CHAPTER 1: Planned

8.4K 263 4
                                    

Facebook Group to read my stories for free :
Juanna Balisong STORIES

ENJOY READING! (/>o<)/

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PAKIRAMDAM ni Faith ay mabigat na mabigat ang kanyang katawan. Para siyang binugbog at tila pagod na pagod. Naalimpungatan siya nang umagang iyon nang maramdaman ang pagtama ng sinag ng araw sa kanya mukha.

Tatayo na sana siya mula sa pagkakahiga nang bigla ay isang kamay ang pumigil sa kanya at hinila siyang muli pabalik sa kama. The strong arms encircled on her waist and hugged her tightly.

Tila estatwang nanigas si Faith at tumigil ang kanyang puso sa pagtibok nito. Dahan-dahan niyang tiningnan ang brasong nakayakap sa kanya at doon niya napagtanto na wala siyang saplot!

"No!"

Sa labis na kabiglaan at pagkataranta at agad na napabalikwas siya ng tayo at naghagilap ng anumang maaarong maitatapis sa hubad niyang katawan.

But it was too late. The man is already awake and he's watching her naked glory!

Ang mas ikinabigla lalo ni Faith ay nang mapagsino ito. It's Lorenzo Zembrano! Her best friend's fiancé!

Hindi malaman ni Faith kung anong parte ng kanyang katawan ang tatakpan ng mga kamay. Mabuti na lamang ay mahaba ang kanyang buhok at bahagyang natatakpan nito ang kanyang dibdib.

"W-what are you doing here?" tanong niya rito sa nanginginig na tinig at tinitigan din niya ang nakahubad 'ding lalaki. "What happened?"

"I... I don't know." Nalilitong nilingon nito ang nagkalat na damit nilang dalawa sa sahig.

It was scattered all over. Mayroong nasa sulok, iba nama'y nasa may pinto and...

"Oh!" Mabilis na hinablot ni Faith ang underwear niyang nakasampay sa vanity chair at patakbong pumasok sa bathroom.

Nasapo ni Faith ang kanyang mukha dahil sa labis na kahihiyan. 'What happened?' pinilit niyang alalahanin ang nangyari kagabi ngunit ni-hapyaw ay wala siyang matandaan. Sumasakit lamang ang kanyang ulo dahil sa pagpupimilit na makaalala.

"Faith?" Dinig niyang tawag at pagkatok ni Lorenzo sa pintuan.

"Please, Lorenzo. I-I don't know what to do if... if ever someone sees us," kinakabahan niyang ani.

Ano na lamang ang mangyayari sa kanila kapag nalamang may namagitan sa kanila ng fiancé ng kanyang kaibigan? Hindi na iyon maipagtataka dahil pareho dilang nagising nang walang saplot at—tiningnan niya ang repleksyon niya sa salamin... May mga namumula siyang marka sa katawan na tanda ng kung ano mang nangyari sa kanila ni Lorenzo kagabi.

She was so hopeless. Hindi niya alam kung paanong nangyari ito. Wala siyang matandaan and worse ay nakagawa siya ng kasalaan sa kaibigan! At sa ayos nila kanina paggising ay walang hindi mag-iisip na walang nangyari sa kanila kung sakaling may nakapasok sa kwarto.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung sakaling malaman iyon ng kanyang papa, at isa pa ng kaibigan niya. Ano nalang ang kahihiyang idinulot niya sa pamilya at sa pamilya ni Lorenzo?

One Sinful Night R-18 (COMPLETED ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon