"Hoiiii, ibalik mo sa'kin 'yannnn!," nakakainis naman talaga kahit kailan 'tong lalaking 'to!
Pilit kong inaabot yung papel na hawak niya pero 'di ko maabot. Tsk. Kahit bata palang kami ngayon, ang tangkad tangkad niya na.
"Hoi, James Marco Rivera!," tawag ko sa kanya ng pasigaw. Wala akong pakialam kung naririnig na ang boses ko ng mga kapitbahay namin basta makuha ko lang yung papel na hawak niya! Eh kasii.... ah basta may naka sulat doon na hindi niya pwedeng malaman.
"Nyenyenye, babasahin ko muna yung nasa papel. Huwag ka ngang malikot diyan," sabi niya sa'kin.
Aba naman talaga, kung hindi ko siya madadaan sa pagtawag ng buo niyang pangalan. Hah, eto nalang.
Dahan dahan akong humiwalay sa kanya at yumuko rin ako. Tumalikod ako at nagsimulang humakbang palayo sa kanya ng paunti-unti. Natigilan naman siya at parang inuusisa ang kinikilos ko. Umupo ako ng nakatago ang aking mukha sa aking mga braso at nakatakip din sa akin ang mga tuhod ko.
"Uy Maeve, sorry na. Ibibigay ko na yung papel sa'yo. Huwag ka na umiyak diyan. Hindi ko pa nababasa 'yan, promish," HAHAHAHAHA akala mo James Marco Rivera, ah.
Hindi pa ako kuntento kaya umarte pa akong humihikbi ng paulit-ulit. Naramdaman kong sinisilip niya ako mamula sa ilalim ng mga braso ko kaya nag-iba ako ng pwesto.
"Maeve, sorry na. Hindi ko na uulitin. Ito na yung papel. Ah, alam ko na, ililibre nalang kita ng favorite strawberry ice cream mo kina Mang Juk," umaliwalas ang mukha ko dahil sa narinig ko pero hindi niya nakita yon dahil nakatago nga ang mukha ko.
Umarte parin akong umiiyak pero nagsalita na ako."I-in.. a.. away mo ako diba. S-sa'yo na yang papel na 'yan. Gusto mo naman akong pinapaiyak d-diba," sabi ko ng may pagka paos ng unti para kapani-paniwala.
"Ililibre na kita ng dalawang stawberry ice cream. Pero stop ka ng pag-iyak," dama ko ang pag-aalala sa boses niya.
"P-promise ba 'yan? Ililibre mo ba talaga ako? Pinky promise nga," sabi ko habang nakayuko parin pero nilahad ko ang kamay ko sa kanya at nag-iintay ng sagot niya.
"Oo Maeve, pinky promise ko 'yan," nang maramdaman ko ang pag didikit at pag yayakapan ng aming mga hinliliit ay tumingin ako sa mga mata niya. Bigla akong tumayo at nag- bleh face with matching dila at kamay pa.
Kinuha ko ang papel sa kanya at tumakbo ng mabilis, "Argh, naisahan mo ako ah."
"Pinky promise moooo!," sigaw ko habang tumatakbo dahil kapag naiwan ako doon at naabutan niya ako ay siguradong mamatay ako sa pangingiliti niya dahil nalaman niya na hindi naman ako umiiyak at naisahan ko pa siya.
BINABASA MO ANG
Once Again My Love
RomanceIs it really true that the mind might forget but the heart would not? Totoo ba na mananatili ang lahat sa iyong puso? Kakayanin nga ba ang lahat ng pagsubok na dumarating, kahit mahirap, kahit masakit at pipiliin mo parin ba ng paulit ulit ang iisan...