ZYLER'S POV
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa loob ng clinic ni Dr. Adlawan, naghihintay na bumalik siya mula sa kanyang pinuntahan. Medyo hapon na rin kasi matapos namin mag-usap ni Zelle dumiretso na ako kaagad dito.Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nakangiting si Dr. Kathyia Adlawan.
"Oh, Zyler, bakit nandito ka? May maipaglilingkod ba ko sa iyo", she asked the moment she sat down on her seat.
"Nalaman ko po kasing ikaw rin ang psychiatrist ng best friend kong si Erzelle Buenavista", I told her.
"Oo, ako nga ang kanyang psychiatrist", she said.
"Humingi po kasi siya ng tulong sa akin para maka-alala, ano po bang pwede kong gawin para nang sa ganon ay matulungan ko siyang maka-alala ng hindi nati-trigger ang kanyang Mnemophobia", I asked.
"Kung maaari, simulan mo muna sa maliliit na detalye. Wag yung masyadong masakit at mabigat at saka ko na sasabihin sa iyo kung kailan mo maaaring sabihin sa kanya yung mga masasakit niyang alaala kapag nagamot na ng mga therapies ang kanyang kondisyon", she answered.
"Pero paano kung matulad siya sa akin, paano kung matagalan bago gumaling ang kanyang kondisyon", I asked again.
"Compared sa iyo, alam mo kung ano ang naging sanhi ng iyong kondisyon pero, si Erzelle wala siyang naaalala kaya naman mas mapapabilis ang kanyang recovery", she said.
"So as much as possible dapat di muna niya maalala yung mga masasakit na alaala niya kasi possibleng isa sa mga iyon ang naging cause ng kaniyang Mnemophobia", she added.
"Maraming salamat po doktora at kung maaari po sanang manatili lamang ito sa ating dalawa", I told her.
"Oo naman iho, oh siya sige lumakad ka na at baka gabihin ka pa sa daan", she said.
"Sige po, mauna na ako", I said before going out of her clinic.
Habang naglalakad napa-isip ako, hindi kaya sasama ang loob ni Erzelle kapag nalaman niyang nililimitahan ko ang mga bagay na nais niyang maalala.
I hope she'll understand because this plan was made to protect her from her own memories.
YOU ARE READING
OUR FEARS
Teen FictionWhat if a person who's afraid to remember falls in love to a person who's afraid to be forgotten. Will they survive till the end or surrender without trying at all? _________________________________________ The picture of the story is not mine cred...