After a week, malinaw pa rin sa isipan ko yung mga nangyari samin ni Rob. Dama ko pa rin sa labi ko yung labi niyang kay lambot. Yung laway niyang manamis-namis. At yung hininga niyang mainit. Di ko tuloy napigilang mag jakol noon. Siguro halos araw-araw siya lagi laman ng isip ko tuwing nasa cr ako.
.............................................................................................
Araw ng Linggo, tanghaling tapat noon sa bahay namin nasa taas kami ni Rob. Naghaharutan kami.
"O di ka na makakaganti " sabay kiss ni Rob sa pisngi ko, dahilan naman para magalit ako. Ayoko talaga ng kinikiss ako promise.
Di ako umimik nung time na yun. Siya naman tuwang-tuwa pa rin. Gustong-gusto niya talaga na naasar ako lalo na pag siya yung dahilan. Ewan ko ba kung bakit.
"Naku Rob, yan ka na naman sa pangkikiss mo ah. Sabi ng ayoko hinahalikan ako eh" Sabay pukol ng unan sa mukha niya.
"Hahaha. Asar talo ka pala eh." Pang aasar pa rin ni Rob. Habang papunta ng bintana namin.
Habang nakatalikod siya sa bintana, dahan-dahan akong pumunta sa likod niya para gumanti. Yung akma ko ng hahalikan siya sa pisngi bigla siyang humarap.
Huminto yung mundo namin na akala mo pang KDrama yung tagpo naming yun. Nagulat ako kasi sapul na sapul yung labi naming dalawa. Siya agad yung unang kumalas sa tagpo naming iyon.
"Potek" agad akong pumunta sa bintana at dumura kunwari. Para di niya mahalatang nagustuhan ko yung pangyayari.
"Kuya naman e. May pagdura ka pang nalalaman diyan. Di ba masarap yung labi ko" - natatawang sambit ni Rob.
Ang bilis ng tibok ng puso ko nun. Di ko siya pinansin. Sa halip nagpatuloy lang ako sa pagpunas sa labi ko.
"Rob" sigaw mula sa labas ng bahay namin.
"Nanay mo tawag ka. Uwi ka na muna" - yun na lang ung nasabi ko sa kanya.
Iba pa rin pala talaga sa pakiramdam kapag yung kahalikan mo eh gising. Lalo akong nahulog sa kanya that time. Yung brotherhood namin, for me mas humigit pa.
...........................................................................................Hapon na nung lumabas ako ng bahay. Nakita ko si Mark na nasa terrace. Agad akong lumapit at nakipag kamay.
"Uy Mark, nakita mo ba si Rob?" - bungad ko agad sa kanya.
"Ewan ko. Bakit sakin mo hinahanap yun. Eh diba kayo lagi magkasama" - nakasimangot na tugon ni Mark.
"Galit ka ba sakin Mark? Nagtatanong lang naman eh"
"Ha? Bat naman ako magagalit" -Mark
"Eh kasi yung sagot mo parang galit eh" sabay akbay sa kanya.
"Kuya!" Sigaw ni Rob
"O ayan na Bestfriend mo dun ka na" - sabay tanggal niya ng braso ko sa balikat niya.
Lumapit si Rob samin ni Mark. Doon hindi sila nagkikibuan. Ako lang yung bumubuhay sa usapan namin. Di ko maintindihan pero parang yung buhok ko naapakan ko na sa sobrang haba.
Matagal na puro ganoon yung nangyayari saming tatlo. Kapag magkasama kami ni Rob at makikita si Mark biglang nagiiba yung kilos ni Rob. Haharutin niya ko. Papasan aakbay. Basta nagiiba. At kapag magkasama naman kami ni Mark, biglang aayain ako ni Rob magcomputer o di kaya pumunta sa bahay nila. Para bang lagi niya kong iniiwas kay Mark.
Dahil doon, naramdaman kong mas lalo akong nahuhulog na kay Rob. Pero alam ko rin sa sarili ko na yung pagtingin niya sa kin ay KUYA lang. KUYA na kalaro niya lang.
BINABASA MO ANG
Boys Over Richard
Short StoryLove, Romance and Errotic _____________________________ Ang kwentong ito ay iikot sa mga naging lalaki ng buhay ni Richard. Kwentong punong puno ng pagnanasa at pag-iimbot sa kaparehong kasarian. Kwentong binalot ng lihim kaya't maging ang pagkatao...