Chapter 1

24 7 0
                                    

Sabi nila try and try until you succeed pero bakit ganun? Hanggang ngayon eh hindi parin ako napapansin ni Rafael. Hay nako. Ilang buwan nalang eh maggra-graduate na kami ng college.

"Hoy! Eve!" Sigaw ng kaibigan ko na si  Isabel. "Ano na naman ba yang iniisip mo ha?"

"Eh. Paano naman kasi, ilang taon na akong nagpapansin kay Rafael. Hanggang ngayon di niya parin ako gusto."

"Hay naku Eve. Pabayaan mo na kasi siya. Tutal marami kanang naibigay na oras sa kanya, Hindi kaya time na para tumigil kana?"Tanong niya sa akin.

"Di ko Alam."kasabay ng pagkawala nang isang malalim na hininga.

"Tara na nga. Malalate na naman tayo sa last subject natin kung magkwekwetuhan pa tayo. Andami mong drama." Sabay tawa niya sa akin

"Che! Tara na nga baka makurut pa kita diyan."

Habang naglalakad kami sa hallway sakto naman na nakasalubong namin si Rafael kasama yung mga barkada niya na si Kevin at Neil

"Hi Rafael" Bati ko sa kanya habang inayos ang aking buhok at ngumingiti.

"Ouch! Eve. Si Rafael lang ba ang babatiin mo?" Sabi ni Kevin at Neil habang hawak ang kanyang puso na parang nasasaktan.

"Hi din Kevin at Neil. Oh ano masaya na kayo?"

"Oo naman."Sabi ni Kevin at Niel habang parang nababagot si Rafael na nakikinig sa amin.

"Saan pala kayo pupunta? Eh, magsisimula na ang klase." Tanong ko sa kanila.

"Magc-cr lang kami." Sagot ni Kevin na nag-aalinlangan pero hinayaan ko nalang siya

Napa-tsk nalang si Rafael sa sinabi ni Kevin

"Sige mauna na kami ni Isabel sa classroom. Bilisan niyo, istrikto pa naman si sir Bobby pagdating sa attendance."

"Oo huwag kang mag-alala Eve." Sabi ni Niel habang ngumingiti.

Nang nalagpasan na namin sila biglang nagsalita si Isabel.

"Tignan mo, parang Hindi interesado si Rafael sa iyo girl. Kaya kung ako sayo Eve hahayaan ko na siya or iiwasan ko nalang siya para makamove on na'ko"

"Saka lang ako titigil Isabel kung harap-harapan niya nang sasabihin sa akin na ayaw na niya talaga sa akin. Kaso hanggang ngayon wala pa siyang sinasabi."

"Sabi mo eh. Basta sinabi ko na ang advice ko sa iyo ha.  Kaya huwag kang iiyak-iyak sakin kapag sinabi na niyang ayaw niya sayo." Sabi niya habang inaayos niya Yung strap ng kanyang bag.

Nang nakarating na kami sa classroom. Umupo na kami sa aming silya at sakto naman na dumating si Sir Bobby na teacher namin sa Math.

"Good Morning class." Bati ni sir samin habang inaayos ang kanyang salamin at inilapag sa lamesa yung mga libro na hawak niya.

"Good Morning  din sir." Bati ng mga kaklase namin.

"Pssst.pssst."Sabi ko kay Isabel

"Bakit?"pabulong na tanong sakin ni Isabel

"Sina Rafael bakit wala pa sila?" bulungan namin ni Isabel na parang timang.

"Diba Mag CCr lang sila?"

"Hay naku Eve makinig ka nalang kaya. Hindi na sila bata para alalahanin mo pa sila." Sabi niya na parang magagalit na.

"Okay." Sabi ko na Lang sa kanya habang nag dodoodle sa aking notebook.

Habang nagdidiscuss si sir pinipilit ko  nalang na intindihin yung mga sinasabi niya. Bakit pa kasi kailangan na pag-aralan yang mga yan eh Hindi naman nagagamit sa daily basis yang mga yan, ang kailangan lang naman eh addition,subtraction. Hay naku!

"Eve." Sabi ni Isabel sabay hawak sa akin kamay na parang nakakita ng multo

"Bakit?" Tanong ko sa kanya na naguguluhan.

Tumingin si Isabel sa harapan at doon ko na napagtanto na tumitingin pala  si Sir Bobby sa amin este sa akin Lang pala na animo'y sasabog na sa galit. Natutop ko nalang Ang aking bibig ng na realize ko na napalakas pala ng pagkasabi ko sa iniisip ko!

"Miss Evelyn! See me after our class at the principal's office."

Dahil sa kahihiyan wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango na lang kay sir.

Last subject na nga. Nadali pa, paano na yan weekend na bukas at diko manla nagawang  makausap si rafael ng matino.

Pagkalipas nang napakahabang oras. Natapus din ang klase namin at unti-unti naring nagsilabasan Ang mga kaklase namin.

"Miss Evelyn, don't forget." Sabi ni sir akin habang paalis siya.

"Yes sir."Sabi ko habang nakasimangot.

Habang inilalagay ko yung mga gamit sa bag ko. Lumapit sakin si Isabel at may halong pangungutya sa kanyang mukha.

"Huwag mo nakong asarin Isabel. Alam ko nayang nasa utak mo".. At tumayo ako sa  aking kinauupuan at sinakbit sa balikat ko ang backpak.

"Kung nakita mo lang sana yung mukha mo kanina Evelyn talagang matatawa ka."habang naglalakad papunta sa principal office.

"At bakit mo naman nasabi yan?"

"Dika nga makatingin nang diretcho kanina Kay sir eh."

Nang makarating na kami sa tapat ng principal office nagpaalam na saakin si Isabel.

"Bye Eve. Ingat sa paguwi" sinasabi ni Isabel habang lumalayo hanggang sa diko na siya matanaw.

"Hello ma'am." Habang binubuksan ko yung pintuan ni Ma'am Bedett

"Come in Miss Evelyn. Maupuka. Nagkausap na kami ng iyong math teacher and we came into an agreement na dahil first offense mo palang kailangan mong linisin ang Cr ng mga babae at pagnatapos mo  ay makakauwi kana.."

Lalabas na sana ako sa office ni Ma'am Bedett ng tawagin niya ako uli. "Kumuha ka nalang sa storage room nang mga kakailanganin mo sa paglilinis Miss Evelyn."

"Yes Ma'am." At umalis nako.

Nang makuha ko yung kakailanganin ko which is mop at timba. Isang hakbang nalang  para makapasok ako sa Cr nang bigla akong naestatwa aking kinatatayuan Dahil sa aking narinig na kalambag. Nagpalingalinga ako sa aking palagid para tignan Kung may tao pero wala naman.. Agad-agad akong pumasok sa Cr at sinimulan ang aking  gagawin. Habang nagmomop ako may naririnig ako na huni ng tao..

"Lord patawarin niyo na ako. Makikinig na ako sa lecture susunod huwag niyo lang po along takutin." Mas binilisan ko pa ang paglilinis Dahil sa mga kaluskus na aking naririnig.

Nang matapos ko. Tumakbok ako palabas ng Cr ng bigla nalang may lumitaw sa harap ko.

"Hahhhhhhaha!!"Dahil sa gulat ko ay napaupu ako sa sahig at nang tignan ko kung sino ang salarin, ay walang iba kundi si Rafael na halos mamatay sa tawa. Dali- dali akong tumayo at pinagpag ang aking suot.

"Dimo ba alam na bawal ang manakot? Paano nalang kung mahina ang aking puso"Sabi ko sa kanya habang makapamewang.

"Buhay ka pa naman diba." Habang pinupunasan niya ang kanyang luha.

"Bakit ka paba nandito? Nasaan yung mga kasama mo?"

"They ran away.." at nagsimula na siya maglakad.

"At ang maglinis din ng Cr Ang parusa mo?"

"Yeah. Ikaw? Anong ginawa mo?"

"Yun. May nasabi lang ako na hindi dapat sana." Sabay tawa

At ngayon ko lang siya nakita na genuine na tumawa.. Dahil doon nacompleto Ang aking araw.




























When Love And Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon