The Gangster's Promise. (KathNiel One-Shot Story)

3.2K 55 16
                                    

Karlo’s POV

I’m Karlo. Certified gangster. Heartthrob sa school at walang pakialam sa nangyayari sa paligid ko. Until this girl came. Si Crizia. Ang bestfriend ng lahat ng girls sa klase naming. Simple at nerd-looking. At yun siguro ang naging dahilan kung bakit ako na-inlove sa kanya.

Isang araw, tinanong ko siya kung pwede akong manligaw sa kanya. Sagot niya naman sakin, “Basta iwasan mo ang pakikipag-away ha? Pwede naman eh.”

Sagot ko naman sa kanya,Opo opo! Promise po yan.”

Crizia’s POV

[Few months after]

Crizia! Crizia!” sigaw naman sakin ng bestfriend kong si Rose.

Oh bakit anong nangyari? Tsaka san ka ba galing at hingal na hingal ka?” tanong ko sa kanya.

Si Karlo….” Sabi naman niya.

Oh ? Anong nangyari kay Karlo?” nag-aalala kong tanong sa kanya.

May rumble sa likod ng school. Andun siya.”

Pagkasabi niya nun, dali-dali akong nagpunta sa likod ng school para Makita yung sinasabing rumble ni Rose.

Habang papalapit ako, bigla na lang akong nakaramdam ng galit sa nangyari. Hindi ba’t nangako siya sakin na hindi na siya makikipag-away?

Pero nagbabago ang pakiramdam ko nung nakita ko na siya. Nakakapanlumo. Duguan at hingal na hingal na. Dun ko na lang naramdaman na tumutulo na ang mga traydor kong luha sa mukha niya. At habang umiiyak ako, ay bigla ko na lang naramdaman na gumalaw siya ng konti at binulong sakin na…

Di ako lumaban kasi magagalit ka. Ginawa ko yung promise ko kasi….

MAHAL KITA.”

At pagkatapos niyang sabihin yun sakin, nawalan na siya ng hininga.

[Karlo’s First Death Anniversary]

Sayang. Sayang kasi hindi ako nakapagpasalamat sa kanya. Kasi tinanggap niya ako bilang tunay na ako. Sayang kasi di pa kami nagkakilala noon. Sayang dahil naging gangster pa siya para lang magkakilala kami. Sayang kasi di ko agad nasabi sa kanya kung gaano ko siya KAMAHAL. Karlo, kung nakikinig ka man ngayon, gusto ko lang sabihin sa’yo na….

Salamat sa lahat ng pagmamahal na ipinakita at binigay mo sakin. Sana lagi mong tandaan na MAHAL na MAHAL KITA. At hindi na  yun magbabago kailanman.” Sabi kong umiiyak sa harap ng puntod niya.

Until we meet again, Karlo. I love you so much.




[FIN]

The Gangster's Promise. ➵ knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon