The Chosen One

1 0 0
                                        

Maaga akong nagising dahil sa kasabikan na malaman kung sino ang mapipili ngayong taon.

Bumaba ako ng tahimik at tinungo ang munti naming kusina. Ipagluluto ko sila ng agahan. Tiningnan ko ang isdang nahuli. Walang sangkap akong nakita kaya't minabuti ko na lang na iihaw na lang ang mga ito. Hinanap ko ang mga butil ng bigas. Ni isa wala akong nakita. Tiningnan ko ang bakuran at may nakita akong dalawang natatanging mais. Ito na muna ang papalit sa lasa ng bigas.

Pagkaraan ng ilang oras, nagising na si Moy at nadatnan akong naghahanda sa mesa.

"Magandang umaga ate. Mukhang masarap ang inihahanda mo. Mukhang masaya na naman ang mga munting nilalang sa tiyan ko." Nakita ko ang munting saya sa labi ni Moy. Alam kong gutom na siya dahil hindi na siya kumain kagabi. Ako man din.

"Masarap talaga to dahil gawa to sa pagmamahal ng ate" di ko mapigilang ngumiti. Si Moy lang ang natatanging mahalaga sakin dahil kailanman, di niya ko pinakitaan ng magaspang na ugali. Lagi niyang ipinaparamdam sakin na kailangan niya ko at mahal niya ko.

Nakita ko na naman ang magkasalubong na kilay ni inay. Tiningnan niya ang inihahanda ko at ngumiwi.

"Inihaw na naman na isda? Wala ka na bang ibang maihahain?! Jusko naman Prim! Nagrereklamo na ang dila ko!"  Pilit akong nginitian ni Moy. Mukhang gusto niyang iparating na wag ko ng patulan si inay. Kahit sa murang edad, alam ni Moy ang nangyayari samin. Anim na taon lamang siya pero naranasan niya na ang mapapait na piraso ng mundo.

Nginitian ko siya pabalik para ipaalam na nakuha ko ang gusto niyang sabihin.

"Inay, halika na at kumain na po tayo" agad naman sumunod si inay at tumabi kay Moy. Inis niya kong tiningnan. Maayos  ang pakikitungo ng inay kay Moy. Di gaya sakin. Pero di ko kayang magalit kay Moy sa inggit na nadarama ko. Sa edad kong 18, uhaw din ako sa pagmamahal ni inay.

Tahimik kaming kumakain. Nakita kong ipinaghihimay siya ng isda ni inay. May maliit na parte ng puso ko na sana ako rin. Iniwas ko na lang ang paningin ko.

Tiningnan ko ang orasan. Mahuhuli na ko sa pagtitipon. Agad akong nagligpit at nag ayos.

Hinaplos ko ang buhok ni Moy at tipid niya kong nginitian. Alam niya kung saan ako pupunta at kung ano ang ipinunta ko. Tiningnan ko si inay at agad naman siyang ngumiwi at umiwas ng tingin sakin.

Nagmadali akong lumabas sa bahay at tiningnan ito ng saglit. Kapag ako ang napili, hindi ko na muli itong masisilayan.

Bakit ba lahat ng paalam ay mahirap at mapait?

Tinungo ko na ang daan papuntang Centro. Hindi lang ako ang naglalakad, marami kami. Ang bawat miyembro ng bawat distrito na tutungtong sa edad na 18 ay kabilang sa pagpili. Walang makakatakas dito.

Natatanaw ko na ang Centro. Mukhang marami na ang naghihintay sa pagpili. Ang Centro ang lugar kung saan nagtitipon tipon ang mga miyembro para pag usapan ang mahahalagang bagay lalo na ang pagpili.

Nirehistro ang bawat pangalan na kasama sa pagpili.
Agad akong naupo at hinintay ang pagsisimula. Dumating na ang aming pinuno. Si Pinunong Agoo. Isang matandang lalaki na puno ng kumpyansa sa kanyang sarili. Hindi ko siya gusto simula pa lang sa una.  Napapaligiran siya ng taga bantay.

Lahat ay nakaupo na at naghihintay sa pagpili. Ang iba ay takot, ang iba nama'y parang ulol sa galak. Sa oras na tumuntong si Pinunong Agoo sa platform, lahat ay magpipigil ng hininga.

"Magandang umaga mga legal na miyembro ng Tersera Distrito. Ngayon ay ang araw ng pagpili. Dapat ay magbunyi tayo para pangalanan ang maswerteng mapipili. Siya ang magiging mukha ng Tersera Distrito at siya ang magiging boses ng bawat miyembro. Alam kong mahirap tanggapin na mahihiwalay ang mapipili sa kanyang pamilya, makikisalamuha sa mga taong nabibilang sa Kapitolyo at masasaktan sa kamay ng kanyang makakalaban pero malay natin, ito na ang maswerteng taon para sa Tersera Distrito. Kung mangyari ito, ito lang ang hilingin mo... bigyan ng masaganang buhay ang Tersera Distrito!!" Wala sinuman samin ang nagpahayag ng galak sa mga sinabi ni Pinunong Agoo. Dahil siya lang ang nababaliw sa kanyang mithiin. Kutob kong kaanib siya ng Kapitolyo.

"Yan lamang ang gusto kong iparating. Simulan na natin ang pagpili."  Nakita namin ang modernong telebisyon sa taas ng platform ni Pinunong Agoo. Padala ito ng Kapitolyo para mapadali ang pagpili. Nakita ko na ito noong isang taon kung kailan napili ang kaibigan kong si Tres. Yun ang huling kita ko sa kanya.

Ilang minuto napili na ang kalahok sa taon na ito at hindi ako nagkamali sa kutob ko. Nakita ko ang pangalang.....

PRIMROSE O. MERCED

Yan ang pangalan ko. Maraming mata ang nakatingin sakin. Ang iba ay nabigla, ang iba ay naaawa pero may isang tingin na nagagalak, ito ay galing kay Pinunong Agoo. Dapat na ba kong kabahan?

End the CapitolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon