Ang sarap ng hangin dito sa taas. Papalubog na din ang araw. Oras na para umuwi at hintayin na naman ang bukas.
"Hinga lang Prim. Darating ang araw na makakalaya ka rin sa buhay na 'to. Darating din ang oras na hihinga ng kusa ang pagkatao mo. Di ganitong pilit at walang saysay." Yan lagi ang sinasabi ko sa sarili ko tuwing nakikita ko ang papalubog na araw. Ang dami kong gustong gawin sa buhay ko pero lahat ay limitado dahil sa sistemang ginagalawan namin.
Tinahak ko ang daan pauwi. Bukas aakyat na naman ako sa burol para tingnan ulit ang papalubog na araw.
Madilim ang tinatahak kong daan pauwi samin. Wala kang makikitang liwanag sa bawat bahay. Walang kulay, walang ingay. Wala kahit ano.
Natatanaw ko na ang bahay na kinalakihan ko.
Maliit, marupok at walang buhay. Noong bata pa ko, ilang beses ko inisip na iwan ito. Ngunit may isang bagay akong iniisip. Panu na sila kapag wala ako?Isinantabi ko ang malalim kong iniisip. Wala naman magbabago.
Binuksan ko ang pintuan at nadatnan ko ang inay na tahimik, nakaupo sa lumang silya.
"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang nakatulog na ang kapatid mo sa gutom?" Di ko alam kung bakit ganun na lang ang tingin sakin ng nanay ko. Simula ng mawala ang itay sa digmaan, napasa na sakin ang responsibilidad na pakainin at pagsilbihan sila. Alipin ako ng sarili kong dugo at kailanman, hindi ko yung maitatanggi.
Nilapag ko ang nahuling isda at tumingin sa mga matang nagbabaga sa galit.
"Malayo layo ang pinuntahan ko para manghuli ng isda. May tanim tayong gulay, bakit di mo naisip na ipakain kay Moy?" Isang malutong na sampal ang ibinigay ni inay. Dinama ko ang mainit kong pisngi. Hindi na to bago sakin, bago kung yayakapin at ipagdarasal niya ko. Ngumiti ako ng malapad at umalis sa harap niya.
"Ninakaw ang mga pananim sa likod bahay!! Ano ang ipapakain ko sa kanya? Ugat? Wala kang kwentang anak at mas wala kang kwentang kapatid! Ganito ba kagalit ang langit sakin kaya't binawi niya sakin ang itay mo at ikaw ang iniwan samin ng kapatid mo?!!!" Marami pang masasakit na salita ang binitawan niya bago ko narating ang kwarto ng kapatid ko. Hindi ko na pinansin at wala naman magbabago. Sasakit lang ang puso ko at hindi ko kayanin.
Nadatnan ko si Moy na nakatingin sa malayo. Pumapatak ang luha't pawis sa mukha niya. Masakit na makita ko yun. Wala pa kong karapatan na pawiin yun. Tumabi ako sa kanya sa papag.
"Bakit gising ka pa? Hinihintay mo ba ang ate? Pasensya ka na ha kung natagalan ako sa pag uwi. May nahuli akong isda Moy. Sapat na pagkain yun sa mga susunod na araw. Halika't ipaghahanda kita ng makakain" Hinaplos ko ang kanyang mukha at kinuha ang kanyang mga kamay. Tumingin siya sa mga mata ko.
"Ate, gusto ko ng panibagong bukas." Alam ko ang sinasabi niya. Alam na alam ko. Lahit kami ay uhaw sa pagbabago.
"May gaganaping pagpupulong bukas. Pagpipilian na kung sino ang ipapadala." Tipid akong ngumiti sa kapatid ko. Kahit ako ma'y ayaw ko ng ganitong sistema. Nakakauhaw at nakakawalang ganang mabuhay.
"Halika na. Basta ang pangako ng ate, hangga't may tubig na umaagos sa ilog at talon, hangga't may araw tayong nakikita sa umaga, hanggat't umiihip ang hangin, darating ang panibagong bukas Moy." Hinalikan ko ang mga noo ni Moy nang hindi ko maipakita sa kanya ang mga mata kong nag aalinlangan.
"Pangako ko sayo Moy. Gagawin lahat ng ate para mabigyan ka ng panibagong bukas." Bulong ko sa hangin.
Tinanaw ko ang maliwanag na siyudad. Maligaya silang namumuhay at walang pakialam sa mabababang nilalang na gaya namin. Nagagalak sila sa bawat pakiusap. Nagbubunyi sa bawat daing ng nasa ibaba. Nakakakain ng masasarap na pagkain apat o limang beses sa isang araw. Kami ay maswerte na kung makakain ng dalawang beses sa isang araw. Mamamatay kaming dilat kung hindi lang sa tulong ng kalikasan.
Ang Kapitolyo Della Uno ang siyudad ng nakatataas. Isa tong siyudad kung saan umaagos lahat ng biyaya. Pinamumunuan ni President Reyu. Mala rosas ang mga salita, mala demonyo ang gawa. Napapalibutan ang Kapitolyo ng matataas na pader, mataas at malakas na seguridad. Wala ni isa ang gustong kumalaban sa Kapitolyo dahil mga buhay na kinabibilangan mo ang kapalit. Kami ang ugat ng Kapitolyo. Kami ang bumubuhay sa Kapitolyo. Nahahati kami sa Tatlong Distrito. Ang Primera Distrito, Segunda Distrito at Tarsera Distrito.
Ang Primera Distrito ang naatasan na mag angkat ng pangangailangan ng Kapitolyo gaya ng pagkain, damit, at ano pa. Nasa Hilaga ito ng Kapitolyo. Ang Segunda Distrito naman ang naatasang kumontrol sa mga Water Dams na nagbibigay liwanag sa Kapitolyo. Nasa Timog ito ng Kapitolyo. At panghuli ang Tarsera Distrito, kami ang naatasan sa seguridad ng Kapitolyo. Kami ang gumagawa ng mga sandata at kami ang ginagawang taga bantay sa Kapitolyo. Nasa Silangan kami ng Kapitolyo. YhKahit kami ang pinagkukunan ng Kapitolyo, wala kaming karapatang gamitin ito laban sa kanila. Ang tanong, ano ang nakukuha ng bawat distrito para tugunan ang pangangailangan ng Kapitolyo? WALA. Sadyang hawak lang kami sa leeg ng Kapitolyo.Ang bawat distrito ay napapalibutan ng electric wave. Walang nakakalabas at walang nakakapasok. Kailangan namin tugunan ang kanilang pangangailan dahil sa oras na kami ay tumanggi, maaaring sumabog ang aming distrito sa pamamagitan ng electric wave. Walang makakaligtas.
Bawat ika-labing tatlo ng Marso ginaganap ang Labanan ng bawat Distrito. May mga kalahok na galing sa Kapitolyo. Isa lang ang pwedeng manalo. Kaya ang pinipili ang pinakamahusay sa bawat distrito. Ang mananalo ay bibigyan ng tsansang mamuhay sa loob ng Kapitolyo at humiling ng isang hiling na hindi kailanman matatanggihan ng Kapitolyo.
Kung ako ang mapipili, matagal ko ng pinag isipan ang hiling ko kay President Rey.
Maaga kaming natulog dahil maaga kaming pupunta sa Centro ng Tersera Distrito. Kinakabahan ako, at alam ko kung bakit. Sana nasa panig ko na ang mga dyos.
![](https://img.wattpad.com/cover/220952666-288-k4399.jpg)
BINABASA MO ANG
End the Capitol
FantastikTwo worlds collide in helping a young woman against the Capitol.