Ikatlong Kabanata

4 0 0
                                    

OWNER

Twaylem's POV

Nakakainis akala mo kung sino. Dahil sa nangyari  nawala ako sa mood buong  hapon. Hindi ko na nagawang makinig sa mga sumunod pang subjects namin.

"Huyy girl ayos kalang?" Nagtatakang tanong ni Naomi.

Nginitian ko lang siya at dumiretso na sa may parking lot.
Pasakay na ako ng kotse ko nung nakita ko dun ang lalaking walang hiya kasama na naman ang girlfriend niya siguro. Tinignan ko pa sila ng matagal at bigla ba namang naghalikan. Ewwww.

"Mga baboy" bulong ko nalang saking sarili.

"Oh kamusta First day bunso?" Bungad na tanong ni kuya pagka-uwi ko.

"Ok lang naman. Wala nga lang kaming gaanong ginawa. Sige kuya akyat na ako" Paalam ko at pumunta ng kwarto.

Hiniga ko nalang ang katawan ko sa malambot kong kama.

"Haysssss" malalim kong buntong hininga.

"Uyy girl ano ok ka na?" Bungad na tanong ni Naomi pagkarating ko sa school.

"Oo naman kailan ba ako hindi naging ok?" Pilit na ngiti ang binigay ko sakanya.

Wala kaming prof sa unang subject namin kaso dapat manatili lang kami sa room.

Hanggang sa nagkwento na si Naomi.

"Hoyy, sikat pala yung nakaaway mo kahapon" biglang sabi niya.

"Alin sa dalawa?" Sarkastikong tanong ko sakanya.

"Dalawa sila. Yung babae hindi nag-aaral dito sa kabilang school siya. Yung school na exclusive for girls lang."

"Eh ano naman ngayon?" Sarkastikong tanong ko sakanya.

Nagkwento pa siya tungkol don sa babae.

"Sylvia Coreen Ferrer ang pangalan niya. At alam mo bang kilala silang sikat na couple dito sa school natin at don na din sa school ng babae." Namamanghang sabi niya. Inirapan ko lang siya.

Nagkwento siya hanggang sa dumating ang next prof namin.

"Kwento ko sayo mamaya yung tungkol naman sa lalaki at ang tungkol sa kanilang dalawa"

Tinignan ko lang siya at umirap sa hangin. Gusto ko sanang sabihin sakanya na hindi ako interesado pero sige na dahil curious ako e kung anong meron sa dalawang bugok na yun.

Hanggang sa nag-ring ang bell hudyat ng lunch time.

"Wala daw yung prof mamaya" sigaw ng isa naming kaklase.

Nagsigawan ang mga kaklase namin at nakisabay na rin si Naomi.

"Tara na kumain at ng maikwento ko na sayo" aya niya sakin.

"Ako naman mag-oorder ngayon. Ano gusto mo?" Tanong ko kay Naomi.

"Kung anong sayo yun na din ang akin"

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakuha ko na ang order namin at pagkadating ko sa table namin nagsimula na din siyang magkwento.

"Ang ganda at gwapo nila noh? Kaya bagay na bagay sila. Actually, pareho na silang graduating student same sila ng course Engineering kaso Civil ang kay Conner at Architecture naman ang kay Coreen. Oh diba perfect match." Kinikilig niya pang sabi.

"Ang alam ko engage na sila e. Pinagkasundo na sila ng parents nila"

Umirap lang ako. Ewan ko ba kung bakit naiirita ako.

"At ito pa a. Si Conner Aiden Gallagher ay ang owner ng school na ito" bigla akong napatingin sakanya. Nagulat din

Ohhh okay CA Gallagher University means Conner Aiden is CA kaya pala CA Gallagher University. Napakayaman naman pala ng lalaking yon.

"Pinamana ata ng parents niya ang school na ito at ipinangalan na din sakanya" dagdag pang sabi niya

" OHH OWNER" Sigaw ko sabay hawak sa baba ko.

So mahirap palang banggain ang Conner na yun. Pwede niya akong i-expell sa school na ito dahil siya naman ang may-ari.

Perfect YouWhere stories live. Discover now