PROLOGUE

31 6 0
                                    

Third person's POV

"You work for me! Kaya ayusin mo 'yang pinapagawa ko sayo kung gusto mong makakakain kayo ng kapatid mo!" Sigaw ng kanyang mudrasta. Pinaglinis siya ng sahig dahil sa natapon na juice at basag na baso.

"Ghad! What happened here?" Dumating ang anak nito na si, Elyana Diaz- Galsworthy.

Sa likod ng napakaganda nitong pangalan ay may mabaho namang ugali na namana niya sa kanyang ina na ubod din ng sama.

" Tapos na po." Sabi ng dalaga, natapos siya sa pagligpit ng mga bubog at paglinis ng natapong inumin.

"Ayan kasi, tatanga-tanga ka! You always destroy things here!" Sigaw pa ni elyana sa dalaga. Kahit naman may karapatan 'ding magbasag ng baso, plato at kung ano ano pang babasagin ang dalaga ay okay lang dahil ama niya ang may-ari ng mansion at nakitira lang ang mudrasta at step-sister nito.

"Marami pa naman tayong mga baso dyan--" hinila ng mudrasta niya ang buhok ng dalaga at hinawakan ito sa panga. "At sasagot sagot kapa!? Kala mo kung sino ka? For you to inform, wala kang kakampi dito!  sa ayaw at sa gusto mo ako ang masusunod dahil ako na ang asawa!" Ng binitawan ng mudrasta ang dalaga ay mangiyak-iyak ito  sa sakit.

Halong emosyon ang nararamdaman ng dalaga. Galit at poot ngunit ito ay natatakpan ng  kahinaan niya. Dahil tama ang mudrasta niya.

Wala siyang ibang kakampi kundi ang kapatid niya. Sila lang dalawa ang laging magkasangga.

Wala sa pilipinas si Mr. Galsworthy dahil nasa ibang basta ito dahil 'don nakatayo ang bussiness nila at kailangan siya  ng kompanya.

Once in a blue moon lang umuwi si Mr. Galsworthy at minsan pa ay supresa  pa ito kung umuwi. Ngunit hindi naman magawang makapagsumbong ng dalaga sa ama nito dahil sa takot sa mudrasta.

A meanwhile, umalis na ang mudrasta nito at si elyana. Bago paman tumalikod si elyana ay tinarayan niya muna ang dalaga.

Pumakawala ng malalim na hinga ang dalaga. Pagod ito dahil kakauwi niya lang galing sa skwelahan. 'asan kaya si Mico?' sabi niya sa sarili dahil 'di niya mahanap ang kapatid neto. Minabuti n'yang puntahan ito sa kwarto nila at nakita niya itong kumakain.

"Ate, kain kana.." sabi ng kapatid neto na halos mabulunan na sa pagsasalita dahil sa sobrang gutom. "Di kaba kumain kanina?.."

Tumango si mico, at nagngitian nalang sila dahil alam na nila kung bakit minsan ay 'di kompleto sila kung kumain ng tatlong beses sa isang araw.

Minsan naiisip ng dalaga kung bakit naging ganito ang buhay nila ng kapatid niya. Hindi naman sila katulong ngunit 'kung itrato sila ng mudrasta nila ay parang katulong lang sila. Minsan hindi nalang pumapalag ang magkapatid, dahil ni minsan ay hindi nila gawain ang sumagot.

Pero minsan 'din ay nasasagi sa isipan ng dalaga na sumosobra na ang mudrasta nito at gusto na niyang patulan ngunit hindi niya magawa gawa ang bagay na 'yon.

Ayaw na 'nyang tapaktapakan siya lalo na ang kapatid neto. Ngunit wala siyang paghuhugutan ng lakas para lumaban at ipagtanggol ang sarili.

Huminga ng malalim ang dalaga at pumikit. " Ako si  Blyché Shan Galsworthy, kakayanin ang lahat ng bagay at hindi susuko!" Sabi nito sa sarili..

Biglang tumunog ang tyan ng dalaga at napalaki ang mata neto. Nagtinginan sila magkapatid at nagtawanan... "Kakain na nga ako.."

-G R E A T _ D E V I N C I-

DON'T FORGET TO FOLLOW ME AND VOTE MY STORY. HOPE YOU LIKE IT!✧◝(⁰▿⁰)◜✧

Cinderella Is The New Bitch(ON GOING)Where stories live. Discover now