The Heat
Grabe ang init! Isang buwan at mahigit na akong namamalagi lang dito sa boarding house dahil sa enhanced community quarantine.
Sa totoo lang may choice naman talaga akong umuwi ako lang talaga iyong may topak at ayaw dahil sa hindi padin kami nagkakasundo ng aking kapatid.
Isang makaling sando lang ang suot ko at dahil sa sobrang init pa din napagdesisyunan ko nang hubadin ito.
Gusto ko mang mag electric fan ay sayang ang kuryente. Isang buwan na akong walang bayad kay Manang Tess tapos nakiki wifi pa ako sa kanila. Parang ang kapal naman din ng mukha ko pag lalo pang lolobo ang bayarin nila sa kuryente.
Naka panty lang ako na naglalakad sa aking silid at dahil tirik na ang araw nang magising ako ay kumuha nalang ako ng sardinas at sinangag yung kanin na tira ko kagabi.
"Ampucha ang init pa din!" Sabi ko sa sarili. Oo kinakausap ko na yung sarili ko baka kasi makalimutan ko pa kung paano magsalita sa tagal ko nang nakamokmok dito. Bobo na nga magiging mute pa ampopu. Wala naman din kasi akong makakausap dito dahil lahat ng boarders maliban saakin ay umuwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Bahagya kong sinilip ang blinds sa kaliwang banda ng aking silid. Hindi ko kailanman binubuksan iyan. Paano ba naman kasi boarding house for males ang katabi ng boarding house ko at halos magkarugtog lang ang balkonahe namin! Susme! Nagsasardinas na nga lang ako dito tapos lolooban pa ako anong ibibigay ko doon? Itong apat na taong rice cooker?
Wala naman atang tao. Wala na naman akong naririnig na ingay sa kabilang gusali mula noong nagsimula ang quarantine.
At dahil sa tumatagaktak na talaga ang pawis ko itinaas ko na ang blinds total ay nasa ikatlong palapag naman ako walang makakakita saaking dito.
Nakaramdam kaagad ako ng kaginhawaan.
Nagawa ko pangang magstrech ng mga kamay habang nakapikit sa harap ng binta dahil sa kaginhawaang nadama.
"Anak ng kabayo! Shet!" Bigla akong napabulalas ng pagbukas ko ng aking mata ay may taong nakanganga sa aking harapan. Pati din ata siya nagulat kung bakit nag iba yung view niya. Ampupo nakakahiya.
Agad kung itinabon ang dalawa kong kamay sa susong nakalantad. Siya naman ay agad na tinabunan ang mata at bumubuka-buka pa ang bibig na parang hindi alam ang sasabihin.
Pucha! Bakla ba to? Hindi naman sa gusto kong tinititigan niya iyong utong ko pero tae! Nakakainsulto yung pag tabon niya na para bang mabubulag siya pagtinitigan niya ng matagal.
“anong ginagawa mo dito?” pasigaaw kong tanong. Eh sa nainsulto ako sa ginawa niya eh.
“Hindi naman sa pamemilosopo pero nasa boarding ko pa po naman ako.” sagot niya habang nakatabon padin ang kamay sa mata.
Ang putek! Nagawa pa akong I-po! Ay talaga namang kagalang-galang ang lalaking ito eh noh.
“Oh eh… nagcommunity quarantine na bakit hindi ka umuwin sa inyo?” kuryoso kong tanong.
“I think what your asking me right now is personal so I’d rather not answer it” nagmamarunong niyang saad “and besides with the situation that you’re in right now I think that’s the least of your concern.”
Aba’t nag english sa si mayor. Pero narealize ko din naman na tama siya dahil pinagpapawisan na ang loob ng aking siko dahil sa paghawak ko sa boobs ko.
Pero hindi iyan ang kinaiinisan ko. Ang nakaka-inis ay ang pag-tigas ng utong ko sa pag-e-ingles ng nagmamarunong kong kapit bahay!
Wala na akong mahanap na salitang maisasagot sa kanyang pahayag kaya kaagad ko nang ibinaba ang blinds at ipinaandar and electric fan dahil pati na ata mukha ko ay uminit na din.
Kinagabihan hindi padin mawala sa isip ko ang pangyayari kanina. Kung siguro mukhang drug runner ang mukha niya at wrong grammar ang kanyang english ay baka ibinaun na ng utak ko yun.
Pero kasi gwapo eh, tapos may muscles din. Tapos yung english shheeeettt! na malupit.
“Ano kayang pangalan niya? Sayang ang sarap niya pa namang I-stalk sa fb, instagram, twitter at tiktok.”
Aaminin ko, minsan lang talaga ako na-aatract sa lalaki sa unang tagpo mas attractive kasi saakin iyung ugali kaysa sa pisikal na anyo.
Nagising ako sa katok na siyang pinakaayaw kong madinig sa umaga. Antok na antok pa akong bumangon pero agad namang dumilat ang aking mata nang napagtantong hindi sa pinto kundi sa bintana nagmula ang ingay.
“Ano kayang problema ni english?” Oo english na ang tawag ko sa kanya.
Walang pag-aalinlangan kong binuksan ang bintana para matapos na ang pagbugbog niya sa kawawa kong bintana.
“Holy shit! Talaga bang hindi ka nagdadamit?” siyag bungad niya saakin.
Nasa dulo siya ng kanilang balkonahe at may hawak-hawak na walis na parang brush tapos may mahabang stick. Iyon ata ang ginamit na pambulabog saakin.
Agad na tinabunan ng kaliwang kamay niya ang mga mata ang kanang kamay naman ay hawak ang isang pinggang may lamang carbonara.
Bumaba naman ang tingin ko sa aking suot. Naka spaghetti strap crop top na puti pero manipis ito at kitang kita ang utong ko sa baba naman ay naka panty lang.
“Eh sa ganito na talaga ako matulog at tsaka hindi ko din naman aakalaing bibisita ka pala..” rason ko.” edi sana naghubad ako” pabulong ko nang dagdag.
“tss.” tanging sagot niya at inilahad na saaking ang pinggan habang ibinaba naman niya ang kaliwang kamay pero ibinaling naman ang ulo sa ibang direksyon.
“alam mo nakakainsulto nayang mga galaw mo ha!” Hindi ko na talaga mapigil ang bunganga ko.
Kaya kami palaging hindi nagkakasunod ni ate dahil sa bunganga ko. Hindi kasi ako naniniwala sa body language lang kasi madalas ibang meaning ang mailalabas kaya kung maaari ko namang komprontahin ay sasabihin ko talaga ang aking saloobin.
Dahil sa pahayag kong iyon ay napatingin siya saakin at itinaas ang kilay na para bang hindi niya kuha ang aking sinabi.
“nakakadiri ba ang katawan ko? O bakla ka lang dahil ayaw mong tumutig?” inis kong saad. Sa buong buhay ko ngayon lang ako na-insecure sa hubog ng katawan ko.
“Is that an invitation? Cause if it is I’m not one to turn down offers” this time lumalim at pumaos na ang kanyang boses alam mo iyong pang 50 shades na bedroom voice. Umatras siya saglit at inilagay ang carbonara sa silya sa kanyang likuran.
Bigla siyang humakbang at tumuntong sa railings ang kanyang balkonahe at inisang malaking hakbang lang ang pagitan ng aming gusali tapos ay walang hirap na tinalon ang bakod ng aking balkonahe gamit ang kanyang mga kamay na siyang itinukod.
Napatayo ako ng matuwid at bahagyag tiningala ang kanyang mukha dahil sa may pagka dalagang pilipina talaga ang aking height.
BINABASA MO ANG
Homebound
General FictionWhen corona virus hits the city where Marimar's university stands, everyone was advised to go home before the implementation of the community quarantine. A week later she found herself alone on the third floor of her boarding house building with no...