Nakakapagtaka naman na ang dilim sa lugar na ito, atsaka ang bad pa ng weather ngayon. Umuulan tapos may lightning pa, ang hangin din.
Bakit naman kasi ako papapuntahin ng lalaking yun dito sa parang abandonadong bahay na 'to. Haysss.
Bahala na nga, sabi niya naman may surprise siya para sa'kin.Sana lang dumating na siya dahil ang lakas nadin ng ulan dito sa bahay.
Nilabas ko ang phone ko sa pagbabakasakaling may text o tawag ba siya sa'kin. Sadly, wala.
"Wahhhhhhhhh!"
Ay pakbettt! Biglang may kumalabog sa may likod na parte ng kusina. Mga kaldero at pinggan ata yung nahulog.
"Sinooo yannnn?! May dala ako ditong kutsilyooo! Huwag kang lalapit sa'kin!" natatakot na talaga ako.
"Meow," tss pusa lang pala. Eh ang gara naman kasi ehhh. Para akong nasa horror movie na mapapahamak yung bida dahil nasa abandonadong bahay siya tapos may kung ano anong nangyayari sa lugar na pinuntahan niya.
Naisipan ko munang magpahinga sa may sofa dahil nakakapagod din kaya mag-intay ano. Mabuti nalang at buo pa 'tong sofa at may kumot pa. Iidlip nalang muna ako. Nagtalukbong ako ng kumot sa buo kong katawan. masyado kasing malamig ngayon dito sa lugar na 'to, e.
Bago ko pa man tuluyang maipikit ang aking mga mata ay may naaninag akong dalawang pares ng paa sa aking harapan habang nakataklob.
"Maeve," tawag nito sa'kin.
Dahan dahan kong ibinaba ang kumot na naka harang sa pagitan naming dalawa. Tinakpan niya ang aking ilong ng isang panyo. Nakaramdam ako ng antok, no, no, no! Bakit 'to nangyayari sa'kin!
Bago pa man ako mabawian ng kamalayan, naaninag ko ang mukha niya at tuluyan na akong nawalan ng malay.
Dalawa lang ang iniisip ko ngayon, una, bakit siya? Bakit siya pa? At pangalawa, nasaan ka na ba... James?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Once Again My Love
RomanceIs it really true that the mind might forget but the heart would not? Totoo ba na mananatili ang lahat sa iyong puso? Kakayanin nga ba ang lahat ng pagsubok na dumarating, kahit mahirap, kahit masakit at pipiliin mo parin ba ng paulit ulit ang iisan...