echosera.
"Aray ko naman Francisco este Francine. Tama naaaaa. Aray aray. Hoy tama na!" Pinaghahampas pa rin ni Francine si Edo. Kaming dalawa naman ni Faye, walang imik.
"Francine tama na. People let's eat." Dumating na si Homer na may dala dalang pagkain. Naks, yaman talaga. Siya na naman ang bumili ng lunch namin.
"Lunch time! Timeout muna tayo Edo. Mamaya na ko reresbak sayo. Mga Sizums, let's eat na." Sa wakas natapos na din ang rambulan ng dalawa. Tumabi si Edo kay Faye. Tsk, walang forever nu. Samantalang magkakatabi kami ni Francine at Homer.
"Mamaya pala, pumunta kayo sa bahay ha. Birthday ng kapatid kong si Ella. Sabihin niyo na rin na dun kayo matutulog. Hehe" may kaunting handa kami sa birthday ni Ella mamaya. Muntik ko pang makalimutan.
"Siz, nandun pa yung pogi mong pinsan?hehe me is kilig!" Naku, inlove talaga tong baklang to sa pinsan kong masungit..si Leandro. Di naman pogi yun eh. Mukha ngang pugo. Pwe!
"Ewan ko bakla. Eat and Run na naman ang gagawin ni Leandro. Magsasama pa yung ng mga kaibigan niyang mga pg. Di na marunong mahiya." Kumukulo talaga ang dugo ko kapag naiisip ko ang bawat okasyon na may MGA patay gutom na bitbit si Leandro. Pati lumpia, di na pinatawad.
Tawa lang kami ng tawa ng alalahanin naminang bawat okasyon na walang natitira pagkain sa bahay namin dahil sa gang ni Leandro.
After class, maaga akong umuwi para tulungan si nanay sa paghahanda. Maya't maya, darating na rin ang mga bisita ni Ella. Itinago ko ang Lumpia sa taas ng cabinet. Kala mo Leandro ha. Di mo maiisahan ang unggoy. Wahaha.
BINABASA MO ANG
End the Capitol
FantasyTwo worlds collide in helping a young woman against the Capitol.