Chapitre 3

12 0 0
                                    

Chapitre 3

"Ah..." Napapikit si Rhea sa kirot ng ulo niya nang tangkain niyang dumilat. 



Nang matagumpay niyang maimulat ang mga mata, antimano niyang inilibot ang paningin sa kanyang paligid. 



Nakakita siya ng mga walis, dustpan, mop at kung anu-anong mga kagamitang panlinis. May mga karton, timba, balde at kung anu-ano pang lumang kagamitan ang mga nandoon. Tanging punding fluorescent light lamang ang naging liwanag ng maliit na silid na iyon.



Kumunot ang noo niya nang mapansin niya ang isang babaeng nasa tabi niya at isang lalaking nasa harapan niya. Napag-alaman niyang mga guro ito dahil sa suot nitong damit. 



Ito siguro 'yong mga taong tumatawag sa kanya kanina.



"M-Melanie?" Gulat niyang sambit nang mamukhaan ang katabi. 



Kaagad na napatingin sa kanya ang katabi at nanlaki ang mga mata. "Ma'am Rhea!" 



"Ma'am Rhea!" Napatingin siya sa kaharap at nagulat siya nang makita niya si Romeo. 



"Romeo?" Naguguluhang aniya. "Teka, anong ginagawa natin dito?" Tanong niya at iginalaw ang kamay na nasa likod. Mahina siyang napamura nang maramdaman niyang nakatali pala ang mga ito.



Bwisit, ang hapdi!



"Ayos ka lang ba Ma'am Rhea?" Tanong sa kanya ni Melanie na nakatali rin ang kamay sa likod.



"Ayos naman. Medyo masakit lang ang ulo." Tugon niya at saka sinubukang igalaw ang mga paa. Napamura na naman siya nang makaramdam ng hapdi. 



"Mabuti naman kung ganoon, Ma'am Rhea." Tugon ng katabi. "Pero Ma'am, paano po kayo napunta rito?" 



Natigilan siya nang bigla niyang maalala ang nangyari sa kanya kanina. 



"Puny*ta," Aniya. "Si Mang Ambo..."



"H-Huh? Bakit Ma'am Rhea? May kinalaman ba rito si Mang Ambo?" Nagtatakang tanong ni Melanie.



Dahan-dahan siyang tumango habang inaalala ang ginawang pagdukot sa kanya ni Mang Ambo.



"Hello, Drake. Oo, nasabi ko na kay Mama na pupunta tayo mamaya sa kanila." Tugon ni Rhea sa kausap.



Galing siya ng office para ibigay ang mga ilang files sa kanilang principal. Pabalik na siya ngayon sa faculty.



"Ah, sige sige." Wika ng kausap niya sa telepono. "Anong oras kita susunduin mamaya? Gano'n pa rin?"



Tumango si Rhea na parang kaharap niya lamang ang asawa. "Oo." Aniya nang may biglang maalala.



"Ah! 'Wag na pala! Mauna ka na lang pala kila Mama."



"Huh? Bakit?"



"Dadaanan ko pa kasi 'yong inorder nating ulam doon kila Ate Lucy." Aniya habang maliliit ang hakbang. 



Mamayang hapon pa naman ang klase niya. Maaga siyang pumasok ngayon dahil marami siyang tatapusin. Hindi na niya kailangang magmadali dahil ang mga files na pinasa niya sa office, iyon na ang pinakahuli sa mga kailangan niyang tapusin.



"Ako na lang ang kukuha---"



"Heh! Ako na! Alam kong alas-sais pa ang tapos ng duty mo ngayon." Putol niya rito. "Tsaka ang lapit lang ng lugar mo ngayon kila Mama, 'diba? Mapapagod ka lang kung pupuntahan mo pa 'yon. Malapit lang naman 'yon dito sa school, kaya ako na. Mauna ka na kila Mama. Magji-jeep na lang ako."



One Night In The SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon