05

14 0 0
                                    

"Ano ba'ng problema mo?" Napangiwi ako sa lakas ng sigaw niya.

Mas lalo akong kinabahan nang humakbang siya papalapit sa akin habang hawak ang mga kubyertos sa magkabilang kamay.

"Kumain ka nga sabi!" Inis nitong sambit mukha ko ang kutsarang may sabaw.

"Ang panget nga kasi ng lasa!" Reklamo ko nang matikman ang kasuklam-suklam na lasa ng "Tinola" kuno nitong si Oli.

"Puta ang panget ng lasa!" Ngiwi ako nang ngiwi. Muntik pa nga Kong maduwal dahil lang sa panget ng lasa ng sabaw na linuto ni Oli.

"Hoy, mantika, sinasabi ko sa'yo, hindi nga masarap!" Umirap ako at ramdam kong ngumisi na naman siya.

"Ako ba ang kailangang mabusog at magpagaling? Hindi diba." Ibinaba niya ang kutsara at inayos ang hoodie niyang gulo-gulo na dahil sa paghahatakan naming dalawa.

Kasalukuyan kaming nasa apartment ni Oli at nag-aaway dahil nagpaulan ako at linagnat.

Nagagalit 'tong epal dahil may showcase kami bukas.

"Peste ka, Oli! Sana mabulunan ka 5 years from now!" Sinumpa ko siya at tumalim ang mga mata.

Putek! Ang hapdi ng dila ko. Hayop talaga!

"Patingin nga."

Bago ko pa man maaninag ang mukha niya, nakita kong nasa Ospital pa pala ko.

"Aray." Napabalikwas ako at napasapo sa noo nang malubha itong kumirot.

"You fainted." Napatingin ako Kay Greg at tipid siyang nginitian.

"Salamat sa pagtulong." Namaos ang boses ko at dahan-dahang tumayo.

"Magleave ka raw muna." Napatigil ako nang tumingin kay Cha na nasa pintuan.

"Huh? Bakit?" Gulong-gulo na ko sa mga nangyayari. Sumasakit lalo ulo ko.

"Sinaksak mo siya, Ann! Ano bang pumasok sa—" tumigil si Cha nang mapasapo ako sa aking ulo. Ang sakit. Nanghihina ako lalo.

"Wala akong maalala." Inalalayan ako papaupo ni Greg at galit na tumingin si Cha sa akin.

"Anastasia, umuwi ka na. Na-book ko na grab mo." Malamig nitong sabi at dali-daling lumabas ng kwarto.

"Tara na." Inakay ako ni Greg papuntang elevator at natigilan nang makita ang sarili sa salamin.

"Ilang araw akong walang malay?" Kumunot ang noo ko dahil sa payat ng mukha ko.

"Apat na buwan." Simpleng sabi nito.

"P-paano?" Kumabog ang dibdib ko habang sumakay kami pababa patungong lobby.

"Hindi ko rin alam." Nang maisakay na ko sa kotse, mataman niya kong tinignan at umismid.

"Get yourself a psychiatrist, Ann." Sabi niya nang maisara ang pinto at humarurot na ang driver.

***


"Limang araw na kong nabubulok dito, Cha! Ayoko na! Gusto ko nang magtrabaho!" Giit ko nang isinaksak ni Cha ang gamot sa IV ko.

"Ano ka? Sinuswerte? Buti nga di ka sinampahan ng kaso! Ann, muntik mo nang mapatay anak nila!" Nanlamig naman ang mga kamay ko nang mabanggit niya si Atticus.

"Oh, natahimik ka diba?" Napaupo ako at napalabi.

"Wala ka ba talagang maalala?" Tinitigan niya kong mabuti at marahan akong umiling.

"Wala talaga." Napabunting hininga siya sa sinabi ko at lumabas ng kwarto.

Kinuha ko ang librong nakapatong sa side table ng kwarto ko at pinagpagan iyon.

"Sana all."

Yan na lang ang nasabi ko nang maibuklat ang mga pahina at pinasadahan ang bawat salita.

"Persephone?" Napukaw ng mga mata ko ang isang babaeng may hawig sa batang pasyente sa 13th floor.

Unti-unti akong nalinaw sa mga nangyayari habang binabasa ang libro.

"Hades."

Here and NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon