"Cassie, Bilisan mo malalate tayo sa first subject natin bagal mo naman eh"
Ano ba naman tong bestfriend ko antok na antok pa, eh wala naman kameng choice kung hinde panindigan ang sched nato, pero kung papipiliin kame syempre d kame pipili ng 7:30 am na class, ano kame siraulo.
"Oo na pero teka kasi kainis bat kasi CosMan pa talaga ang first subject natin at ang malala Si Ma'am Nora pa ang teacher natin, gurl i'll just get sleepy Lalo eh"
"Hoy sira, ok naman si ma'am ikaw talaga puro ka reklamo"
"PERO—-"
Hinde na natuloy ni cassie ang reklamo niya dahil hinila ko na siya papuntang classroom, shet 5 minutes na lang eh baka maunahan kame ni Ma'am tapos biglang topakin at magpaquiz bigla kasi makikita niyang konti pa lang ang students niya shet na malupet.
Pagdating namin sa classroom ay hingal na hingal kame bat kase nasa 4th floor ang classroom namin hals kainis.
"Woah, naunahan natin si ma'am yehey ang saya"
Parang baliw na nagtatalon tong si cassie kasi naunahan namin si ma'am pero yun buti na lang at para hinde na mangambala si cassie sa mga classmates namin nag aaral eh hinila ko na siya papuntang upuan namin, baka magalit pa mga classmates namin eh seryoso pa naman ang mga yun pag nag-aaral baka sapakin kame or sigawan grrr.Sakto naman pagkaupo namin ay dumating na si ma'am na all smiles pa, minsan talaga natatakot ako pagngumingiti mga prof namin feel ko may balak silang masama.
"Good morning class, hmm Cassandra Marie Galvez lead the prayer" pagkasabi pa lang nun bigla akong lumingon kay cassie at natawa
"Hala, Why me? mukha ba akong pala dasal grr" mahinang bulong niya sa akin sabay kamot ng ulo niya pero wala siyang nagawa at tumayo parin at pumunta sa harapan syempre dapat may face value sa course na to.
"Classmates let us pray, Lord thank you po dahil binigyan niyo na naman po kame ng panibagong araw para makita ang napakagandang prof namin, sana po gabayan niyo po kame at syempre si Ma'am, sana po wag niya po kameng pahirapan, Amen."
"Pft" tangina tatawa nasana ako pero nasamid ako sa laway gago talaga nito.
Pagkabalik ni cassie ay sinapak ko siya.
"Gago, bat mo ako sinapak?"
"Siraulo ka ba? Bat ganun prayer mo?"
"Hmpz, edi ikaw dapat nag lead ng prayer hmpz"
Imbes na sagutin siya ay nangalumbaba na lang ako sa arm chair namin dahil nagsimula nang magdiscuss yung prof namin. Habang nakikinig ako ay napatingin ako kay cassie. Hala nakatulog ang gaga mamaya yan bigyan kame ni Ma'am ng quiz malilintikan talaga siya.
"Class alam niyo ba na ang job order costing sa atin bla bla bla bla... naalala ko nga noon ang pinaka masayang part paggumagawa na kame ng reports and FS is pagpumupunta kameng engineering department para magpasign ng mga documents alam niyo na for justification"
Shet biglang napantig yung tenga ko pagkasabi ni Ma'am nun.
"Shet. Madaming bang gwapo sa engineering department?"
Natawa si Ma'am pati mga classmates ko napalakas ata pag sabi ko nakakahiya, tinakpan ko na lang ang mukha ko dahil sobrang namumula ako.
"Alam niyo class sa dating pinagtratrabahuhan ko madami talagang engineer na gwapo doon, alam niyo na may perks din minsan pag nasa finance department ka ng company pwede kang mag sight seeing lalo na pag nagpapasign ka ng documents na kailangan"
"Ma'am so ang mga engineers po ba ay para sa mga accountant?" Biglang tanong ni Armie yung kaklase naming palabiro
"Eh Ma'am akala ko para sila sa mga architect?" Sabay tawa ni Cassie
BINABASA MO ANG
Until It's Over
RomanceMaiwan o Mang-iwan Series 1: Until It's Over Pinag -aawayan natin kung ano ang mas masakit ang maiwan o mang-iwan pero sa lahat ng bangayan na nangyari ano nga ba ang mas masakit ang maiwan na hindi mo alam ang dahilan o ang mang-iwan pero alam mo k...