03

10 0 0
                                    

"Hoy!" Bigla akong nagising nang yinugyog ni Chancey balikat ko.

Napalingon ako at kumunot ang noo ko sa inaasta niya.

"Sa'n ka nagpunta kanina?" Sabi ko habang umiinat.

Napatingin ako sa pala-pulsohan ko at nakitang may bakat ng kamay at mukhang napaso ito.

"Anong sa'n nagpunta? Hoy, Anastasia! Ikaw 'tong tinulugan ako kanina." Grabe yung OA ng irap niya at naghalukipkip.

"Natulog ka lang d'yan, oh. Mag-10 PM na 'te!" Umikot muli ang mga mata niya at inungisan ako.

"Oh, siya. Magcheck na tayo ng mga pasyente sa 13th." Iniwan niya kong naka-tanga rito sa Station at lumalim lalo ang buntong hininga.

Kumunot lalo ang noo ko nang napatingin ako sa relo ko.

"10? Akala ko 6 pa lang?" Napabuntong hininga na lamang ako at itinali muli ang buhok.

"Wow?" Napailing na naman ako nang  bumukas ang mga pintuan ng elevator at bumungad sa akin ang lalaking nag-abot ng ID ko.

Napairap ako nang tumikhim siya.

Kaming dalawa lang ulit sa elevator.

"I guess you don't have your earphones on." Taas noo akong napabaling sa kanya matapod pindutin ang 13th floor.

"And you care because?" Masungit niyang sambit habang nakatitig sa'kin.

Tumalon na naman ang puso ko.

"What happened there?" Sabi niya habang nag-aalinlangang tinuro yung pulso ko.

"Ah, Ito? Wala. Nagkamali ako ng natuunan kaya napaso ako." Pag-eexplain ko sa kanya.

"Sinong tanga?" He smirked

"Ang kapal nga naman ng apog nito, oo. Hoy! Alam mo ika—" napabaling ako sa pintuan ng elevator at nakitang nasa 13th floor na ito.

"Bahala ka na nga diyan!" Tumalikod na ko sa kanya at nagpatuloy na sa Nurse Station.

"Pati ba naman pagbaba, ang bagal mo pa?" Pagsusungit ni Chancey. Padabog niyang ibinaba ang tray at sumimangot lalo.

"Ay, naku! Malay mo naman diba may kinausap pa." Pinanlakihan ako ng mata ni Simone at kumunot ang noo ko. Lumipat ang mga mata niya sa nasa likod ko at nagulat akong nandun pala ang ambisyosong pogi.

"Problema mo?" Bumaling ako sa kanya.

"You forgot your ID again." Binato niya 'to sa akin at nasalo ko naman agad.

Linagpasan niya ko at dumiretso siya sa hallway patungo sa mga kwarto.

"Hoy ikaw! Bakit 'yon pa napili mo ha?" Dinuro-duro ako ni Simone ng ballpen at lalong kumunot ang noo ko sa inis.

"Huh? Sino ba siya? 'kala mo naman eh kay gwapo-gwapo!" Umismid ako at nagcheck ng mga gamot ng pasyente.

"Gaga ka! Anak ng may-ari 'yon!" Lumaki ang mga mata namin sa sinabi ni Doc. Flor na bagong dating lang sa Station.

"Wews?"

"Utot mo!"

"Ay pak ganorn!"

Tumango-tango si Flor at marahan akong hinampas sa balikat.

"Pasalamat ka 'di ka pa napapatanggal." Panimula nito.

"Last week, yung kasama ko sa 4th, sa may Pharma? Teh, hiningi lang number niya, pinatanggal na nila Doc!" Nagk'kwento ito habang nag-aayos ng gamot na idadala sa pasyente niya.

"Eh, Doc. Flor, sa'n niyo naman po napulot 'yan?" Sabi ni Cha at humagikgik pa nga.

"Aba, ang ingay-ingay at ang liit lang naman ng populasyon natin dito at ayon kay Ann na nga bumagsak!" Panunukso niya sa akin.

"Atticus Olivares lang pala, ha?" Panggagatong ni Cha kayla Doktora.

"Tigilan niyo ko." Umirap ako at bumaling ulit sa kanila. "May pasyente ba tayo ritong na-red tag na?" Usisa ko sa mga kasama ngayon.

"Ay, oo. Yung kapatid ni Percy, namayapa na nung nakaraang linggo yata? Naalala mo nung dinala mo siya? Kabababa lang nung katawan niya sa Level P." Sabi ni Simone at bumuntong hininga.

Nakaramdam ako ng tinding lungkot na napalitan ng takot nang maalala ang babaeng humawak sa akin.

Napahawak ako sa sugat na iniwan nito.

"Pasyente ko 'yun. Ang bait ng magkapatid na 'yun. Hinding-hindi mo mapaghihiwalay." Malungkot na ngumiti sa akin di Doktora Flor at bumaling muli sa akin habang nagch'check ng mga sinulat sa papel.

"Bakit ka nga pala napatanong?" Tumaas ang kilay ni Cha at tipid akong ngumiti.

"Wala. Nakwento lang ni Percy tas ngayon ko lang naitanong." Pagbabalewala ko at lumakad palayo.

"Ay, may isa pa!" Ani ni Cha at napalingon ako ng de-oras sa kinaroroonan nila.

"Kaso sa 18th naman 'yon. Yung babaeng isinugod sa ER. Na-rape tapos tinangkang isunog yung katawan. Nagka-third degree burns siya tapos grabe, bago pa pumanaw 'yun, alalang-alala ko pa na sinumpa niya yung mga gumawa sa kanya nu'n." Kinilabutan kaming lahat sa sinabi ni Cha at si Doc. Flor naman ay mapanudyong tumawa.

"Oh sige na, trabaho na tayo!" Lahat kami'y nagkanya-kanya na.

"Atticus?" Natawa ako sa pangalan niya at napasuklay na lang sa buhok.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang nahawakan ko ulit yung braso ko.

"Bakit kaya?" Nangangatog ako at huminga nang malalim para kumalma.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang kabog ng puso ko at pumikit ako nang mariin bago kumatok sa 1301.

"Anak ng—"

Here and NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon