Ika'y may karamay sa lungkot
Sa isang ubod ng dilim na silid
Nakaupo ang isang payaso sa gilid
Siya'y sumisigaw, siya'y umiiyak
Tapos siya'y biglang humalakhakKitang-kita ang lungkot sa kanyang mga mata
Ang kanyang mga matang puno ng luha
Di nagtagal ay may inilabas na siyang itak
At kanyang hinigpitan ang hawakWala na siyang ibig pang gawin
Kundi lahat ng sakit ay tapusin
Kung kaya'y itinaas ang itak
At dahan-dahang binaba upang sa sarili'y isaksakNgunit ang payaso'y huminto
At ang itak na hawak ay binato
Dahil siya'y nakarinig ng isang boses ng isang tao
Na nagsasabi sa kanyang "Huwag kang sumuko."
YOU ARE READING
Serene
PoetryJust another poem compilation. Features tagalog and english, long and short poems. Disclaimer: I do not own the photo used to make the cover of this book. Credits to the rightful owner of the photo.