Ikalawang Kabanata

5 0 0
                                    

JUICE

Twaylem's POV

Habang naglalakad ako inaalala ko pa rin yung sinasabi ng gagong lalaking yun. Anong ibig niyang sabihin don?

Bumalik nalang ako sa pwesto namin kanina nina Naomi at Steven.

"Ohh natagalan ka ata?" Kuryosong tanong ni Naomi.

Wala na si Steven umalis na ata.

"Buwisit kasi yung manyak na lalaki na yun sa CR e" naiinis na sabi ko.

"Oh e bakit? Anong ginawa sayo? Hinalikan ka ba? Hinipu—-" natatarantang tanong niya. Hinawakan ko yung labi niya kaya napatigil siya.

"Hindi noh? Bat naman ako magpapahalik don?" Depensang sagot ko sakanya.

"Sino ba yang lalaking tinutukoy mong manyak?" Kuryosong tanong niya.

"Hindi ko kilala e"

"E ano ba kasing nangyari?" Nagtatakang tanong niya na.

Kwinento ko sakanya lahat ng nangyari sa CR kasama na don yung milagrong nangyari. Natawa nalang siya sa kwinento ko.

"Ay gagoo kababoy naman nung mga yon" natatawang sabi niya.

Actually, first day namin ngayon as college student. 20 years old na ako pero first year pa rin late ako nag-aral e.
Accountancy ang kinuha namin ni Naomi tapos si Steven naman ay Medical Technology. Magkalapit lang naman kami ng building e kaya mapupuntaham niya kami lalong-lalo na ako.

Pribadong eskwelahan ang pinasukan namin actually kilala sa buong metro manila ang school na ito. E pano ba naman kasi hindi sa pagmamayabang mayayamang tao lang ang nakakapag-aral dito dahil sa sobrang mahal ng tuition fee.

This is CA Gallagher University

Sino kayang may-ari neto? Siguro sakanya ipinapangalan yung school?

Andito na kami sa Third class namin before lunch. Actually the two subject hindi pumasok yung Prof namin. So this is the first time na makakakilala kami ng professor namin.

"Goodmorning class! By the way I'm Miss Cassandra Catigbac, Cas for short, your Accounting teacher."

Ang ganda niya mahaba buhok,maputi, matangkad. Almost Perfect.

Natapos ang klase namin na puro pakilala lang ang nangyariii. Elementary haysss!

"Tarang canteen, kain na tayo" aya ko kay Naomi.

"Ako na pipila. Ano sayo?" sabi ni Naomi.

"Kung ano nalang sayo yun nalang din ang akinn."

"Okieeedokieeee" sabay naglakad na.

Nakakuha agad si Naomi ng kakainin namin. Mabilisan lang naman kasi machine naman huhulog ka lang ng pera tapos tap mo lang order mo. Chennng! Instant hahaha.

Habang kumakain kami biglang nagtilian ang mga babae. Ohh anong meron? May artista ba?

"Shizzzz! Andyan na si Conner. Kakaakit talaga siya. Pogiii" Bulong ng isang babaeng malapit sa table namin. Di ko nalang ito pinansin.

"Oooopsssssss!" Biglang may nagtapon ng Juice sa may bandang likuran ko.

" ohhhh FUCK" bigla akong napatayo at paglingon ko nakita ko yung lalaki sa may CR at yung kasama niyang babae.
Yung babae yung may hawak ng baso and I think siya nagbuhos non sakin.

"Marunong ka bang mag-ingat?" Iritadong tanong ko.

Nginisian lang ako ng lalaking yun at inirapan ako ng babae na naka-uniporme ng ibang school. So? Hindi siya dito nag-aaral.

"Let's go baby" aya ng haliparot na babae. Pinulupot ang kamay sa lalaki.

Umupo nalang ako ng sobrang init ang ulo ko. Grrrrrrrr! Buwisit kayong dalawa. Bagay nga talaga kayo. Haliparot at manyak.

Naalala ko yung sinabi ng lalaki.

"It's your fault kung bakit sumakit ang puson ko and i'll swear you'll gonna pay for it."

Perfect YouWhere stories live. Discover now