Chapitre 4

13 0 0
                                    

Chapitre 4

"M-Mang Ambo?" Si Ivy.


Nakahinga ng maluwag si Glaiza nang makita kung sino ang pumasok. 


Ilang sandali ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Kanina'y gulat ang nakaukit sa mukha ng lalaki, ngayo'y napalitan ito ng takot at pagkataranta.


Kumunot ang noo ni Glaiza. "Ayos lang po ba kayo, Mang Ambo?" Bahagya niyang nilapitan ang lalaki.


"Nakita ko si Sir Romeo," Bigla nitong sinabi.


Nanlaki ang mga mata niya at antimanong nakaramdam ng pag-asa.


"Talaga, Mang Ambo? Saan po? Saan niyo po siya nakita?" Lumapit na siya sa lalaki.


May awa ang nasa Taas. Mabilis na umatake ang mga luha sa mga mata ni Glaiza dahil pakiramdam niya'y nalalapit na ang pagtatapos ng malagim na panaginip na ito.


"Sa ComLab, Ma'am Glaiza. N-Nasa ComLab si Sir Romeo." Anito at umiwas ng tingin.


Napatingin siya kay Ivy na ngayo'y naluluha na rin sa mga nangyayari. Lumapit si Ivy sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat. Hinawakan niya ang kamay nito sa kanyang balikat at saka muling tumingin kay Mang Ambo.


"T-Talaga po, Mang A-Ambo?" Tumulo ang luha sa kanyang kaliwang mata. 

"Opo, Ma'am. Puntahan niyo na po siya agad ngayon!" Anito na parang namimilit.


Napatango kaagad siya at nagdesisyong puntahan si Romeo. Ngunit nagdalawang isip si Glaiza dahil maiiwan niya sina Ivy at Lisa. 


"Ako na pong bahala sa kanila, Ma'am Glaiza. Nasa kabilang gate pa naman si 'Tonio." Anito habang pinagmamasdan si Lisa na wala pa ring malay hanggang ngayon.


Napatango si Glaiza. Ngunit kaagad siyang binalot ng pagtataka nang mapagtanto ang huling sinabi nito.


"Paano niyo nalaman na nasa kabilang gate si 'Tonio?" Nagtataka niyang tanong.


Nakita niya ang paninigas at pagkatigil ni Mang Ambo sa kinatatayuan nito. 


"Ah, eh, a-ano p-po Ma-Ma'am," Bakas ang pagkakataranta sa boses nito at hindi makabuo ng nais sabihin.


Humarap ito sa kanila. "Ah! H-Hinabol niya kasi ako kanina ng itak! Opo! G-Gusto niya akong patayin k-kagaya niyo." Tugon nito at naging mailap ang mga mata.


Nakaramdam kaagad ng takot si Glaiza para sa lalaki. "Talaga po, Mang Ambo? Mabuti na lang at hindi niya kayo naabutan!"


Napagtanto niya na hindi lang pala sila ang balak patayin ni 'Tonio.


Napatango-tango ang lalaki na tila kinukumbinsi ang sarili. "Kaya nga po eh," bahagya itong tumawa. "Sige na po, Ma'am Glaiza! Hangga't wala pa si 'Tonio, mabuting bilisan niyo na ang pagpunta kay Sir Romeo. Ako na pong bahala kila Ma'am Ivy at kay Lisa."


"Bilisan mo na, Glaiza." Lumapit sa kanya si Ivy at hinakawan ang kanyang mga kamay. 


"Mag-ingat ka." Dagdag pa nito na nakatingin sa kanyang mga mata.


Napangiti siya at niyakap ang kaibigan. "Salamat." Hinarap niya ito. "Babalik din ako agad. At pagbalik ko, kasama ko na si Romeo."


Ngumisi ito sa kanya. "Ayieee! Wala ng Sir-sir ah! Nililigawan ka na no'n 'no!" Hagikhik nito.


One Night In The SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon