Le début

61 3 0
                                    

Le début

Humugot ng malalim na hininga si Glaiza bago niya isinukbit sa kanyang likuran ang bagpack niya. Laman niyon ay ang kanyang laptop at projector kaya medyo mabigat. Hindi niya iyon madalas dinadala. Pero dahil kakailanganin niya ito mamaya at wala na siyang iba pang paraan, dinala niya iyon.

Bagong araw, bagong pag-asaIyan ang motto niya sa kaniyang buhay.

Pagkatapos niyang ilock ang pinto ng apartment niya'y naglakad na siya paalis. 

Napapikit siya nang may bigla siyang maalala. It's her third time, consecutively, na makalimutang isuot ang kanyang ID! 

Bugbog kasi siya ng mga gawain this past few days kaya wala na sa ayos ang takbo ng utak niya. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi siya nagrereklamo. 

Because in the first place, mahal niya ang ginagawa niya. At sobrang babaw na rason ang pagod para tumigil siya.

Laban lang ng laban!

Nang makuha niya ang kanyang ID ay napasulyap siya sa kanyang sarili sa salamin na malapit sa pinto. 


Hindi ganoong katangkaran si Glaiza. Ngunit bawing-bawi naman sa kanyang hitsura. With her rounded and bewitching eyes, pointed nose, thin pink lips and long black straight hair, para siyang isang beauty queen na hindi pinalad sa height. 


Ngumiti siya ng matapang at pinalakas ang loob bago muling lumabas at ilock ang apartment niya.


"Good morning, Ma'am Glaiza!" Napatingin siya sa taong bumati sa kanya habang naglalakad na siya palabas ng kanilang street. 

Napangiti siya nang makita niyang isa ito sa mga estudyante niya. "Tulungan ko na po kayo." Kinuha ng estudyante ang dala niyang bag na naglalaman ng mga papel at kagamitan niya. Napangiti siya sa ginawa nito at hinayaan itong buhatin ang bag niya.

"Good morning din Jave." Nakangiti niyang tugon. "Taga-dito ka pala?" Tanong niya habang nagpapatuloy na silang maglakad.

"Ah, opo Ma'am. Kalilipat lang po namin no'ng isang araw." Magalang na tugon ni Jave.

Napatango-tango siya at bumaba ang tingin sa hawak ni Jave na folder. Nakita ni Jave na nakatingin si Glaiza roon.

"Ah, sa research contest po namin 'to, Ma'am." Wika ni Jave at itinaas ng kaunti ang hawak.

"Ahh, 'yong kasama mo ba diyan sila Karylle at Lisa?" 

Napangiti si Jave. "Opo, Ma'am. Naalala niyo po." 

Napangiti na lang din si Glaiza. "Oo naman! Galingan niyo ah. Talunin niyo 'yong ibang school. I believe that all of you can do it!" 

Napayuko ng kaunti si Jave na tila nahihiya. "Alanganin nga po Ma'am eh. Nakakapressure, lalo na't first time po namin." 

Napangiwi si Glaiza. "Ang nega mo naman! Hindi 'yan! Totoong kailangan mo munang madapa bago ka magtagumpay pero hindi naman sa lahat ng first time mo, matatalo ka. Maniwala ka lang na kaya mo and give your best shot, mananalo ka!" May kompyansa niyang pagpapalakas sa loob ng lalaki.

Napangiti si Jave at yumuko muli ng kaunti. "Salamat po, Ma'am."

Napangisi siya at marahang ginulo ang buhok nito.

"Good Morning, Ma'am Glaiza!" Bati ni Aling Piling kay Glaiza. Ito ang may-ari ng karinderya na katabi lamang ng school na pinagmamay-ari ng matanda. Ito lang din ang tanging malapit sa school.

One Night In The SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon