Chapter 11

4.8K 65 13
                                    


Dedicated to itsmeputaka143.

Please be aware of typos.

_______

"Kung tayo ay matanda na sanay di tayo mag bago kailan man nasaan man ito ang pangarap ko."

Malamig na sambit ni Leon.Andito kami ngayon sa may terrace ng bahay namin nakasandal ako sa isang pare ng ding-ding habang nasa labas siya naka tayo.

"Ang nakalipas ay ibabalik natin"seryoso niyang sabi sa akin.Nangmakitang bubukang muli ang kanyang mga bibig ay tinanong ko siya.

"Ano bang sinasabi mo?"takang tanong ko.

Napakamot naman siya ng noo.

"I'm singing "tumaas naman ang kilay ko.

"Singing?Kala ko tumutula ka?"
sinamaan naman niya ako ng tingin.

"I don't sing,but I want to make you harana"inis na pahayag nya.

Bumuntong hininga siya.

"Damn,I suck in singing big time"reklamo niya sa kanyang sarili

Lumakad naman siya papasok sa terrace ,lumapit siya sa akin.Hinaplos niya ang aking muka at inipit sa aking tenga ang aking buhok na tumatabon sa aking pisnge.

"I want to make you harana,kahit na hindi ako maalam kumanta asawa ko"malambing na sabi niya sa akin.Hinalikan ko naman siya sa tungki ng kanyang noo.

"Pero ano munang pinapanood nyo kina Dadang?"mapang laro niyang tanong.Pinalo ko siya sa kanyang balikat,niyapos naman niya ako at hinalikan ako sa aking noo,A simple moment with him is a worth to treasure.


Tatlong araw na ang nakalipas magmula ng nanuod kami kina Dadang ng Bold.At hindi na kami umulit pa.May natutunan naman ako,pero nakakahiya din pala.

"Asawa ko"tawag sa aking ng nakangising si Leon,itinataas baba pa ang kanyang makakapal na kilay.

Nakakainis,tatlong araw na nya akong binibiro tungkol sa nalaman nya,tinatanong pa nya kung ano daw ang pinanood namin pero mukang alam naman niya at tumatawa sya.

Hindi ko naman magawang magalit ng tuluyan pag nakikita ko ang mga ngite niya,napapangite narin lang ako ng palihim.

Sa madaling araw nangingisda siya,pag sapit ng alas otso ng umaga nag co-construction naman siya. Pero sa tingin ko kasya naman ang kita kung mangingisda lamang sapat na sa amin ang tatlong daan kada araw,may kita rin naman ako sa pag gawa ng porcelas.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya,maduming damit,pawisan at may dumi din sa muka,pero kahit ganoon,gwapo parin at mabango.

"Leon,naisip ko..itigil mo na ang pag co-construction mo" seryoso naman siyang tumingin sa akin.

"Hindi pwede,alam mo naman na maliit lang ang kita ko sa pangingisda"tutol niya.

"Pero ayaw ko na mahihirapan ka,saka sapat na iyon sa atin." Tumingin lamang siya sa malayo nakita ko rin ang pag kuyom ng kanyang kamao.

"Leon itigil mo na ang construction, sapat na ang kita mo sa pangingisda-"nagulat ako ng biglang lumakas ang kanyang boses.

"Hindi pwede,intindihin mo"inis na pahayag niya at lumabas ng bahay.

Inaalala ko lamang din naman ang kapakanan niya,bakit ba nagpapakahirap siya?

Inabala ko ang sarili ko sa pag luluto,nag luto ako ng adobo at nag slaang na rin ng sinaing.Ngunit natapos ko ng lahat wala parin siya.

 Suffer|Torturous Romace #1|(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon