Chapter 13

4.4K 46 3
                                    

Tatlong araw na simula ng makalabas ako sa hospital.Kahapon nag lakas loob akong magtanong kay Hellion.

Marami parin akong tanong sa kalagayan ko, pamilya ko at ang tunay kung pangalan.

Kung paano ako napunta kay Leon at bakit nagpanggap na asawa ko siya.

Ang sabi niya ako si Althea Monteclaro,
Pinipilit kong alalahanin ngunit sumasakit lamang ang aking ulo kaya nag pasya naman ako na itanong na lamang kay Hellion ang lahat ng nagyari.

Ikinwento niya sa akin ang lahat,wala na daw akong pamilya isa ako sa waitress malapit sa village nila,kaya raw wala akong maalala noon ay may inuutusan ang asawa niya sa loob ng masyon na lagyan ng pangpawala ng ala-ala ang tubig na iniinom ko,mula ng mag nag bigay ng tip na ako ang pumatay sa asawa nya na umalis pala talaga ng bansa at sumama sa ibang lalaki.Ibig sabihin pinahirapan,pinarusahan pinagkaitan ako ng kalayaan dahil lamang sa kasinungalingan ng asawa nya.Namuoo ang galit sa aking kalooban.

Papalayain na daw sana niya ako matapos niyang malaman ang lahat,agad din siyang umuwi at hindi na tinapos ang business trip niya sa ibang bansa sa napag alamang katotohanan at katunayan.

Ngunit huli na,ayon sa kanya naaksidente ako nabangga ng isang truck na may lasing na driver halos mag agaw buhay daw ako noon.

At doon niya na realize na hindi nya ako kayang mawala na mahalaga na pala ako sa kanya.How pathetic.

Nag desisyon siya na magsimula making muli, siya at ako. Hindi na daw pumasok sa utak niya ang mga katibayan ng kasal sapagkat tinutukan niya ang kalagayan ko.

Umiiyak siya habang nag ku-kwento,hinang hina sa mga nangyari sa amin.Maski ako hindi ko gaano mai-process ang pangyayaring iyon sa akin.

At mula noong sinaktan ko siya sa cr medyo lumalayo siya sa akin.

Kanina may dumating na babaeng doctor tinatanong niya ako sa aking nararamdaman nito ring nakaraang mga araw pabago-bago ang mood ko,Umiiyak,tumatawa at nananakit kay Hellion ko lahat binubuhos ang emosyon ko..

Ang sabi ni ng doctor I was suffering for a mild mental disorder kaya may gamot siyang binigay at pinapainom sa akin.

Hindi nakalampas sa akin ang pag pisil niya sa braso ni Hellion.

Tiningnan ko naman ng masamaa si Hellion,lumayo siya sa Doktor na babae.

Nanghahawakan muli sya nito tinabig niya ang kamay ng doktor,kaya ngumite ito ng hilaw at nagpaalam na umalis na rin.

"Nag enjoy ka sa paglalandi?"yamot na tanong ko.Kaagad naman siyang umiling sa akin.

Simula ng sinaktan ko siya,para siyang aso na naglalambing kung anong gusto ko suaundin nya.

Minsan nakakalimutan ko na may galit nga pala ako sa lalaking ito.

"Bakit nangingiti ka ha?"yamot na tanong ko.

"Your jealous?"kagat labing sabi niya sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Gusto kong kumain"walang emosyong sabi ko.Kaagad naman siyang tumingin sa akin at tinabunan ang tapat ng ari niya gamit ang kanyang dalawang kamay.Pinanlisikan ko naman siya.

"Gusto ko ng mangga,yung matamis"kaagad naman siyang tumango.

"Sige bibili lang ako sa--"pinutol ko kaagad.

"Ayaw ko,gusto ko akyatin mo yun!"sabay turo ko sa mataas na mangga sa likod ng bahay namin.

Hirap na hirap siyang umakyat muntik pa siyang mahulog.

Nang makababa na siya ,ngumite siya at inabot sa akin ang mangga.

"Ayaw ko na nyan,ang tagal 'mong kumuha"yamot na pahayag ko at pumasok na sa bahay.

 Suffer|Torturous Romace #1|(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon