I'm Inlove with the Talkative Girl(ONE SHOT STORY)

598 69 35
                                    

I'm In love with the Talkative Girl
Written by: SimpleGirlOnBlue

HABANG naglalakad sa corridor ng kanilang eskwelahan si Rafael Yozan isang Grade 10 student, hindi niya naiiwasang 'di marinig ang mga naglalakasang boses ng mga babae sa hindi kalayuan sa kanya.

Iniisip nalang niya na ang grupo na naman ni Hytherine ang walang sawang nagdadaldalan sa corridor kung saan katapat ng kanilang classroom.

Kaklase niya si Hytherine Cordeñas ang most talkative girl sa kanilang classroom and slash 'QUEEN' of all daldaleras kung ituring ni Rafael si Hythe sa kanyang buhay.

Naging hobby na yata kasi ni Hytherine ang pakikipag-daldalan sa kanyang mga kaibigan bago mag start ang klase o 'di kaya'y mapa-umaga man yan, recess, lunch break, o uwian hindi mawawala sa kanya ang pakikipag-daldalan. At iyon ang pinaka kina-iinisan ni Rafael kay Hytherine at sa grupo nito.

Habang papalapit nang palapit si Rafael sa kanilang classroom, hindi na niya maiwasang mapamura sa inis.

'What the heck, damn it!'

Nakakunot na ang noo nito na parang kinuyom na papel sa inis niya sa grupo ni Hytherine. Ang lakas lakas ng boses nila, parang wala lang silang pake sa mga nakapaligid sa kanila. Kumbaga parang nakalunok sila ng microphone sa lakas nilang magsalita.

"Hay ang ganda talaga ng Catriona dance challenge, grabe!" kwento ni Hytherine kila Aubrey, Angeli, Janice, Reynalyn, Reanne, Lady Jane, Michelle, at ang nag-iisang lalake sa grupo na si Elijah.

"Nakabisado niyo na ba yun guys?" tanong naman ni Aubrey.

"Oo naman ako pa!" agad na sagot naman ng kanilang leader na walang iba kundi si Hytherine. "Ganito 'to 'yon diba? Oh, oh—" natigilan si Hytherine sa pagsasayaw nang hindi niya inaasahang may mabangga siyang tao at akma na siyang matutumba at napa-pikit na lang nang pagdilat niya ay isang gwapong mukha ang nakita niya at ito ang taong sumalo sa kanya upang di siya tuluyang bumagsak sa lupa.

'Wwwaaahhh' sigaw ni Hytherine sa kanyang isipan.

Natitigan ni Hytherine ang makinis, maputi, cute, at gwapong mukha ni Rafael. Napaka-inosente ang mga mala-kulay lila nitong mga mata na sa hindi niya inaasahan ay parang nagpabilis ng tibok ng puso niya.

Ilang segundo din silang nasa ganoong posisyon nang binuhay siya ni Rafael ang reyalidad.

"Sa susunod kasi, huwag kayo dito sa daan magdaldalan!" galit na sabi ni Rafael at malakas niya itong binitawan ng makatayo na sila ng matuwid.

"At tsaka, wala na ba kayong hiya at dito pa kayo sa corridor nagpapasikat?! Mahiya naman kayo uy!" dagdag pa ni Rafael.

Papasok na sa kanilang silid si Rafael nang binato ni Hytherine ng bag ang likuran ni Rafael.

Dinaing ni Rafael ang sakit pero matapang at naiinis parin siyang humarap muli kay Hytherine.

"Hoy Mr. Bakulaw! For your f*cking information nag sasayaw ako dito, tapos binangga mo ako tapos magsasalita ka na parang ikaw ang biktima dito, wow amazing!" galit na protesta ni Hytherine.

"At tsaka ano bang pake mo kung nag-uusap kami dito sa labas ha?! Wala kang paki-alam, mind your own business! Dapat pa nga mag-sorry ka pa, pero 'di mo ginawa!" dagdag pa niya na nagpupuyos sa galit.

"Tapos ka na?" malamig na tugon ni Rafael with poker face.

Magsasalita pa sana si Hytherine nang talikuran na siya ni Rafael at nagpatuloy na sa paglalakad papasok sa kanilang classroom.

I'm Inlove with the Talkative Girl (ONE SHOT STORY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon