PROLOGUE: Warm Bodies

13.6K 340 10
                                        

Facebook Group to read my stories for free :
Juanna Balisong STORIES

WARNING! SPG AHEAD!
ENJOY READING! (/>o<)/

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"I CAN'T believe this Faith, ikakasal ako sa isang gwapong mayamang si Lorenzo Zembrano!" Nagpaikot-ikot pa ang dalagang si Tiffany habang yakap ang isang bistidang bigay sa kanya ng nobyo.

Ilang buwan pa lamang na magkasintahan ang dalawa ngunit umuwi ang mga ito isang araw at masayang ibinalita sa kanila na nag-propose na si Lorenzo kay Tiffany. Nang gabing iyon ay di makapaniwala ang mga magulang ni Lorenzo na ganoon na lamang kabilis ang pangyayari. Maging siya ay di makapaniwalang engage na ang dalawang kaibigan.

"Isipin mo yun, naliligo ako sa pera at karangyaan, Nabibili ang mga mamahaling damit at alahas, kina-iinggitan ng lahat. Hay... Kay sarap sa pakiramdam!" Napahinto ang dalaga sa pagikot nang mapansin ang pananahimik ng kaibigan. Nilapitan niya ito sa sulok ng kama at tinabihan. "Hey, hindi ka ba nasisiyahan para sakin?" Kabig nito sa kanyang braso at mas lalo pang dumikit.

"Tiff, tapatin mo nga ako. Disedido ka na ba talagang pakakasal ka na kay Lorenzo?" Tanong ni Faith sa kaibigan.

Sandali itong napaisip bago sumagot. "Of course yes! Hindi lang dahil sa pera at pangalan, dahil siya ang magiging tulay ko para makalaya na sa bruhang iyon." Tukoy nito sa tiyahin nitong si Aling Meling.

Ito ang nagpalaki kay Tiffany. Minsan na ring naikwento sa kanya ng kaibigan ang pang-aalipusta at pangmamaltrato nito dito kaya ganoon na lamang ang nais nitong maikasal agad kay Lorenzo.

Nakaramdam ng awa si Faith para sa binata. Mabait itong tao ngunit mapupunta lamang sa piling ng isang manggagamit.

'Itigil mo nga ang pag-iisip ng ganyan Faith alba! Pinaplastik mo na ba ang 'yong kaibigan? Isipin mo nalang, for her own good din ang pagpapakasal nito kay Lorenzo.' saway niya sa sarili.

Matagal nang kilala ng pamilya Fuentes ang mga Zembrano. Business partners ang mga magulang nila ng binata kaya simula pagkabata'y kilala na niya ito.

Bumukas ang pinto at sumilip doon si Lorenzo. Pumasok ito at ang mga mata'y nakatutok lamang kay Tiffany. Hindi niya namalayang tinititigan na niya pala ito. Naka-formal attire ito at nakaayos ang tuwid at maitim nitong buhok, mapapansin din na medyo hapit ang suot nitong toxido dahil sa matipuno nitong pangangatawan, ang nagtatagisang mga panga nito ang mas lalong nagpadagdag sa pagiging lalaki nito. At sa taas nitong 5'11 o 6'0, sinong hindi ang mapapalingon sa gwapong binata?

Lumapit ito sa nobya at hinagkan sa mga labi at ngumiti ng pagkatamis. How she wished na may ganoon ding lalaking titingin sa kanya, na punong-puno ng pagmamahal at paghanga sa kagandahang meron siya. Pero sino nga ba ang makapapansin na meron din siyang tinatagong ganda? Isa lamang siyang boring at simpleng babae. Napatawa na lamang siya sa kaniyang iniisip. Para siyang baliw na ngingiti-ngiti sa gilid.

"Para kang aso diyan, timang!" Huli sa kanya ni Tiffany

"Let's go ladies, tayo na lamang ang hinihintay sa baba" kinabig nito ang nobya sa baywang saka lumabas ng silid.

**

Tinatahak na nila ang daan patungong hardin ng mga Zembrano nang tawagin si Faith ng isang katiwala sa mansyon.

"Ma'am Faith nais daw po kayong makausap ng Don." pabulong na tukoy nito sa ama ni Lorenzo. Napatigil sa paglalakad ang magkasintahan at nilingon sya.

"Mauna na kayo, susunod na lamang ako" ngiti niya sa dalawa at sumunod sa katiwala.

~~~~~~~~~~

One Sinful Night R-18 (COMPLETED ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon