I'M SORRY
Twaylem's POV
Nakahiga lang ako sa kama ko buong hapon dahil hindi na ako pumasok ng hapon dahil sa nangyari kanina sa canteen. Kahit papano napawi naman yung inis ko.
Biglang nag-ring phone ko.
Naomi's Calling....
"Hello"
(Oyyy, Tway kamusta? Ok ka na ba?)
"Yeah" tinatamad ng sagot ko.
(Bukas nalang tayo mag-usap)Binaba na niya ang tawag. Alam kasi ni Naomi na kapag hindi ako ok hindi ako makakausap ng matino.
Yeyyyyy! It's Friday.
"Goodmorning Zoe" bungad na bati sakin ni Steven pagkapasok ko sa school.
"Morning" At nginitian silang dalawa ni Naomi. Mukhang okay naman na ang dalawa parang walang nangyari.
"Saan tayo kakain ng lunch mamaya? Wag na sa Canteen baka makita mo na naman ang Conner na yan" naiinis na sabi ni Naomi.
"Ayos lang, hayaan mo siyang gawin lahat ng gusto niya hanggang sa magsawa siya. Ayokong pumatol sa taong may tama ang utak."
Biglang tumawa ng malakas si Steven at Naomi. Hinayaan ko lang sila ng ganun masayang nag-uusap at ako naman ay tahimik lang.
Hanggang sa nag-umpisa na ang klase namin. As usual, napaka boring ang hinahon pang magsalita. Pabebe ang ate mo Prof.
Lunch na pero ayaw pa rin pumuntang canteen ni Naomi. Natatakot siyang baka may gawin na naman sakin si Conner. Ako nga di ako natatakot e.
"Halika na, Akong bahala Naomi. Nagugutom na ako ohhhh!" Pamimilit ko sakanya.
"Sige na, okay na. Basta wag mo nalamg pansinin kapag" nag-aalalang sabi niya.
"Yessss Bosssss! Noted"
Umorder na si Steven ng lunch namin. Kahit di ko tignan alam kong nakatingin sakin ang mga iilang studyante dito sa canteen.
"Ah by the way, Zoe may nagpapabigay sayo ng lunch Mukhang special" sabay abot niya sakin ng isang box.
Sino naman magbibigay sakin nga ganto? Di din naman ako nagpa-reserve.
"Wowwww! May secret admirer" tukso sakin ni Naomi inirapan ko lang siya at tinignan ang box. Nangangamoy na ang mga ulam.
Pagka-open ko. Wooooohhh! Ang sasarap l. Excited na tuloy ako kumain. Pero bago iyan tatanungin ko muna si Steven.
"Steve? Sino nagbigay sayo neto? Mukhang di galing sa canteen e." Takang tanong ko.
"Ewan ko pinabigay lang nung ale don oh sa may counter" sabay turo niya sa isang matandang babae sa may counter.
"Kainin mo nalang mukha namang masarap e. Bigyan mo nalang din kami" Naomi.
First class na namin ng hapon sa may building ng Engineering kami magro-room. Katapat lang naman ng building namin yun e kaya malapit.
Nauna ng maglakad si Naomi at nagpahuli ako. Nakita ko yung Cr na pinuntahan ko nung first day. Bigla kong naalala ang milagrong nangyari dyan. Ewwww! Bat ko ba naiisip yun?
Habang naglalakad ako sa may tapat ng Cr. Biglang may humila sakin.
"Tulon—-" Bigla niyang tinakpan yung bunganga ko at dinala na sa loob.
"Shhhhssss! Plssss shut your fucking mouth. Baka sabihing ginagahasa kita" bulong sakin ng isang pamilyar na lalaki.
"Ano ba? Ano bang kailangan mo? At sino ka ba?" Sabi ko ng tanggalin niya yung kamay niya sa may bunganga ko.
Humarap ako sakanya at nagulat ako. Nakangisi na siya sakin ngayon. Problema neto ibubully na naman niya ba ako.
"I'm Sorry" biglang sabi niya.
Natigilan naman ako saglit at nagulat. Wow huh? Himala nag-sorry siya.
"W-what?" Gulat pa ring tanong ko.
"Hindi ko na kailangang ulitin yun" Mayabang na sabi niya.
"Okaaayy bahala ka na dyan may klase pa ako. Late na ako" at umastang maglakad na ng bigla ulit siya nagsalita.
"I'M SORRY, TWAYLEM ok?" Ulit niya. Sasabihin din pala. Ay tekaaa! Bakit kilala ako neto?
YOU ARE READING
Perfect You
FanfictionPerfect? Well then he is Perfect kaso physical lang. His face, Body is almost perfect. Wala nga namang perpektong tao sa mundo. Kaya almost lang. Kaso? Ugali wala siya e. Kabaligtaran ng salitang Perfect but eventhough he is suplado, masungit, bully...