02

20 0 9
                                    

Ilang araw din ang nakaraan pero hindi ko makalimutan ang mga enkwentrong iyon.

Panandalian lang nawala sa utak ko ang mga nangyari nang magkaroon ng emergency sa ospital at pinatawag ang lahat ng mga nurse.

Mag-a'alas sais ng gabi nang maubos ang tao sa emergency room kaya umakyat na ko sa 18th floor para ayain si Chancey kumain.

Ang tanging naririnig ko lang ngayong gabi ay ang mga yabag ng heels ko sa lapag.

"Tsk. Tigas ng ulo." Napairap ako nang madatnan ko siyang natutulog.

Siya kasi nagbabantay kay Tito Chris na naka-confine ngayon dito sa Olivares' kaya kulang ito sa tulog.

"Huy, tara na. Hindi ka pa nanananghalian." Yinugyog ko ang balikat niya at tinampal siya sa pisngi.

Napabalikwas siya at kumunot ang noo sa ginawa ko.

"Bakit? Anong oras na ba?" Tumingin siya sa relo niya't napamura.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at dumiretso sa elevator nang 'di ako linilingon.

"Anong problema n'on?" Inis kong sambit at bumalik sa station para kunin ang wallet ko.

Nakarinig ako ng mahinang halinghing pero binalewala ko at bumaling sa paghahanap ng wallet ko.

"HAHAHAHHAHAHAA"

Lalong lumakas ang tawa't kumabog ang aking dibdib.

Nagsitaasan ang balahibo ko pero hindi ako lumilingon sa pinanggalingan ng tawa't pinagpatuloy pa ring hanapin ang wallet ko.

Nakarinig ako ng mga yabag pero hindi ko pa rin pinansin. Nalabas ko na lahat ng gamit ko sa bag pero wala pa rin ang wallet ko. Chineck ko sa desk at sa mga bulsa ko pero wala talaga.

Nakarinig muli ako ng hagikgik at sinundan ko kung sa'n nanggagaling.

Ngayon ko lang napansing bukas-sara ang ilaw sa floor namin pero sa pagkakaalam ko, kapapalit pa lang ng mga ito.

"Fire Exit." Marahan kong sambit at unti-unting itinulak ang pintuan.

Nakarinig ako muli ng mga hagikgik at lumingon ako pero wala pa rin akong nakita.

Balisa akong tumungo sa Nurse Station at tumawag sa Main.

"Shit." Napamura ako nang naka-cut ang linya ng telepono.

Kumatok ako sa bawat kwarto pero walang umo'okupa sa mga ito.

Tinakbo ko ang elevator pero parang humahaba ang pasilyo.

Lumalakas lalo ang kabog ng aking dibdib. Hindi na 'ko makahinga nang maayos at tila ba'y nanlalamig ang buong katawan ko.

Bumalik ka.

Narinig ko ang mahinang tugon ng isang babae pero hindi ko siya mahagilap.

Napatigil ako pero humahaba at dumidilim ang pasilyo na para bang wala itong katapusan.

Lumingon ako sa Nurse Station pero napakalayo na nito.

Nanghihina na ang aking mga tuhod at bumibilis lalo ang aking paghinga.

Pumikit ka muna. Kumalma ka lang, Anastasia.

Sinunod ko ang sinabi ng boses at narinig kong nahulog ang bag ko.

Nang lumingon ako, mas nakapagtatakang bumalik sa dati ang pasilyo.

Pero wala pa rin ang hinahanap kong wallet.

Muli kong hinalughog ang bag ko at napamura.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Narinig ko ang mapang-asar niyang boses at nararamdaman kong napaka-lapit niya sa tenga ko.

Tumakbo ka na.

Narinig ko na naman ang munting boses sa utak ko pero hindi ko masunod dahil hawak na ko ng taong ito sa braso.

Tinuon ko ang mga mata ko sa kamay niyang mala-bangkay sa lamig, nakakasuka ang amoy at mas lalo akong nanlambot nang nakita ko ang red na tag sa kanyang pala-pulsohan.

Humagikgik muli ang babae at ramdam na ramdam kong nanlamig ang buong katawan ko. Nabasa ng pawis ang leeg ko.

"Boo." Binulong niya ito sa aking tenga at naramdaman ko na lang na bumibigat ang bawat paghinga ko.

Hanggang sa bigla na lang akong bumagsak.

Here and NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon