Kwarto

0 0 0
                                    

          Nagsimula na nga ang ikalawang semester namin bilang Senior High School sa grade 12. Napag kwentuhan namin nila Zander at Angela ang bago naming kaklase na si Roel. "Kuys mukhang mapapasabak ka sa bago nating classmate a" hindi ako agad nakasagot sa sinabi ni Angela kasi hanggang sa ngayon iniisip ko pa rin ang nangyaring grouping bakit sya baka mahirapan lang ako dahil hindi naman kami close. "Kuys! Mukhang kinakabahan ka a, kanina ka pa tulala dyan kuys wag mo syang masyadong isipin tao lang din yun mabaho ang utot". Nagtawanan na lang kami at bumalik na sa classroom. Sa pag balik namin sa classroom naabutan namin na ang class president namin ay nagsasalita sa harap ng klase. Binabanggit niya ang incoming Foundation Activity ng school.
   "Classmates, mataas ang expectation ng school sa ating mga Senior High School kasi tayo ay inaasahan na magdadala ng kaayusan sa program na ito. Magkakaroon tayo ng Mr. Senior High School at bawat section sa bawat strand ay dapat may representative. Kaya sa madaling salita kailangan nating pumili ng ating ilalaban sa section natin. Dapat nating suportahan at kailangan nating i group ang ating section para sure na may supporter talaga ang panlaban natin. Sino sa tingin nyo ang pwedi nating ilaban?"
     "Sa tingin ko po pwedi na si Roel Santos, gwapo na siya at hindi mahirap bihisan dahil maputi na makinis pa" wika ng isa naming kaklase. "Sang-ayon ako dyan, di tayo mahihirapan na hanapan sya ng damit na isusuot sa kanya kasi maganda naman na ang pangangatawan nya". Hindi ko man lang namalayan na nasabi ko ang mga iyon. Nahiya ako feeling ko close na kami kung ipagtulakan ko siya. "Sa tingin ko pabor ang lahat na si Roel ang ilalaban natin? Okay lang ba sayo na ikaw ang ilalaban namin?" Agad namang sumagot si Roel "walang problema sa akin basta lahat ng susuotin ko at lahat ng gagamitin ko kayo na bahalang maghanap" sumagot naman agad ang aming president "Oo, walang problema doon kami na bahala basta sa mga schedule ng rehersal kailangan palagi kang nandun"
At hinati na nga ng presidente namin ang aming klase. May mga kaklase akong  naassign sa online voting at pagpapakalat ng ingay sa social media, meron namang na assign sa tarp at banner para dun sa program. Si Angela ay napunta sa props and costume  at si Zander sa formal attire . Ako na assign sa pag train sa pagsagot nya sa Interview and Q and A. Binuo na rin ng class president namin ang schedule sa rehersal sa damit at sched ng traning nya sa Q and A.

     Uwian na. Naiwan ako sa classroom dahil inaantay ko si Zander at Angela dahil kumuha sila ng report sa isa naming subject. Hindi ko namalayan na bumalik pala ng classroom si Roel. Kinabahan ako kasi lumapit siya sa akin nakatitig sya na para bang may gustong sabihin palakas nang palakas kabog ng dibdib ko hanggang sa "Nakita mo ba ang folder dito sa upuan ko report ko kasi yun sa isa nating subject?" tanong niya sa akin "a nakita ko nilagay na dun sa table sa likod dun nilalagay ng mga cleaners ang mga naiwang gamit check mo na lang dun" Di ko alam bakit kabang-kaba ako sa tuwing lumalapit siya sa akin. "Teka, bakit pala sinang-ayunan mo yung pagpipresenta ng classmate natin sa akin, hindi mo pa naman ako kilala a at saka parang ang gwapo ka naman sa paningin mo" nangungutyang tanong ni Roel kay Jiro "a yun ba? Kasi totoo naman hindi naman na maitatanggi makinis ka naman, maputi pa sakto ang tangkad mo, sakto rin katawan mo hindi ka mahirap bihisan" sagot ni Jiro kay Roel "Siguro type mo ako?" Nagulat ako sa sinabi nya di ako nakasagot para akong binuhusan nang malamig na tubig. Di ko mapigilan ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko namalayan nakalabas na pala sya nga kwarto namin. Sakto naman na dumating na sina Angela at Zander. "O kuys, ano yang hawak mo? Cellphone no. Ni Roel? Para saan?" pag-uusisa ni Angela sa hawak nitong piraso ng papel na iniwan ni Roel sa kanyang kamay. Agad akong sumagot na "a binigay nya para mag text daw kami tungkol doon sa event." Sagot ko sa tanong ni Angela "ang arte a, cp no. pa talaga pwedi namang Messenger sa FB, tara na punta pa tayo sa bahay nila Zander gawin natin ang planning sa final requirements natin mahirap na baka hindi tayo maka graduate"
          Lumabas na kami ni ng classroom at tumungo na sa bahay nila Zander. Malapit na gumabi ng dumating kami sa bahay nila. Maaga kaming pinauwi dahil unang araw ng second semester. Kaya kina Zander na kami nag hapunan.

          Habang kumakain kami kasabay ang Nanay ni Zander biglang naiisingit sa usapan na "Naku! yang si Zander mas gugustuhin ko na lang magkasyota yan na bakla para  di makabuntis mahirap na baka kapag babae gawin agad akong lola" nagtawanan na lang kami sa tinuran ng Nanay ni Zander. Masayang kasama ang Nanay ni Zander medyo bagets kausap cool lang walang seryosohan masyado ginagawang masaya lang ang buhay. Si Zander kasi ang bunso sa magkakapatid lahat ng kapatid niya nag-asawa na matapos makapag tapos sa college. Tapos na kami kumain. Pumunta na kami sa kwarto ni Zander para doon pag-usapan ang gagawin naming plano sa isa naminh subject. "Mga kuys, wait nyo ako 'dyan a labas lang muna ako. Kausapin ko lang saglit si Imang sabihin ko andito ako kila Zander."  Habang nasa labas at inaantay namin si Angela nagulat ako sa tanong ni Zander. "Type mo si Roel noh?" pinaulit ko pa kay Zander ang kanyang tanong "Ano, anong sinasabi mo" "ang sabi ko type mo si Roel" "hindi a paano mo naman nasabi e baliw ka lalaki kami pareho" natatawang sagot ni Jiro kay Zander "e bakit sunusugan mo classmate natin? Tapos tulala ka pa nung nakita namin kayo ni Roel sa classroom? Wehhh may sinabi siya sayo nohh"

Hinawi sa BahaghariWhere stories live. Discover now