***
Saturday.6:00AM .GHA Badminton court.
Mukhàng napa aga ata ako ..ako pa lang kasi ang nagiisa dito sa may court wala pa sila Chester at Giane..masyado ata akong na excite -__-..
Tutal naman maaga ako nauna na ako sa may locker room.Nilapag ko na yung bag ko at yung case nung raketa ko sa may bench..magsasapatos na sana ako ng biglang bumukas yung pinto---
" Good Morning Rep! Eh?"
Anong?! Bakit?!
" IKAW NA NAMAN!!" Sabay naming sabi ni boy gluta.
Talaga naman oh , ang liit ng mundo..
" BAKIT KA NANDITO !!" sabay na naman kami -__-
" SINUSUNDAN MO KO NO!!" At sa pangatlong beses nag sabay na naman kami..
" teka, teka nga Alex sinusundan mo ba ako?"
" Wow ,kapal! Fyi boy gluta! Hindi kita sinusundan no! Baka nga ikaw pa yun eh! Nung nakaraang araw lang nakita rin kita!" Ako
" boy gluta?" Rinig kong bulong niya
" hoy ikaw ! Stalker ka no!"ako
" stalker? Meron ba nun? Atsaka grabe agad agad?! Stalker?!"
" oo ikaw! May angal?" Ako
" teka nga ,naririndi na ako sa boses mo ,pwedeng wag kang maingay? Wag ka rin sumigaw! Ke aga aga eh! Ang init ng dugo mo"
" eh sa gusto ko sumigaw eh! Paki mo !"
" aga- aga boses mo agad maririnig ko! Asan na ba kasi si rep?!"
" eh sino bang rep yun!!!"
Ano ba kasing rep yun? Rep? RePRIGERATOR
Wews..
" Arrggh!"
Huh! Asar na siya ha? Nag ingay pa ako ng nag ingay, ewan ko ba pero pag nakikita ko si boy gluta parang naiinis ako..siguro naiinsicure ako dahil mas maputi siya saken??
" tumigil ka nga! " bigla niyang hinawakan yung bibig ko...
Asar talo naman to..
Waah ..teka wait ang lapit niya pala sakin...at at yung palad niya!!
><
" yan ,edi maayo--"
" ako na magdadala niyan"
" ako na , kaya ko naman eh"
Naririnig ko na may paparating sila---
" Gi ako na ka----Wuy! Matt ano yan ha?" Chester
Nàkita ko si Gi na nasa likod ni Chester ..
Tinanggal ko ang kamay ni boy gluta sa bibig ko at tumakbo papunta kay Giane.
" Aray!! tae naman oh!"
" te Gi .Good Morning"
Kinausap ko na lang si Gi ,si Chester naman pumunta kay boy gluta
"O anu nangyari sayo Matt?"
" tss ..tinamaan kasi ako ng mahabang buhok"
* sigh*
" Bakit?" Gi
" huh? Ah eh wala..hehe"
***
Nung nagsimula na yung training..pinatakbo kami ng 15 minutes sa loob ng court. Pagkatapos kung ano ano rin yung ginawa naming footwork. Nag feeding din ng maraming bola..nag shadow din sa pagpalo ng raketa..
Grabe ...akala ko bibigay na yung katawan ko sa dami ng ginawa namin..pero itong mga kasama ko parang sanay na..
Ang pinagtataka ko lang eh si boy gluta...
Bakit siya nandito?
Eh sa tuwing magkikita kami ,lagi siyang may hawak na bola ng basketball..ang akala ko nga eh kasali siya sa basketball team ng school namin eh..
At ang pinaka nakakainis sa lahat...eh yung makita ko kung pano siya maglaro... katulad ngayon..
" 15 - 9 " sigaw ni ate Gi na umpire nila..siya ang taga score.
Lamang siya ng anim. Ang galing niyang maglaro, ang galing niyang magpahabol, ang galing niyang pumalo,Ang galing niyang---eh? Ano tong iniisip ko? Sus! Eh kaya ko rin yun eh!
Waaah! Inggit ako! >_
Di bale matutunan ko rin lahat yan.
Kanina na nga eh nung naglalaro kami ni ate Gi di niya mahabol yung bola..bwahaha.
" Yown !!"
Narinig kong sigaw ni Chester.
" pare ang sakit! ah! Baon na baon!" Chester
" haha.. sorry"
Hmff..purket nag smash siya tas patulis..tas malakas.tas baon sa lupa........eh di siya na !
Waaahh! Baliw na ako!
" Alex kayo naman daw maglaro ni Matt sabi ni Coach!"
"Ha?"
Patay.
" ah kayo muna! Take your time! Hehe.."
" Alex sige na laro lang naman" sabi ni Coach
Ihh..panu na yan! Pano pag pumalo siya ng malakas?
Bahala na..
" osige ako umpire ah!" Chester
" huh? Eh akala ko ba laro lang? Walang score- an?"
" De ayos lang yan..di ka naman kakainin ni Matt"Chester
Nakita kong lumapit na si Gi para manuod samin..ba yan! Bat ba ako kinakabahan eh badminton lang naman to? Tsss.
"Love all" sabay na sigaw ni Chester at Giane
*lunok*
Yikes..
BINABASA MO ANG
I'm Falling for you Mr.Chu
FanficMr. Chu~ ipsul wie Chu~ dalkomhage Chu~ onmome nan himi pullyeo Nae mam heundeul heundeureo Nal heundeureonwayo I'm falling falling for your love! sundan ang nakakabaliw na storya ni alex ,ng kanyang mga kabigan ,at ng buong GANG , sa buhay pagkak...