CHAPTER 4: Strangers

6.3K 248 8
                                    

Facebook Group to read my stories for free :
Juanna Balisong STORIES

ENJOY READING! (/>o<)/

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"ANO ba?! I said let me go!" Patuloy na pagpupumiglas ni Faith nang may magsalita sa kanilang likuran

"Let her go." Mapanganib na wika ng lalaki na ikinatigil nilang lahat.

Bakas sa tindig nito ang otoridad na nagsasabing marapat lamang itong sundin. Ang mga mata nito ay walang emosyon na animo'y pagtinitigan ka nito ay hahandusay ka nalang kinatatayuan mo.

"B-boss..." Nauutal na sabi ng lalaking may hawak kay Faith

"I said, let her go." Ulit nito sa sinabi.

Naramdaman ni Faith ang unti-unting pagbitae sa kanya ng lalaki. Nasapo niya ang kanyang braso dahil sa sakit.

"Nawala lang ako ng ilang buwan, balik gawain niyo na naman kayo?"

"Boss hindi po! Nagkakatuwaan lang po kami rit---"

"Nonsense!" Sigaw nito na ikinayuko ng mga barumbadong lalaki. "Now go, ayoko nang makita o malaman ulit na nanggugulo kayo dito. Understand?"

"Y-yes boss. P-pasensya na miss ganda." Hinging paumanhin sa kanya ng lalaki at umalis kasama ang mga kasamahan.

Nilapitan ni Faith ang batang lalaki at pinantayan ito. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya dito. Tumango ito at lumingon sa lalaking nagligtas sa kanila.

"Kuya, maraming salamat po sa pagligtas sa amin. Kung hindi po kayo dumating baka kung ano na po nangyari."

"You're welcome, young boy." Ngiti nito at ginulo ang buhok ng batang lalaki.

Tumayo si Faith at hinarap ang lalaki. Pinagmasdan niya ito. Matangkad ito at well built ang pangangatawan mapapansin iyon dahil sa suot nitong black shirt na halos pumutok na ang manggas dahil sa laki ng mga muscle nito. Nakasuot din ito ng grey na jogging pants at running shoes.

Mukhang kagagaling lang nito sa pagja-jogging dahil sa butil-butil na pawis sa noo nito. But it didn't bother, it makes him more fresh na parang kagagaling lang sa ligo. Foreigner ito dahil sa buhok nitong blonde na hinagod ng lalaki pataas sa noo at nakangiting tumingin sa kanya.

"Done checking me?" Nakalolokong ngiti nito kay Faith na ikinaiwas niya ng tingin. "C'mon, hatid ko na kayo."

"Ah hindi na, may dala kaming sasakyan. N-nakapark sa labas."

"Oh... then samahan ko nalang kayo sa sasakyan niyo." Muling ngiti nito. Muling napaiwas ng tingin si Faith hindi niya alam pero naiilang siya tuwing ngumingiti itong tumitingin sa kanya.

**

Tumigil sila ng paglalakad sa tapat ng sasakyang dala nila Faith. Humarap siya sa lalaking nakasunod sa kanila.

"Again, thank you for saving us Mr...?"

"Ow... Winston. I'm Winston." Ngito nito at naglahad ng kamay.

"Mr. Winston. I'm Faith." Tanggap niya sa kamay nito at gumanti ng ngiti.

"You're... Welcome, Faith."

Ilang segundo silang nakatitig sa isa't-isa habang magkahugpo ang mga kamay. Hindi alam ni Faith sa sarili kung bakit hindi niya maialis ang mga mata rito. Animo'y nahihipnotismo siya ng mga bughaw nitong mata at ngiti.

One Sinful Night R-18 (COMPLETED ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon