10:32am
"Geneva P.O.V"Wow, aga ko nagising ha 'MAAAAAAAAAAAAA MAY TAO SA CR? MALILIGO AKO' sigaw ko kay mama habang nag luluto 'wala naman anak' tugon niya 'saan kaba tutungo? Eh hindi kapa nga kumakain?' Tanong niya saakin 'Ma, dalaga na ako kailangan palagi na akong malinis sa katawan at tsaka...' 'at tsaka ano? May manliligaw kana siguro?' Sabay kurot sa aking singit 'Aray ko ma, ano kaba wala akong manliligaw bf ko na siya' biro ko kay mama na kanya namang kinainisan 'Gene magtigil tigil ka gusto ko makapagtapos ka mo na at matulongan mo kami uulitin ko paba? Wala na papa niyo tulongan niyo ako hindi ko kaya ng wala kayo' niyakap ko si mama ng mahigpit na mahigpit at sabay sabing 'Ma, wag ka mag alala kapag nakapag tapos ako dadalhin kita sa ibang bansa ayos ba? Gagawin ko yun basta payagan mo na ako mag boyfriend...' itinulak ako ni mama ng bahagya at tinalikuran ako 'Ma, please?' 'Paano pag nabuntis ka? Tugon ni mama habang nakatalikod sa'kin 'Ma, hindi ko naman hahayaan sarili ko na apihin ng mga lalaki lalaban ako katulad ng ginawa mong ipaglaban si papa noon kaya ko din naman yun ma, magtiwala naman ho kayo' 'PAANO NGA PAG NABUNTIS KA?' Pasigaw na tanong sa'kin ni mama 'Bakit ho yan ang iniisip niyo? Ayaw niyo ba na maging masaya ako?, Ma naman e supportahan mo naman ako kahit ngayon lang...' paiyak kong sinabi kay mama hindi mapigilan ng aking mga mata ang pagluha kaya agad akong tumakbo ng cr at doon umiyak 'BAKIT GANITO, ANG GUSTO KO LANG NAMAN AY MARANASAN MGA BAGAY NA HINDI KO MAGAWA NOON DAHIL SINUNOD KO KAYO MA, SAAN BA AKO NAGKULANG?'
Habang ako'y naliligo iniisip ko kung ano ang ginagawa ni james ngayon? Kung kumain na ba siya? O Baka nag aantay na yun ng reply ko, kaya agad akong nag bihis 'luto na ang pag kain' sigaw ni mama sa'kin at sa aking mga kapatid, paglabas ko sa pintuan kapansin-pansin si mama na tila ba pagod na pagod at katatapos lang umiyak kaya agad ko siyang nilapitan 'Ma, I'm so sorry pero...' 'anak, basta mag ingat ka palagi ha wag mo hahayaang sirain nila ang dignidad mo lumaban ka sa oras na kailangan mo at huwag na huwag agad magtitiwala sa mga tao nakikilala mo lang online, ayokon' masira ang pangarap mo dahil lang sa mga lalaking napupusuan mo, piliin mo yung lalaking may pangarap kahit mahirap at hindi sa lalaking puro lang sarap ang hanap, mahal kita anak ingatan mo ang iyong sarili' dahan-dahang pumatak ang aking mga luha kasabay nito ay ang pag yakap ko kay mama ng mahigpit 'Ma, hinding hindi kita bibigoin, salamat Ma mahal na mahal kita' 'Oh tama na ang drama kumain kana at tatawagin ko na iba mo pang kapatid...'
Habang kumakain ay napagkwentuhan ni mama at kuya ang tungkol sa babaeng nabuntis ni kuya jer
'Kuya jer niyo tatay na wala bang palakpalakan jan?' Biro ni mama kay kuya 'Si mama talaga oh, Ma, may trabaho na ho pala ako waiter sa isang kainan malapit dito' nakangiting nalaman ni mama na meron ng trabaho si kuya 'Mabuti naman, iponin mo lahat ng sahod mo para pag labas ng bata may budget kayong mag asawa okay?' 'Ma, salamat mahal na mahal ka namin' napaluha sa saya si mama sa sinabi ni kuya 'Mahal ko rin kayo, ingatan ninyo ang inyong sarili baka bukas wala na ako' 'MA, WAG KA MAGSABI NG GANYAAAAN KASAMA KA NAMIN HANGGANG SA HULING HININGA...' 'Mag kakasama tayo lalaban walang iwanan...'12:47pm
JAMES SEND MESSAGE
James: Magandang Tanghali binibini, kumain kana ba?
Geneva: Ginoo, ako'y kakatapos lamang sa pag kain, ikaw ba'y tapos na rin?
James: binibini, ako'y busog pa ngunit wag ka mag alala ako'y kakain rin maya maya
Geneva: ginoo, aasa ba ako sayo?
James: Ano ang ibig mong sabihin?
Geneva: ha? Wala yan na ano lang
James: ako'y nagugulohan sa'yo binibini, ano ba ang nais sabihin ng iyong puso?
Geneva: Pwede bang mag usap mo na tayo ng hindi makata?
James: masusunod binibini
Geneva: May napusuan kasi akong lalaki
James: eh? Sino...?
Geneva: si basta hahaha
James: ako din may napusuang babae
Geneva: edi dun kana sa kanya
James: jan na ako sa inyo?
Geneva: bawal mabantot dito
James: oh bakit nanjan ka?
Geneva: kasi nandito ako
James: dito la nalang sakin
Geneva: wag ako iba nalang masasaktan kalang~~~
james: So akala mo puro kilig lang ang hanap ko sa relationship? hahaha hindi naman maiiwasan masaktan pag nagmamahal
Geneva: kumakanta ako pinagsasabi mo?
James: nag rarap ako e, epal ka?
Geneva: epal pala ako e edi sige
James: hindi uso mabiro?
Naku tampororot
Biro lang eh
Hindi mag reply mukhang paa
Joke lang yann
Black american
Ghosting
Inis ka agadGeneva: sino? Kausap mo? Sarili mo?
James: pwede ba kitang ligawan?
Geneva: Ano konek? Please try again later!
Sa kalagitnaan ng aming usapan ay
BIGLANG SUMIGAW ANG AKING MGA KAPATID 'ATE ATE SI MAMA...'To be continue...
BINABASA MO ANG
SEARCHING FOR SOMEONE
RomanceWag mong hanapin ang iyong sinisinta, ito'y kusang darating - j0ne3l