2012 ng sumunod na taon bakasyon ito, parang nagbakasyon din ang friendship namin ni Rob. Hindi dahil nagbakasyon siya kundi dahil nagaway kami. Gawa na rin siguro ng matinding pagselos ko na hindi naman dapat.
Sa pagkakatanda ko, kaya kami tuluyang nag away nang ligawan niya si Abby. Kasing edaran niya lang ito. Dito ko na feel na, as BESTFRIEND o Kuya lang talaga ang mabibigay na relasyon sakin ni Rob. Sobrang sakit. Alam mo yung feeling na durog na durog ka. Gusto mong lumaban kaso parang dead sea yung chance na manalo ka.
Sakto isa si Abby sa kaaway ng grupo namin hindi ko na rin matandaan kung bakit. Basta sa pagkakantanda ko, isa sa rules ng grupo namin na kapag kaaway ng grupo dapat layuan. Sa madaling salita, di papansinin.
Eh ang kaso, syempre lalaki si Rob, di mo masisisi na may matipuhan siya. Lalo na sa edad niyang nasa stage siya ng LIGAWAN o Puppy Love. Dahil doon, natanggal siya sa grupo. Syempre, dahil na rin sa matinding selos at sakit na dinulot nito sakin mas pinili kong manatili sa grupo.Sobrang sakit para sakin ang mawalan ng BESTFRIEND. Doble yung sakit nito sakin. Ang mawalan ng bestfriend, at nung maging sila ng nililigawan niya.
First time kong ma-broken hearted noon. Lahat ng kantang malulungkot naiintindihan. Sa ganoong edad eh, naranasan ko ang putang-inang pag-ibig ng isang umiibig sa bestfriend. Yung pag-ibig na kailanman eh hindi masusuklian ng isang romantic love, kundi a brotherhood love lang.
................................................................................................
Lumipas ng dalawang linggo hindi pa rin ako maka move on kay Rob. Lalo na sa tuwing nakikita ko siya. Sa tuwing magsasalubong kami. Kita ko sa mata niya ang sobrang lungkot. Alam ko kapag malungkot siya eh. Pero mas nanaig pa rin sa isip ko na iwasan siya. Na pilitin kong as a BESTFRIEND lang yung mabibigay niya sakin
BINABASA MO ANG
Boys Over Richard
Short StoryLove, Romance and Errotic _____________________________ Ang kwentong ito ay iikot sa mga naging lalaki ng buhay ni Richard. Kwentong punong puno ng pagnanasa at pag-iimbot sa kaparehong kasarian. Kwentong binalot ng lihim kaya't maging ang pagkatao...